Fake Teacher 22-Boyfriend "Nagawa na namin,pwede mo na bang i-delete?"bungad sakin ni Marvin pagkauwi na pagkauwi ko dito sa mansion nila. "Ano ba Marvin?Wag mo nga akong harangan,papasok ako."reklamo ko sa kanya dahil naka-harang siya sa pinto.Hindi ako makadaan. "Delete that picture."sabi naman niya. "Edi hindi na ako papasok,upload ko nalang to sa f*******: kesa burahin pa."akma na sana akong tatalikod pero pinigilan niya ako.Mahigpit niyang hinawakan itong kanang kamay ko. "Tss.Eto na nga eh,pasok!" Yun naman pala eh.Ayoko ko kasing burahin itong picture niya,marami pa kasi akong pagagamitan tsaka HELLO? Hindi pa ako tapos sa plano ko. Pumasok na ako sa kwarto ko.Nagbihis at agad na dumeretso sa study table para sa lesson plan.Ewan ko dun kay Mr.Woo!Kailangan ko pa raw gumawa ng

