HELLO, I Love You
Chapter 6 :HELLO,
•NHICXY NYX pov•
Kinabukasan...
"Baby..." Nagising bigla ang kaluluwa ko ng maka-rinig ako ng familiar na boses pero nanatili pa rin akong nakapikit.
"Mmm..? Mommy.." Antok na tawag ko, habang may kumakatok sa pinto.
"Your breakfast is ready" Dinilat ko ng kaunti ang mata ko ng marinig ko na bumukas ang pinto.
"Busog pa ako mommy.." Antok na tugon ko at humihikab pa, hindi ako nakakaramdam ng gutom kung hindi ang antok. Hindi naman ako puyat?
"You'll gonna be late, wake up baby.." Umupo siya sa tabi ko at sinuklay suklay ang gulo-gulo kong buhok.
"How's your sleep?, narinig ka naming sumigaw kagabi..." Nag-aalala niyang tanong. I don't even remember kung anong nangyari sa akin kagabi, natatandaan ko lang na may napanaginipan ako, pero hindi ko na matandaan kung ano yun.
"Im just having a nightmare" Antok na sabi ko habang pinikit ulit ang mata ko.
"What nightmare?" Takang tanong ni mommy, pero umiling lang ako kasi hindi ko talaga matandaan.
Pinilit talaga ako ni mommy na kumain na ng umagahan at mag-ayos na papasok sa school. Hindi naman na ako nakipag-talo dahil inaantok ako kaya kumain na ako ng umagahan at nag-ayos.
Habang nasa kalagitnaan ako ng byahe....nakatulog ako.
"Hey Nhics you are summoned to the Guidance Office, important and urgent, hurry girl! " Pababa na sana ako ng sasakyan, ng biglang akong sinalubong ni Ciello na mukhang nag-mamadali.
"Fine" I response shortly, as I wear my hat. Pagbaba ko ng sasakyan nakita ko pa siyang tumatakbo papalayo, marami akong nakitang estudyante na nag kakagulo naka pwesto at nakahilera sa tapat ng pinto ng school na parang may inaabangan. Not me?
Habang nag lalakad ako papasok medyo nakakapanibago meron pa rin namang nag sisigawan ng pangalan ko pero kakaunti nalang I think it's half of the whole sections.
Ano naman kaya yun? Di kaya bigla akong ipatanggal? Kakasumpa ko lang kahapon ah, it's ok wala namang mawawala sa akin, hindi pa naman ako nag-sisimula, and besides pwede pa akong bumawi sa ibang pagkakataon.
"Don't waste your opportunity"
"Di ba ito pangarap mo sa amin baby"
Oo na...may mawawala na sa akin pag nag-pakipot pa ako sa position ko.
Agad akong tumakbo pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng school, papunta sa Guidance Office.
"Ms Castro" I calmly pronouns our head mistress surname as I knocked at the door.
"Yes yes go come in" Parang nag papanic na tugon nito. Pipihitin ko na sana yung doorknob para bumukas yung pinto, pero nagulat ako ng may nagbukas nito at bumungad sa akin si Ms. Castro na mukhang haggard? Lol what happened ba kasi?
"B-bakit po? " I asked and tried to calm her, but nothing happened. I just sit down and just chill waiting sa sasabihin niya. Kapal ng mukha eh. Ang astig makapal ang mukha.
"Go go get ready yourself he will be here anytime. " She command na parang hindi alam ang gagawin. What? Anong he? Sino? Bakit? Ano? Paano? Saan? Kailan?
"M-ms I don't understand you" Tanong ko na wala talagang ka-ideya ideya. Hindi ko alam kung anong pinag-sasabi niya. Bakit niya ako pinapa-ready?
"Just get ready yourself, take note please sundin mo na lang ako, pumunta ka doon sa may front gate at mag-abang ka hanggang sa pumasok si Cleon" Mahabang unstruction niya pero napatulala lang ako. Umiikot pa yung utak ko dahil hindi ko alam kung paano ko siya iintindihin. Hindi niya sinabi kung bakit ganyan? Hindi niya sinabi kung paanong ganyan?
*Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdug..*
Tf..sino yun.
Bakit aabangan ko yun, ano ba siya dito sa school lakas din ng tama eh, lolo ko may ari nitong school na pinapasukan ko tapos parang ako pa yung yaya-yayahan dito sa school ah, hindi naman yata presidente position ko dito eh.
"Eh p-paano ko po siya makikita eh hindi ko po alam i-itsura n'un, tsaka hindi ko po kayo maintindihan" Tanong ko pa, habang pinapanood siya mag pa-ikot ikot na parang nasisiraan ng ulo. Im just kidding.
".......h-hindi mo nga talaga siya kilala" Napatulala na lang ako sa kawalan ng tinignan niya ako sa mata. H-huh?
"P-po? " I asked in confusion. Parang feeling ko pati ako masisiraan ng ulo dito. Like tf anggulo namin. Natataranta na siya.
"...basta kapag may bodyguard siyang kasama yun na yun, tapos I need you to assist him" Biglang nag iba yung tono ng pananalita niya like yung 'chill mode' may mood swing ba'to?
Assists?? Wala akong alam na may pinag-usapan kaming mag-a-assists ako.T-tsaka hindi ko alam kung anong assist gagawin ko.
"P-paano pong assist? " I suddenly asked out of nervousness. Shunga! Ba't ako nag tanong ibig sabihin, sang-ayon ako sa utos niya.
"Pag nakita mo siya just greet him and ideretso mo siya dito sa guidance Office" She response as she left me a genuine smile. Greet? Wtf!!? Bakit ko gagawin yun?
"P-pero-" Gusto ko pang tumanggi, gusto ko pang umangal pero napatingin kami sa labas ng may kumatok sa pinto.
"Ms. Castro, Mr. Salazar just arrived" Suddenly a woman appeared. Andito na sino?
"Go ms Santiago" Ms. Castro said giving me a signal to do my mission. Huh?! Ibig sabihin si Cleon? Si Mr. Salazar? tapos andito na siya? Nag kakanda letche letche na utak ko, iniisip ko kung anong gagawin ko.
Kinakabahan ako!
Pero......ang astig hindi kinakabahan..kaya hindi na ako kakabahan kasi wala namang kakaba-kaba, bahala na si tahong...
Pag pinagbigyan ako ng tadhana na ma-meet si tahong sa kaniya ko lagi ipapa-ubaya ang lahat. Kasi nga bahala na siya.
"Ms. Santiago go puntahan mo na siya" Ms. Castro suddenly speak. I just realized na hindi pa pala ako nakaka alis.
"Opo" I replied shortly, and calmly. Naalala ko rin sila ceillo at jhana, baka pwede akong mag-pasama at mag-patulong sa kanila.
Agad akong lumabas ng office, naglalakad lakad ako sa hallway pero hindi ko sila makita. And with that bumalik nanaman ako sa pag ka praning. I want to leave. Kailangan ko ng kasama, akala ko nag-aabang sila sa akin, walang mag-g-guide sa akin.
Wag ko kaya puntahan?
Wag ko nalang kaya siputin?
Alam kaya niya na may nag aabang sa kaniya?? Baka hindi naman?
"Ms. Santiago please siputin mo siya.. " Nagulat ako ng bigla kong marinig yung boses ni Ms. Castro. Sabi ko nga eh, pupuntahan ko siya. I just realized na hindi pa pala ako nakakalayo sa office.. Kaya pala hindi ko mahanap sila ceillo.
"P-po?" Napapraning na tanong ko.
"Alam niyang may nag aabang sa kaniya" She response with full of knowledge. Nakakabasa ba'to ng isip??
"O-opo" Naisagot ko nalang.
And with that I left the office and I hurried to run. Baka imbes na ako yung mag antay ako na yung inaantay-jwk. Nag lakad lang ako ng mahinahon pababa ng hagdan at palabas ng school. Tss..ako mag-mamadali? Ang astig hindi nag-mamadali. Besides hindi ko gusto 'tong biglaang pinagawa sa akin, wala kaming pinag-usapan ni Ms. Castro na may ia-assist ako.
"Woohoooo!!! Nhicxy!!! "
"Waaaaahhh!! Idol!! "
"Ms. Pres!!"
"Please notice me idol Nhicxy!!!! Im your number one fun!!! "
"Fan kasi yun!, kaya ka siguro hindi pinapansin mali mali spelling mo"
Lol wtf?
The school is big kaya mahirap rin makisama pag nag-mamadali, na kahit anong bilis ng lakad o takbo mo hindi ka pa rin nakakaalis sa floor na pinanggalingan mo. Pero nag-lalakad lang ako ng kalmado kaya matagal ako makalabas.
Anyways andito na pala ako sa gate... B-bakit ang bilis?!
Nag-lakad ako papunta sa tapat ng guard house kung saan katabi nun ang napakalaking gate, at doon nag-abang. I just stand up and chill, kahit na nararamdaman ko yung dibdib ko na napaka-lakas ng t***k.
"Excuse me sir guard, kilala niyo... -" Mag tatanong na sana ako pero hindi ko na naituloy. Teka anong apelyido n'un, wala akong narinig na binanggit ni Ms. Castro yung surname nung Cleon na yun.... Ummmm.... B-baka kilala naman siya kahit sa pangalan lang tutal bisita-mukhang sikat naman yun.
"Kilala niya po ba si C-cleon? " I asked our guard in school who are standing too beside me.
"Ay ma'am Nhicxy kayo po ba yung taga-assist sa kaniya? " He suddenly asked na parang may alam siya sa nangyayari. So...kailangan talaga ng may mag-a-assist sa 'Cleon' na yun?!
"Opo ako nga" I answered shortly, habang sumusulyap sa labas ng gate.
"Nako sir guard, share ko lang, diba alam niyo na lolo ko may ari niyan.. " I just suddenly said like telling a story out of nowhere habang naka turo sa building. Naaasar ako. Nakita ko namang tumango siya kaya nagpatuloy ako kasi di pa ako tapos. Minsan lang ako ma-kwento it also depends on people na kausap ko, tsaka gusto kung ipaliwanag yung inis ko.
"Sir guard kung hindi niyo na itatanong pinarangalan akong presidente sa loob ng school nayan" Kwento ko pa, pero wala sa tono ko na nag mamalaki, kasi hindi naman ako interesado maging presidente gusto ko lang talaga maging proud yung parents ko pati na si lolo. Ang astig....hindi kailangan maging presidente para maging sikat.
"Tapos taga-assist lang ako ng mokong na 'Cleon' na yun, kung sino mang tao yun...Parang hindi naman po ka tanggap-tanggap yun, sino ho ba yun dito? Transferee lang naman po ata yun dito eh, grabe naman kung asikasuhin yun, kala mo anak ng presidente ng buong mundo, eh ako nga nung bagong pasok lang ako jan pantay pantay pa rin yung tingin eh-" Biglang dire-diretso kong kwento. Parang ang sarap manapak eh. Unfair. Mukha naman atang walang palag sa akin yun eh.
"Ma'am hindi pa po ba sa inyo na kwento ng lolo niyo? " He asked na parang Ipinapamukha sa akin na walang akong alam, which is totoo naman. Anong hindi ba na-kwento saakin ni lolo..?
"Na?-" Mag tatanong pa sana ako ng sumabay si sir guard, kaya hindi ko na natuloy yung sasabihin ko.
"Ma'am ayan na po si sir Cleon.. " Sir guard suddenly said na ikina-praning ko.
*Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdug..*
"H-ha-" Tanong ko habang nag sisimula ng lumakas yung t***k ng puso ko. MWtf.....!
"Asan, asan?! " Natatarantang tanong ko kay sir guard, habang lumilinga-linga sa paligid.
"Andoon na po ma'am" He answered as he pointed his finger sa loob ng school. Tf? Kakasabi lang na andito na tapos andoon na pala sa loob ng school.
"Bakit ang bilis naman! " Takang tanong ko. Para silang nag-teleport bigla.
"Maraming estudyante na nag kakagulo ma'am eh" Pag dadahilan niya, which is my point naman siya.
"Ok, thank you sir" Yun nalang ang nasabi ko at nag simula ng mag lakad, at sundan yung mga estudyante papasok sa loob. Wag lang sana isipin ng mga tao na nakikigulo rin ako.
"Sige ma'am Nhicxy good luck ho sa pag assist" Pahabol pa nito. Parang may gusto si kuyang guard iparating? Oh baka ako lang 'tong assuming.
Nag mamadali akong tumakbo pabalik sa loob ng school, dahil baka hinahanap o inaantay ako. Napahinto ako ng mapansin ko kung gaano karami ang mga tao na naka-harang sa entrance. Aakalain mong may artista o taga-ibang bansa ang dumayo dito sa school dahil sa sobrang daming nag-kakagulo, sumisigaw, at tumutili na mga tao. Saan ako papasok?-Sa likod!
Ng makaisip ako ng dadaanan ko papasok sa loob, sinimulan ko ng mag lakad ng mabilis. Naaasar ako dahil natataranta ako. Wala sa usapan namin kahapon na may ia-assist akong tao. Tsaka sinong Cleon? Nabanggit na din sa akin ni mommy yang pangalan na yan.. Iisa lang kaya ang taong tinutukoy nila mommy?
Gusto ko man umatras, pero huli na ako, mapapahiya lang ako pag hindi ko sinipot yung ia-assist ko.
Ng mapansin kong nakapasok na ako sa likod ng school. Huminto ako sa pag lalakad at pinakalma ang sarili ko. Chill.....Nakakaasar!. Parte ba ng position ko ang pag-assist ng tao. Is that a part of entertainment?
Ano kayang....itsura nun?
*Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdug..*
Sana lang, hindi ako mapahiya sa gagawin ko. Paano kung ma-attitude yun? Baka sa ospital ko na siya ma-assist. Subukan niya lang akong ipahiya.
Inayos ko ang sumbrerong suot ko para hindi makita yung mukha ko, tapos nag-simula na akong mag lakad ng kalmado, kahit na sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa kaba.
Na w-weirdohan ako sa sarili ko pero dun ako mas kumportable kasi walang nakakakita ng mukha ko, maliban sa kaibigan at pamilya ko. Alam ko naman na bawal mag-suot ng sumbrero sa loob ng school, pero dahil mapilit ako, pinag-pilitan ko ang gusto ko. Ang tunay na astig....mapilit.
Habang patuloy ako sa pag-lalakad sa hallway, naririnig ko na ang palakas na palakas na sigawan ng mga estudyante. That mean palapit na ako ng palapit sa pupuntahan ko.
"Nhicxy!!! "
"She's also here!!! "
"Waaaahhhh"
"Owemji...they're gonna meet"
"Shocks!!"
Habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi ng mga tao, walang ibang pumapasok sa isip ko, kung hindi ang kung paano ko 'i-g-greet' ang taong ia-assist ko. This is crazy..masisiraan ako ng bait dito.
Naisipan kong huminto sa pag-lalakad ng naaaninag ko sa baba na unti-unti na akong nakakalapit sa parte ng mga estudyante na nag-kakagulo. It's weird...bakit biglang...tumahimik?
Inangat ko ang ulo ko dahil nag-taka ako dahil naging tahimik ang paligid, kahit katiting na ingay wala akong narinig. Im i suddenly got deafen? dahil sa sobrang ingay nag-collopse siguro tainga ko. Pero nanlaki ang dalawa kong mata ng makita ko ang mga reaction ng mga tao sa harapan ko.
Nakatingin sila lahat sa akin, tapos hindi ko maintindihan kung anong reaction ang nakatapal sa mukha nila. Gusto kong pahintuin yung oras, tapos gusto kong tumakas, pero hindi ko alam kung paano ko gagawin yun.
Pero sa dami ng estudyante na nakatayo sa harapan ko, may isang taong nakakuha ng attention ko. Isang matangkad at maputing lalaki na may singkit at nakaka-akit na mata, may matangos na ilong, may pulang labi at may puting buhok na katulad ni 'Gin'.
Si timang ba yan?!
*Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdugdug..Dugdug..*
Walang ibang pumasok sa isip ko kung hindi ang sinabi ko sa sarili ko na sa ikatlong pagkakaton na mag-kita pa kami ni white haired guy na si timang, ipapaalala ko sa kaniya yung kabalastugan niya, at itutuloy ko ang task ko. Bakit siya nandito?
Is he Cleon?
Now i can surely proven myself that I have two feelings syndrome..but i dont want to say why is that. Bakit kasi ganyan itsura niya?!, sumobra yung gwapo, ang dami-daming lalaki sa mundo bakit sa kaniya napunta lahat.
Agad na nanlaki ang mata ko ng mag tama ang paningin namin, at hindi ko mapaliwanag kung ano yung eksaktong nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman yun.
Meron sa puso at katawan ko na may nararamdaman na thrill, dahil hindi mo talaga maipag-kakaila yung mukha niya. Kaya hindi na ako mag-tataka kung napaka daming nag-kakandarapa sa kaniya para mapansin lang.
Meron naman sa isip ko na gustong-gusto i-deny ang nararamdaman ko, dahil alam niyang may mali at labag sa ginagawa ko.
Pero dahil mahirap kalaban ang isip, ito ako ngayon pinipigilan na pairalin yung puso at pinapangunahan ng isip at utak ko ang nararamdaman ko. Kaya naguguluhan ako kung anong gagawin ko, at alin ang susundin. Pero dahil astig at ma-pride ako isip pa rin pina-iral ko.
Pinipilit kong hindi lagyan ng malisya ang ginagawa naming titigan, kaya lumapit pa ako ng mas malapit pa kaniya for purposes only.
And suddenly i feel my heartbeat going crazy, sa bawat segundo ng titigan namin napapalunok ako ng mas napapalunok tuwing nakikita ko ang adams apple niya na tumataas baba. He's so tall that i also can see the part of his neck. And the way he stare at me para siyang....may sama ng loob, ganiyan talaga siguro makatitig yung feeling badboy. Tss...
And i already feel the heat inside and outside my body, ewan ko ba kung dahil sa araw o sa kaba.
Para matapos na'to kailangan kong....
"Greet him"
P-paano ba kasi-
"H-HELLO...., "