Episode 4- First Fight

1020 Words
Kinahapunan ay bumalik nga silang dalawa dahil bago pa lang nagsisimula ang first batch. Kaya bilang pa ang sumasali at nasa sampu pa lang sila. Si Dille, ang pinakamatanda sa lahat, ngunit hindi niya iyon iniisip. Dahil ang importante sa kaniya ay matuto siya. "Posisyon!" utos ng kanilang instructor. "Ang una nating gawin ngayon ay mag-lecture muna tayo ng konti. Gusto kong ipaalala sa inyo na ang kaalaman natin sa karate ay hindi dapat natin gamitin sa kasamaan o ipagmayabang sa lipunan. Kung sakaling may nag-aamok sa inyo ng away ay huwag ninyong patulan. Kung puwede pang iwasan ay umiwas kayo. Kung puwede pa kayong tumakbo ay tumakbo kayo. Ngunit kung sakaling wala na kayong matakbuhan ay lumaban na kayo bilang self depends. Naintindihan ba ninyo?" mahabang paliwanag ng kanilang instructor. "Opo!" tugon nilang lahat. Nagsimulang magsanay ang batch nila at white belt pa ito. Unang sabak pa lang nina Dille at Tisoy, ay nag-enjoy na sila at baon nila ito sa kanilang pag-uwi. "Anak, bakit pawis na pawis ka?" pag-aalala tanong ng ina ni Dille. "Galing po kami ni Tisoy, sa bahay ni Mang Karding, Nay." "Ano ang ginagawa ninyo doon? Magbihis ka muna baka magkasakit ka pa niyan." "Sumali kami ng karate, Nay. At unang sesyon namin ngayon." "Aba! Mukhang maganda ang narinig ko, ah!" biglang sabat ng kaniyang tatay at kakapasok pa lang nito. "Pang-self depends ko po ito, Tay." "Tama iyan, anak, at suportadahan kita diyan." "Salamat, Tay." Kinabukasan ay halos hindi makabangong si Dille, dahil sobrang sakit ang kaniyang buong katawan. "My— God! Ang sakit ng aking katawan," bulong ni Dille, at halos pagapang itong nagtungo sa kanilang banyo. "Dille, ano iyang ginagawa mo?" pagtatakang tanong ng kaniyang Nanay, at bahagya itong tumawa. "Ang sakit ng aking katawan, Nay." "Halika, anak. Alalayan na kita." Dali-daling lumabas ang kaniyang Tatay, tinulungan siyang makatayo at hinatid hanggang sa loob ng banyo. "Salamat, Tay. Hindi ko akalain na ganito pala ang resulta." "Ano? Sumusuko ka na?" seryong tanong ng kaniyang Tatay. "Hindi ako susuko, Tay. Nagsisimula pa lang ako. Pangako, aabutin ko ang magiging black belt." "Ganiyan dapat, anak!" masayang sabi nito. Habang naliligo si Dille, ay dali-dali namang nagpunta ang ama sa tindahan. Upang bumili ng gamot na para sa p*******t ng katawan. HABANG tumatagal ay marami-rami na ring natutunan si Dille. Bihasang-bihasa na ito sa mga depensang itinuro sa kanila at ganoon rin si Tisoy. Hindi nila namalayan na isang taon na pala silang nagsasanay. Dahil mahusay na ang kanilang batch, ay nagiging yellow belt na sila. Nagpatuloy pa rin sina, Dille at Tisoy. Hindi nila sinusukuan ang kanilang sinimulan. Hanggang sa na-promote silang dalawa bilang brown belt. ISANG magandang balita ang sinabi ng kanilang instructor. "Guys, nakinig kayo!" At dali-dali naman silang umupo sa harapn ng kanilang instructor. Mayroong 'Karate Combat Event', na gaganapin sa bayan. Sino ang gustong lumaban? Itaas ang kamay." "Wow! Ate Dille, sali tayo!" "Hmp! Kahit hindi mo sasabihin ay talagang sasali ako!" tugon ni Dille, at agad niyang itinaas ang kaniyang kamay. Sumunod naman si Tisoy, at gumagaya na rin ang kanilang mga kasama. "Good! At bukas na bukas rin ay pupuntahan ko ang inyong mga magulang. Para magpaalam tayo ng maayos." "Master, magkano ba ang premyo?" seryosong tanong ni Dille. "One hundred thousand pesos para sa senior division. Fifty thousand pesos naman para sa junior division." "Lalaban ako, Nay. Para maipagamot kita," piping sabi ni Dille sa sarili. Mas lalo pa silang sinanay ng kanilang instructor. Tiniis nina Tisoy at Dille, ang mabigat na pagsasanay. Handang magtiis at magsakripisyo si Dille, alang-alang sa mga taong nagmamahal sa kaniya. SUMAPIT ang araw ng kanilang laban, at nag-arkila ang kanilang instructor ng jeep. Dahil sumama ang mga magulang nila. "Nay, gusto mo bang sumama?" tanong ni Dille, sa inang nakahiga sa papag. Sapagkat nahihirapan itong makatayo, dahil sa iniindang sakit ng kaniyang likod at mga tuhod. "Dito na lang ako, anak. Alam mo naman na nahihirapan na itong Nanay mo sa pagtayo. Si Tatay mo na lang ang sasama sa iyo. Ipagdasal na lang kita at ang mga kasama mo, na sana manalo kayo." "Sige po, Nay. Salamat!" tugon ni Dille, sabay yakap sa kaniyang kinalakihang ina. "Tay, samahan mo ako, ha," paglalambing ni Dille, sa kaniyang Tatay. "Oo, anak. Para may inspirasyon ka sa iyong laban," madamdamin nitong tugon. "Salamat, Tay, kayo naman talaga ni Nanay ang inspirasyon ko. Kapag manalo ako, Nay. Pupunta agad tayo sa hospital, para magamot agad ang iyang karamdaman, " pahayag ni Dille, at nagsimulang pumatak ang kaniyang mga luha. Hanggang sa makarating na sila sa bayan at pumasok agad sila sa loob ng sports complex. Nakaramdam ng sobrang kaba si Dille, dahil first-time niyang makapasok sa ganoong lugar. "Para ito sa inyo, Nay," bulong ni Dille, habang nakaupo ito gilid ng entablado at naghihintay sa kanilang laban. Tanging ang kaniyang, Nanay at Tatay ang nagbigay lakas kay Dille, sa laban niyang iyon. Unang nabunot ang pangalan ni Dille, nang ay medyo kinabahan siya. Pero nang maalala niya ang kaniyang Nanay ay bigla itong nawala. Nakatayo na si Dille, sa gitna ng entablado at kaharap niya ang kaniyang kalaban na babae. "FIGHT!" utos ng reperi. Pumuwesto si Dille, at ang kaniyang kalaban, nakasentro ang kaniyang mga mata sa bawat galaw ng kaniyang kaharap. Na hinihintay niya ang biglang pag-atake nito. "TAAAH!" sigaw ng kaniyang kalaban na biglang umaatake sa kanuya Nasalo niya ang sipa nito at agad naman siyang gumanti sa pag-atake. Napuruhan ang dibdib ng kalaban gamit ang isang malakas na suntok niya. Napaatras ito at lumabas sa linya at natumba. "Wooooh! Go, Ate Dille!" sigaw ni Tisoy, at iba pa nilang kasamahan. "Anak ko iyan! Anak ko iyan!" Napatayo ang ang tatay ni Dille, sa sobrang saya at napatakbo sa ibabaw ng entablado. "Good fight, Dille!" Masayang-masaya ang kanilangng instructor sa ipinakitang laban nito. "Salamat, master!" At yumakap siya rito. Sa bawat sigaw ng mga tao ay mas tumitibay at nagiging ganado si Dille. Lalo pa at napabagsak niya ang kalaban sa first-round lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD