HELLO, I Love You
Chapter 3 :Familiar
•NHICXY NYX pov•
"Hindi na po ba pwedeng...ibahin?"
Napapikit na lang ako sa sobrang kaba, dahil hindi ko napigilan mag-tanong kay Ms. Castro. Hindi ko alam kong paano ako magiging guro.
"You're task is also urgent" Nanlaki yung mata kong tinignan si Ms. Castro. Ano? Urgent saan?. Naguguluhan talaga ako, hindi ko alam kung pinag-loloko lang ba ako or what. Hindi ba urgent? Dahil kailangan ng guro para makapag-aral yung students, like ang unpredictable at the same time unguessable ng sinasabi niya, there's some puzzle or riddle sa mga sinasabi niya.
"Po?" Curious kong tanong pero nginitian niya lang ako. Hindi naman masasaagot lahat.ng tanong ko sa pangiti-ngiti mo Ms. Castro..
"You may now leave Ms. Santiago, ipapatawag kita ulit para sa isang ceromony" Nagulat ulit ako ng sa huli niyang sinabi. Ceremony?. Kaartehan.
Gusto kong umangal pero mas lalo lang magiging complicated kaya nanahimik na lang ako.
"Yes Ms." Sagot ko bago ako tumayo sa inuupuan ko at nag-lakad palabas ng office.
"Oh anong sabi?" Pag-labas ko ng guidance sinalubong ako nila Ciello at Jhana na kanina pa atat na malaman kung ano yung sasabihin.
"Tss..i got my task 'special task'" Nakangusong sabi ko, habang nag-lalakad kami, inaalala ko pa rin yung mga pinagsasabi ni Ms. Castro. Kinakabahan ako. Paano pag umatras ako?, marami ng nakaka-alam ng posisyon ko..may mga toxic pa naman.
"Talaga?!" Oh eh ano daw?!" Excited na tanong ni Ciello habang nananatili lang tahimik si Jhana na nakikinig, at alam kong curious din yan ayaw niya lang mag-tanong ng mag-tanong.
"Im gonna be teacher" Parang gusto kong umiyak ng sabihin ko yun. Iba yung ine-expect kong magiging task ko eh, kala ko may ipapagawa sa akin na mahihirap na project, bakit ganto??
Hindi ko na alam kung paano pa ako makakatulog mamaya sa kakaisip ng mga mangyayari sa susunod.
"Ano?!" Hindi makapaniwala si Ciello ng sabihin ko kung ano yung magiging task ko. Nag-tataka lang ako anong 'special' dun? Sabihin na natin na kakaiba yung task ko, pero hindi yun espesyal nakaka-asar kaya! Ang hirap nun.
"What?" Hindi rin makapaniwala si Jhana. Syempre sino ba'ng may gustong mag-turo na isang estudyante sa school nila diba?
"Tss..i forgot to ask kung hanggang kailan" Sabi ko habang napapa-isip kung panadalian lang yun o talagang gagawin ko na yun palagi. Pero imposible walang ganun.
"Baka...for the rest of your life na yan, hanggang maka-graduate ka...?" Pananakot niya sa akin pero hindi naman ako natakot, slight lang kasi syempre gagawin ko pa rin naman yung bagay na yun.
"Tss..walang ganun" Inirapan ko siya hanggang sa makapasok kami sa loob ng classroom. Napatingin pa ako sa mga ibang students na nakatingin sa akin ng nag-lalakad kami paupo sa upuan namin. Problema nila?
"Sabagay.." Tango-tango pa ito bago kami maka-upo sa kaniya-kaniya naming upuan.
"Btw may ceremony na magaganap mamaya" Casual na sabi ko habang nag-aantay ng panibagong lecturer na dadating. Hinigaan ko ba yung braso ko at pinikit yung dalawa kong ilong—mata kasi, at naidlip. Nakakatamad pumasok ngayon..bakit ganun. Im so sick of this boredom.
"Really?!" Inalog-alog niya pa balikat ko kaya siniko ko siya para manahimik. Bakit ko pa kasi sinabi. Hindi ko na alam kong saan ako lulugar, ayaw ko ng maingay kasi naiirita ako, pero ayaw ko rin sa tahimik dahil nab-bored ako.
"Woah.." Jhana commented. Ewan ko kung comment tawag sa reaction niya. Ang hirap hulaan ng expression niya nakakalito, hindi ko alam kong saan yung totoo, like ganyan ba talaga yung mga introvert person o 'di kaya yung lowkey na tao..
"Yieeeee!!, excited na ako na maging ganap ka ng presidente, tapos saksi lahat ng students dito kung paano ka parangalan!" Napangiti ako bigla ng sabihin niya yun, dahil naa-appreciate ko siya kung paano nila ako nila Jhana suportahan, pero napa-isip ako bigla, paano kung biglang dumating sa point na umatras ako? Paano kaya sila mad-disappoint.
"Tss..hindi naman na kailangan yun-" Banat ko sa ka-OA-han niya. Hindi ko alam kung paano ko haharapin yung bukas na mangyayari. Pwede ko kaya suhulan si Ms. Castro? para mag-bago pa isip niya, palitan niya yung task ko.
"Gaga! Kailangan yun, saan ka nakakita ng naging presidente pero walang parangal o ceromony na naganap" Putol niya sa akin, pero tinginan ko lang siya.
"Meron akong nakita.." Mahinang sabi ko, habang bumalik ulit sa pag-kakahiga ko sa braso ko at pinikit yung mata ko, habang nag-aantay ng teacher na papasok. Nakakabagot! Sarap manapak.
"Saan?" Takang tanong niya. Ikaw na lang kaya sapakin ko—jwk.
"Dito." Sagot ko. Habang nakapikit yung mata ko, may biglang pumasok sa isip ko at ayaw ko ng sabihin kung sino dahil baka ma-disappoint kayo. Pumasok sa isip ko si kuya Bats, iniisip ko kung kamusta na kaya yun?, hindi kaya siya ulit napag-tripan.
"Gaga'ng 'to" Tumatawa siya habang hinampas ako sa balikat ko. Pinikit ko yung mata ko at sinubukang matulog.
Hanggang sa natapos na ang klase namin, ay pina-diretso kaming lahat sa Stadium kung saan doon gaganapin yung ceremony. Kailangan ba talaga 'to? Binagalan kong mag-lakad ng maaninag ko na yung court para mabawasan yung kaba ko, pero parang lalo akong kinakabahan. Baka biglang ipa-speech ako sa entablado ng hindi ko alam, makakapatay ako ng head-mistress.
Ng makarating kami sa loob ng Stadium maraming estudyante ang dumagsa. Literally? . Sa sobrang daming tao sa loob parang hindi ako makahinga sa sobrang siksikan. Malaki at malawak yung Stadium pero kahit ganun mas matimbang pa rin yung mga estudyante na over healthy kaya takaw space, but that's ok.
Pinapwesto ako ni Ms. Castro sa pinaka-harap ng makita niya ako na nasa likuran. Sayang wala si lolo, hindi niya ako makikita kung paano ako parangalan bilang ma-pride na tao.
"Good afternoon students..teachers and other people here, who attend this important event" Nag-simula ng mag-salita si Ms. Castro sa harap habang isa-isang naka-tingin sa bawat taong nasa loob. Sana lang talaga wag niya akong ipa-speech dahil hindi ko alam sasabihin ko. Siguro bibigyan ko na lang sila ng tips para maging cool katulad ko, yun ang sasabihin ko kung sakaling ipa-speech ako sa harap. #pride.
Nagulat na lang ako ng biglang nag-echo sa loob ang mga halo-halong boses. Puro sigawan, tilian, may mag-dadabog pa ata eh. Fr?. I feel like im in the concert na kung saan merong kumakanta na mga sikat na tao at ako yung....taga-drum lang.
"Wohoooo!!"
"Waaahhh!!"
"Yeyyy!!!"
"Alam kong naging madali ang araw na 'to, pero alam kong magiging mas maayos ang takbo ng loob ng school kung sa simula pa lang ng pasukan ay may namamahala na agad." Nakangiting dugtong ni Ms. Castro. Napa-isip ako, ano ba yung mga ginagawa ng mga president sa school?, sila ba yung type na iikot sa bawat hallway ng iba't ibang floor para i-check kung may nag-c-cutting ba, o siya yung type ng president na gagawa ng iba't ibang task para sa school, o di kaya siya yung type na....walang gagawin kung hindi ang maboring lang sa sarili niyang comfort zone.
Ano kaya sa tatlo na yun ang magiging tungkulin ko? Eh paano kung wala dun sa tatlo?
"And with that, i want to introduce our new President in New Hera Senior High Council, let us give Ms. Nhicxy Nyx Santiago a round of applause!" Parang naging drum na pinapatugtog yung dibdib ko ng banggitin ni Ms. Castro yung buong pangalan ko at pinaakyat ako sa stage. Umakyat ako sa stage ng may natataeng ngiti—este may kinakabahan na ngiti, hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa harap kasi gusto ko sanang tumingin patalikod.
Hindi ko ma-explain kong paano ako kinakabahan, parang gusto kong bumagsak yung stage at malaglag ako pababa.
"Wohooooo!!"
"Yeeeeeyyyy!!!!!"
"Go Nhicxy!!"
"We'll support you Nhicxy!!"
"Congrats!! "
"Congratulations!!!! "
"Woohoooo congrats babeee!!
Tf? Sinong babe?
"I love you Nhicxy!! Congrats!! "
"Is there anything you want to say Ms. President Santiago" Binalingan ako ng tingin ni Ns. Castro at nginitian pa ako. Yan na nga ba yung ikina-kakatakot ko eh.
"None, but i want to say thank you for those students and other people who support me" Casual na sabi ko, at pinilit kung hindi ngumiti and end up napangisi ako, kasi natatawa ako sa mga ibang estudyante na pilit sumisiksik at sumisingit tapos naiipit yung mukha.
"Your welcome!!!!"
"Waaaaahhh!!!!!"
"Her voice is so fine cool!!!!"
"Nakaka-ngisay!"
"s**t!! Im so fvcking in love with her..!"
Easy kuya....
Ng maka-baba na ako ng stage ay sinalubong ako ng mga kanina pang students na nag-kakagulo kanina dahil sa akin, jeez..gusto ko mag-tanim ng bomba, hindi ako makahinga. Grabe.
Nagulat pa ako ng may humihila sa blouse ko papalapit sa kanila kaya wala akong nagawa kungg hindi ang angkinin ang damit ko at hilain yung sarili ko pabalik sa taas ng stage.
Buti na lang at nakita ko sila Ciello na kanina pa pala ako tinatawag, kaya nilapitan ko sila.
"Congrats" Jhana suddenly greet me while we're walking palabas ng Stadium, i just nod and smile. Thanks.
Grabe nagulat na lang ako ng nag-lalakad na kaming tatlo nila Ciello pabalik ng classroom na parang walang naganap. Pero meron pa rin kaming nasasalubong na mga students na binabati ako.
"Congrats Ms. President Santiago" Nakangiting bati saakin ni Ceillo. I find it piss kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ang panget.
"Stop" Sita ko sa kaniya pero hindi niya pinansin yun. Napa-isip tuloy ako kung anong magiging reaction nila mommy pag-binalita ko sa kanila yun. Sana lang ako unang makapag-balita sa kanila.
"Congrats beshie!! My gosh! You owe me a lot kaya, dahil ikaw na ang president gawin mo'kong sexytary mo" Napakamot na lang ako sa pisngi ko ng sabihin niya yun.
"Hindi ko alam na uso pa ang ganyan." Sabi ni Jhana kay Ciello kaya binalingan ni Ciello nalg tingin si Jhana. Wala naman kasing ganun.
"Dami mong alam" Pambabara ni Ciello kay Jhana, tapos nag-tutulakan pa silang dalawa, sinasabayan pa nila ng panggagaya ng sinasabi ng isa't isa. Ano ba yan?!
"Ang ingay niyo" Mahinhin na sita ko sa kanila, at iniwan sila habang nag-lalakad. Nakaka-asar ang gugulo nila. Hindi ako OA nakaka-asar kasi, imagine nasa isa kang mainit at sobrang init na lugar tapos may kasama kang maingay, magulo, nag-aaway at iba pa, syempre init na init ka na nga sa katawan pati ulo mo iinit din.
"Wow ha, kami pa ngayon yung 'maingay' eh kung tignan mo kaya paligid mo" Reklamo ni Ciello at sinabayan nila akong dalawa mag-lakad. Tinitignan ko naman paligid ko at kitang-kita ng dalawa king mata, at dinig na dinig rin ng dalawa kong tainga kung paano mag-sigawan, tilian at mag-kagulo yung mga estudyante na nadadaanan namin. Hindi ba sila napapagod? O nag-sasawa?
"Nhicxy!!"
"Wohooooooo!"
"Ms. President!!"
"Waaaaaa!!!"
"Astig ng President natin bro!"
"Libre naman jan Ms. President " Napahinto ako sa pag-lalakad ng may nag-banggit ng pangalan ko. Tinitignan ko yung gawing gilid ko at hindi ko naman mamukaan kung sino siya. He's a boy student, obviously super fan of mine. Feeling close amp! May itsura nga ang kapal naman ng mukha.
"Next time" Sagot ko at nginitian siya ng peke. Ako ngingiti sa lalaki? Heh pasabugin ko kaya kalamnan niya. Eh kung hindi lang ako ng may-ari ng school na 'to hindi naman siguro ako pag-kakaguluhan, walang mag-a-admire sa cute yet beautiful natural face ko noh.
"Waaahhh!!!!"
"Narinig niyo yun?!, kinausap niya ako!!!!!"
"Sana all!!!!!"
"Oh kami, hindi mo ililibre?" Habang nag-papatuloy kaming mag-lakad tatlo nila Jhana sa hagdan pa-second floor, inakbayan ako ni Ciello sa balikat.
"After class" Tipid kong sagot. Habang nag-iisip na ako kung saan kami pupunta. I want the cool one..yung mag-mumukha akong astig pero hindi ako mag-mumukhang siga o rebel na babae.
Napatingin ako bigla sa dinadaanan namin na mga students na patuloy pa rin sa pagbati sa akin, kaya bilang pag-tugon sa kanila tinignan ko lang sila isa-isa at kinakabisado ang mukha. Kung sakaling loyal sila at totoo talaga ang intensyon na mag-papansin sa akin, pasok sila sa i-t-treat ko sa birthday ko. Lol.
"Waaahhh!!"
"Congrats idol!!"
"Dont congratulate her, she can't do nothing" Biglang tumahimik ang paligid, at kasabay nun na huminto kaming tatlo nila Ciello sa pag-lalakad ng hinarangan kami ng tatlong di-kilalang babae, tinarayan pa ako ng isang babae na nasa gitna. Eto na ba yung scene na may kontrabida na k-kontra sa bida? Lol. Ang laki naman ng galit nila sa akin, parang gusto akong laspagin.
"True, mahihirapan yan tapos aalis sa pag ka president" Gatong ng isang kasama ng babaeng nanaray sa akin sa right side niya, mga mukha silang chaka doll sa make-up nila, para silang cast sa chuckie, maliban sa mukhang lider nila, which is yung nasa gitna.
Mahihirapan talaga ako, pero hindi naman ako basta aalis, depende sa situation.
"Exactly, hindi yan makakatagal sa pagiging presidente" Sabi din ng isang babae na nakatayo sa tapat ni Ciello. Mukha siyang yung anak ni Chuckie ang meatless ng mukha. So gross dude..
Hindi siguro ako makakatagal, depende. Siguro i-t-try ko muna kayong i-kick out bago ako bumaba sa posisyon ko.
"Mga inggiterang chimpanzee talaga 'to! " Nagulat ako ng biglang sinigawan sila ni Ceillo. Kaya kinalabit ko siya para awatin dahil ayaw kong mapa-away kami dahil lang sa amature na kaharap namin, baka mag-bago bigla isip ni Ms. Castro ilaglag ako sa posisyon ko tapos malaman bigla nila mommy, edi boom panis.
"I bet you! Nhicxy will not disappoint all of us, diba nhicxy?" Napatingin ako bigla kay Ciello ng isigaw niya yun dun sa tatlong babae tapos binalingan ako ni Ciello ng tingin. I suddenly feel guilty, iniisip nilang lahat na kaya ko. Pero hindi ko alam. I just smiled when i realized how they support me with their all love, pero paano kung biglang umatras ako?, sobra ko kaya silang ma-d-disappoint?
"Agree" Napatingin naman ako kay Jhana ng bigla siyang mag-salita. Kala ko kalmado ka pa rin kahit dumating na yung world war 5.
"True, inggiterang chimpanzee!!"
"At kayong mga inggitera, loser!"
"Palibhasa nakikita niyo sa kaniya ang pagiging successful niya at kayo tumitingala sa kaniya!!! Kadiri!" Proud na sabi ni ceillo. Napaka savage naman, parang dina-down talaga niya yung tatlo para tumaas yung insecurities. Parang mali naman ata yun. Dapat kinaka-usap niya ng maayos para tapos ang away, pero kung sakaling mang-hamon yung tatlong babae ng physical na away, bahala sila.
"Woah!!!!"
"Kadiri!!"
"Losers!!"
"That's enough" Awat ko sa lahat at hindi naman ako nahirapan dahil lahat sila tumahimik. Woah....president na nga pala ako heh...Ayaw ko ipa-abot 'to pa sa guidance kasi kasama ako sa gulo.
"Toxic chimpanzee!, umuwi na kasi kayo sa bahay niyo, sa zoo!" Pinitil ko si Ciello sa braso ng sumigaw ulit siya. Isa pa 'to eh!
"Tama na ceillo" Awat ko sa kaniya at buti na lang sumunod siya kaya natapos ang away, nag-lakad kami diretsyo sa classroom na parang walang nangyari.
"May naisip ka na ba kung saan tayo mag cecelebrate?" Tanong ni Ciello habang nag-lalakad kami sa tahimik sa hallway. Iba talaga pag tahimik at peaceful ang paligid parang sarap mag-sunog ng bahay tapos palitan ng bagong bahay.
"Meron, and that would be cool" Nakangising sabi ko. Napa-isip pa ako kung tama ba talaga yung pupuntahan namin, mag-mumukha ba akong cool nu'n na hindi mag-mumukhang rebellious na tao.
"Ay si gaga may balak ka?" Pag-aakusa niya na parang sinasabing may masama akong balak. Pati ako napapa-isip talaga kung tama ba yun?, isang beses lang naman ako pupunta doon, hindi na talaga ako babalik.
"Stupid of course not" Sinamaan ko siya ng tingin. Mukha ba akong mag-babalak ng masama, eh mag-c-celebrate nga diba. Napaka-akusado naman nitong babaeng 'to.
"Anong oras ba?" Tanong niya, kasabay nun ay pumasok na kami sa classroom at umupo sa kaniya-kaniya naming upuan. Buti wala pang teacher.
"We need to change our outfit to civilian" Sagot ko at humiga sa braso ko na nakapatong sa desk ko at umidlip.
"So...uuwi muna tayo?" She asked unguessable. Obviously. Hindi ko naman siya sinagot dahil alam ko naman na nakuha niya yung sagot.
"Anong theme ba? Casual? Autumn?winter? Sexy-" Napadilat na lang yung mata ko ng sabihin niya yun at sabay na tumawa.
"Casual" Putol ko sa kaniya, at bumalik sa pag-kakaidlip. I feel exhausted kahit parang wala naman akong ginawa.
"Ok! chat nalang tayo mamaya" Nakatawang sabi niya na halatang excited. And with that i slept again, what if wag kaya akong pumasok bukas?
Lumipas ang kalahating oras at natapos na ang lecture namin, tanda na ito bilang uwian. Sabay-sabay kaming tatlo lumabas ng school gate, nag-paalam pa kami sa isa't isa at nag-usap tungkol sa pag-alis namin mamaya, at kaniya-kaniya na kaming sinundo ng driver namin.
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ni mommy sa labas ng gate. Hinalikan niya ako sa noo at niyakap, then i hugged her back, tapos sinabi niya sa akin na nakarating agad sa kaniyanyung balita kaya wala akong nagawa kung hindi ang nginitian na lang siya, dahil mukhanh proud na proud siya. Pagkatapos nun ay dumeritso muna ako sa kwarto ko at nag-ayos.
"Mommy" Ng makababa ako galing sa kwarto ko ay nilapitan ko si mommy na nag hahanda para sa 'celebration'. Jeez..i thought im the one who's gonna tell them the good news, pero naunahan ako. Humanda sa akin yung nag-balita sa kanila—jwk.
"Yes?" May lambing na tanong niya at nakatuon pa rin ang pansin sa ginagawa.
"Aalis lang kami nila Ceillo" Paalam ko habang nakangiti. Please mommy wag ka na mag tanong kung saan.
"Saan?" Takang tanong niya at hinarap ako. Sabi ko nga eh tatanungin mo ako kung saan.
"We're going to mall" I.....lied. For the first time ever in my life. Kinakabahan ako baka mag-tanong pa siya ng kung ano-ano tapos hindi ko masagot ng tama.
"Gabi na ah?" Gulat na sabi niya. Sabi ko nga eh gabi na. What if..nababasa niya isip ko na hindi talaga ako sa mall pupunta.
"Mag cecelebrate po" Pag dadahilan ko. At hindi ko alam kung may connect ba yung sinagot ko.
"Oh enjoy then, keep saafe baby" Parang nalagutan ako ng hininga ng ngumiti siya.
"Thanks mom" Nakangiting paalam ko at dali-daling umalis. s**t! That was so close..
Kinuha ko si ferry my ferrari car. At ibiniyahe ko papuntang.....Bar.
Ng makarating ako sa Bar na tinutukoy ko kila Ciello pinark ko kaagad yung sasakyan ko, at bumababa. Nakita ko kaagad ang pamilyar na dalawang sasakyan, kaya nilapitan ko ito. Sila Ceillo.
"Hanep pinag handaan ang celebration ah, di mo sinabing 'Bar' na pala ang pupuntahan natin" Mukhang excited na sabi ni Ciello. She's wearing a sleeveless, silk fitted red dress. Casual niya yan?. Napatingin naman ako sa gawing gilid ko at nakita ko si Jhana na nakasuot ng black fitted jeans, tapos naka oversized t-shirt, while wearing a bomber black jacket on the top.
Wala namang especial sa suot ko. I just wearing a black cargo pants, white oversized t-shirt, and an oversized black plaid polo on the top. Nothing seems..special.
Napag-planuhan na naming pumasok kaya nag-lakad na kami papasok sa loob. Napa-isip pa kaming tatlo dahil walang guard or more likely taga-bantay sa bar, for those minors people na hilid pumuntang bar, syempre tatangunin age mo para i-confirm na at the right age ka na.
"What makes you bring us here?" Tanong ni Jhana sa akin ng makapasok kami sa loob. The atmosphere is so SPG literally. Meron naman kasing bar na normally umiinom lang yung mga tao sa loob. Idk, meron nga ba?.
"O my gosh this is our first time sa bar!" Sigaw ni Ceillo habang palipat-lipat ng tingin sa loob. Jeez...ano na lang iisipin ng dalawa kong kaibigan na dinala ko sila dito. Thiz is wrong.
And im telling, this is hell.
I cant!, hindi ako makakatagal sa lugar na 'to. Its just like people's making out and bla bla bla. May nag sasayawan sisigawan tawanan and making groggy things. Maling-mali ang decisions ko, im so stupid promise.
"Chilling" Pilit kong pinapakalma yung sarili ko at umiiwas ng tingin sa mga bagay na dapat iwasan.
"Sabagay ito na siguro ang una't huli nating bonding" Casual na sabi ni Ciello at parang wala lang sa kaniya yung nangyayari sa paligid.
"Why" Jhana asked curiously at bumaling ng tingin kay Ciello. Nanatili pa rin kaming nakatayo sa may tapat ng entrance ng bar at wala na akong balak yayain sila papasok.
"Busy na yan sa pag ka president, maraming ipapagawa, maraming aasikasuhin" Ceillo explain habang nakanguso. Im fine with that situation at least bihira na akong maiirita sa kadaldalan niya at bihira niya na akong aasarin—jwk.
"Pero pwede ba wag nalang pala tayo dito?" Timingin ako sa kanilang dalawa at ngumuso. Mali sigurong address yung napuntahan natin.
"Bakit naman? Ikaw nag aya dito eh" Takang tanong ni Ceillo pero halata sa tono niya na ayaw umalis. Jeez..sabihin mo na lang na ayaw mong umalis, hiya ka pa.
"Fine" Hindi na ako nakipag-talo kaya inaya ko sila na pumasok sa loob, sineyensahan ko rin sila na umupo sa matagong lugar. Kung ganito lang din sana yung kalagayan sa loob nag-pa-rent nalang ako ng private room. This is a mistake, gusto ko lang naman maging cool pero di ko alam na required 'to.
Wala naman akong gagawing masama..
"Buti pinayagan ka pumunta dito" Tanong ni Ciello sa akin ng maka-upo na kami sa pwesto namin.
"Baka di yan nag paalam" Gatong ni Jhana. Tinignan niya pa ako mismo sa mata kaya umiwas ako. Tss..dukutin ko mata mo eh. Tumawa naman silang dalawa ng hindi ako kaagad naka-sagot.
"Nag paalam ako pero nag sinungaling ako na dito tayo pupunta" I explained casually at the same time i feel guilty. Buong buhay ko na siguro itatanim ang kasingungalingan na 'to sa katawan at kaluluwa ko.
"What the...nhicxy hindi na ata ikaw yan-" Sinamaan ko naman ng tingin si Ciello ng alug-alugin niya ako sa balikat.
"Ako to, i just lied may nagbago agad ako sa kin?" Naasar na sabi ko. Napaka-OA naman nito sarap hambalusin.
"For the first time in your life nag singuling ka?" Hindi makapaniwala na sabi niya. Hindi ko na siya pinansin at iniisip kong paano at anong oorderin namin.
"Eh kayo buti pinayagan kayo?" Takang tanong ko pabalik sa kanila. For sure you two just lied too. Isa pa 'to si Ciello halatang party o bar yung pupuntahan, sana hindi na lang siya nag-damit, wala naman na siyang maitatago halos nakita na lahat sa kaniya eh, i want to ripped her clothes.
"We're just..lied too" Nakangusong sabi nila. I knew it, maka-react pa yung isa na nag-sinungaling ako eh parehas naman pala kaming tatlo.
"Juice lang tayong lahat walang iinom ng kahit ano" I told to them with authority. Jeez..mahirap na pag may isa sa aming mapahamak, mapapatay ako ng tatay nilang dalawa na sundalo.
Tumango naman yung dalawa kaya kampante na ako. Nag presinta naman si Ciello na siya na daw yung kukuha ng order namin. Talaga 'tong babae na 'to.
Lumipas ang kalahating minuto bago bumalik si Ciello dala ang inumin namin. Nakangiti pa siyang inabot sa ami ln yung drinks namin. Gugulpihin ko talaga 'to subukan niya lang lumandi.
"Oh sinong umorder nito?" Habang umiinom kami ng tahimik nag-taka ako ng may isa pang drink na hindi ko alam ang dumating sa amin. Sabi ko mag-c-celebrate kami at ito na yun..iinom lang kami ng inumin namin.
"Ako" Ceillo proudly said. Ini-scan ko la yung drink kasi mukhang unfamiliar.
"What is that?, sabi ko juice tayo lahat para walang malasing baka kung ano pa mangyari sa'tin ako masisi" Nakangiwing sabi ko at tinigna si Ciello ng puno ng pag-tataka.
"This is margarita, margarita meet nhicxy" Nanlaki pa yung mata ko sa gulat ng nakuha niya pang mang-asar. Napatingin ako sa gawing gilid ko kung saan naka-upo si Jhana at tinatawanan ako.
"Funny" Pekeng tawa ko, at sinamahan ko pa ng pag-babanta. Wala talaga 'tong isang salita.
"Juice lang din 'to" Sabi pa ni Ciello. But im not satisfied. Bahala ka nga jan! Nakaka-asar, sana hindi ko na lang 'to naisip.
Pagkatapos namin mag celebrate which is kwentuhan, tawanan, asaran at kung ano ano pa naisipan kong himingi ng tubig para sa aming tatlo, mag-d-drive pa naman kami pauwi, mahirap na baka ma-aksidente pa kami at mabangga sa maling....sasakyan.
"Hihingi lang ako ng tubig" Sabi ko sa kanila, tumango naman ang dalawa na mukhang may energy pa naman kaya nag-lakad na ako papuntang counter. Naaasar pa ako pag binabangga ako ng mga babaeng sumasayaw sa dance floor, sarap itulak sa pader.
"Sir 3 glasses of water please" Sabi ko do'n sa bartender ng makarating na ako sa counter. Nanatili lang nakatingin ang mata ko sa mga inuming bote ng alak at hindi na pinalibot pa kung saan, baka may mahagip ang mata ko ng hindi kaaya-ayang tignan.
"Here ma'am enjoy the drink" Nakangiting sabi nito habang inaabot saakin yung tatlong basong tubig. Ng abutin ko yung tubig nagulat ako ng biglang mag-tama yung kamay namin, at alam kong sinadya niya yun. Wtf is wrong with this guy?
Kinuha ko nalang yung tubig at tumalikod paalis. Ganun na lang ang gulat ko sa sobrang bilis ng pangyayari. Bigla akong may nabangga na isang tao. Buti na lang hindi ako natumba pero...natapon yung tubig sa akin, buti na lang din plastic glass lang yung baso at hindi yun nabasag. Pero pwede rin.
Hindi ko alam pero bigla na lang nakuha ng attention ko yung lalaking nasa harapan ko na siyang nakabangga ko. Hindi ko malaman kung sino sa amin ang may kasalanan kung bakit kami nag-kabangga. Is this man drunk?, jusko! Go away.
Hindi ko rin alam kung mukha bang matino 'tong lalaki na 'to pero he's kinda appealing dagdag pa yung salamin na suot niya.
"Holy s**t" I suddenly cursed ng tumilapon yung tubig sa akin. Now im wet. Nabitawan ko yung tray na hawak ko sa sobrang lamig ng tubig sa katawan ko.
"Oh im sorry miss let me-" Paumanhin nito at akmang pupunasan ako pero tinabig ko yung kamay niya. Isa ka pa! Nananadya ka eh. Kasalanan mo siguro 'to.
"No, dont fvcking try to touch me" Sa sobrang gigil ko napamura ako. Sa bilis ng pangyayari napaparanoid yung isip ko. Hindi ko alam kong anong intension ng tao na 'to sa akin, dahil sa iisang point of view lang ako naka-focus at yun ay lahat ng tao sa bar na 'to ay may masamang gagawin sa akin.
"Chill hindi naman ako masamang tao" Nakangiting sabi nito. Ngingiti ka pa jan, kung bungiin kaya kita. Hindi ko feel yung sincerity niya at the same time hindi ko alam kong may balak siya. I think he's drunk.
"Im leaving" Naisabi ko nalang at nilampasan siya.
"Wait.." Napahinto ako sa pag-lalakad ng hinawakan niya yung wrist ko pero hindi ganun ka-harsh. Mauupakan kita sinasabi ko sayo!
"You look familiar"