Chapter 1

1953 Words
Fake Teacher 1: Meet G-Six KATE'S POV "Dito na lang po," wika ko sa taxi driver dahil nasa tapat na kami ng lugar na pagtatrabauhan ko, ang Nicolas University.   Agad namang hininto ng driver ang sasakyan sa gilid ng gate ng university. Nagbayad muna ako saka lumabas. Binitbit ko rin ‘yong bag ko na puro teacher's manual ang laman, ito ‘yong mga ibinigay sakin ng dean dito na si Mr.Woo na daddy ng lalaking tumulong sa akin noong isang araw.   Actually, tinanggap ko yung trabahong ino-offer sakin ni Sir, nakakapanghinayang kasi. Eighteen thousand ang sahod kada isang buwan, may teacher's uniform pang binigay at may apartment na rin kung saan ako pansamantalang titira, provided na rin ang allowance at siyempre, mga plan na magiging batayan ko sa pagtuturo.   Ginawa akong fake teacher hindi lang para magturo. Ang main goal ko sa pagiging fake teacher ay disiplinahin daw ang mga piling bad boys dito sa university. Noong una ay nagdadalawang isip pa ako. Anong magagawa ng isang tulad ko sa ganitong klase ng trabaho? Ni hindi ko nga alam kung magagawa ko bang baguhin ang ugali ng mga ‘yon.   Pero sa huli, wala akong nagawa kundi ang pumirma sa kontrata. Hindi lang para sa’kin, kundi para na rin sa pamilya ko.   Ayon sa kontrata ay magtatagal daw ito ng tatlong buwan. Sapat kaya ang tatlong buwan para maging tagumpay ang plano?   Pumasok na ko sa universiy, nakakapanibago kasi sobrang ganda ng loob nito, prominente ang pagiging elegante ng mga building, halatang pinagkagastusan ng sobrang mahal. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit mahal ang tuition dito.   "Good morning maam," bati sa ‘kin ng isang estudyante, hindi ko alam kung sasagutin ko ba ito sa paraang teacher na ang dating ko. Nakakapanibago. Ang bilis ng pangyayari.   "Good morning," sagot ko naman. Nang makalagpas na ako sa estudyante ay patago kong nirolyo ang aking mata. Feeling teacher eh, remember, peke kaya ako.   Pinagpatuloy ko ang paglalakad papuntang principal's office. Nasa corridor na ako nang may narinig na naman akong tsismis.   "Ang weird naman niya? Parang ang bata niya tingnan para maging teacher."   "Sa tingin ko nga rin, malay mo matanda na yan at baby face lang."   "Baka naman practice teacher lang?"   Gusto kong matawa sa pinag-sasalita nila pero nandoon ang kaba na baka mahalata nilang hindi naman talaga totoo ang propesyon ko. Mahirap magpanggap, oo. Pero mas mahirap kung hahayaan ko ang sariling mangapa sa kahirapang hindi ko malalagpasan kung hindi ako kikilos.   “Excuse me?” sabi ko sa isang estudyante na nakasalubong. Agad naman siyang tumingin sa akin at yumuko nang bahagya. “Saan banda makikita ang principals’s office?”   “Deretso lang po, ground floor ng PPE building.” Ngumiti siya. Napangiti rin ako at nagpasalamat.   Hindi naman mahirap hanapin ‘yong opisina dahil may sign board naman sa labas ng bawat office na narito sa gusali. Nang marating ko na ang tapat ng opisina ay kumatok ako, automatiko naman itong bumukas.   Pumasok ako sa loob at tulad ng naging reaksyon ko sa ganda ng school na ito, mas lalo akong namangha sa design dito sa office. Orange and teal ang theme ng office. I wonder kung magkano ang ginastos para sa mga muwebles na narito. Siguro kaya na kaming buhayin nito sa loob ng maraming taon.   Pinagmasdan ko ang loob at namataan ang signage kung saan nakasulat ang name ng principal.    Mr. Chen Woo.   "Handa ka na ba?" tanong sa akin ni Sir Woo. Inamin ko kasi sa kanya na kailangan ko ng maraming oras upang makapagisip isip. Nandoon rin ang pangamba pero mas nananaig sa akin ang motibasyon sa tuwing naaalala ko ang aking pamilya.   First time ko kasi sumabak sa ganitong trabaho. Sabagay, parang reporting din ang dating nito, magtuturo lang pero kasamang pagdidisiplina pero paano? Paano ko dididsiplinahin yung taong iyon na hindi ko naman kilala? Handa na ba talaga ako?   "Opo. Ready na po ako," deklara ko.   Ang dami daming binanggit ni Sir pero karamihan alam ko na, may natutunan naman ako tulad sa kung magdi-discuss na, para ‘di mailang sa mga estudyante ay ‘wag mag eye-to-eye. Tingnan ang noo at dun lang tumingin. Dapat ingat din sa pagsasalita, malay mo naliligo na pala ng laway ‘yung estudyante nang di mo napapansin.   “Kilala mo na ba kung sino sino sila?" tanong ni Mr.Woo sakin, tinutukoy niya ang mga taong sasalalim sa misyon ko.   "Hindi po eh."sagot ko habang nakakunot ang noo.   Tumayo siya sa kinauupuan niya at dumeretso sa isang kabinet, ako naman ay nanatiling nakaupo at hinihintay kung ano ang gagawin.   May kinuha siyang folder at nilapag sa harap ko.   "Diyan sa folder na yan, makikita mo kung sino sino ‘yong tinutukoy ko. But first of all, gusto ko lang linawin na G-Six ang tawag sa grupo nila."   Nanginginig kong binuksan ang folder at sa puntong ito, nagsimula na akong kabahan habang iniisa-isa ang mga pahina.   Nicolas University’s List of G-Six members:   1.Kurt Sarmiento 2.Marvin Woo 3.Dennis Villacorte 4.Von Marion Cerveza 5.John Ken Luther 6.James Bryan Dizon   Dennis Villacorte, the leader of the group, the one who perpetrates undesirable activities in contrary to the guidelines and agreements set by the guidance counselor.   James Bryan Dizon, the clown. His humor is the best asset anyone could describe him. However, he has been overstepping the sidelines, over the belt as considered due to insulting jokes he usually mutters for waves of laughter.   John Ken Luther, the genius. His impeccable performances in academics have brought honor to the university due to his excellence as he championed every competition.   Von Marion Cerveza, among them, he is considered as the certified womanizer.   Kurt Sarmiento, the bully.   Marvin Woo, the athlete. He is the current team captain of the university’s men’s volleyball team. Among them, he is the silent one who never speaks unless one approached. Prepared by: Kyla Nicole Galang.   May inabot pa si Sir na bondpaper, picture daw nila. Isa isa ko yun tiningnan pero isang picture ang umagaw sa akin ng atensyon.   Si Marvin Woo. Siya yung poging driver kagabi! Yung nakatabi ko matulog! Yung niyakap ko ng magdamag! Oh my god! Anong kahihiyan ba yung ginawa ko? Nakakahiya na pag nakita niya ulit ako! Bigla akong kinilabutan habang tinititigan ang litratong iyon. Candid shot niya iyon habang suot ang volleyball jersey, may hawak na bola at nakayuko.   Oh my God! Kakayanin ko ba silang turuan? Disiplinahin? Kaya ko ba? Lalo na kung kasama pa si Marvin?   "Magsisimula na ang class period mo Ms. Aurelio. Dun sa Room #21 ang tuturuan mo, good luck!"   "O-okay po Mr.Woo."   Lumabas na ko ng office dala ang sobrang kaba at naglakad papuntang room #21. Iyong mga nadadaanan kong estudyante ay kusang napapatingin sa akin. Nakakainis ang feeling, nakakapanibago.   Nang marating ko na ang tapat ng room ay huminga ako nang malalim. Ang kaninang kaba ay lalong sumidhi, dahilan kung bakit hindi ko napigilang pagningnig ng mga daliri.   Kaya ko ‘to, hinga nang malalim. . .   Ang malakas na ingay ay kusang napalitan ng katahimikan, na para bang may dumaang anghel nang ihakbang ko na ang paa ko at derederetsong pumasok at pinatong ang bag sa table.   Nang i-angat ko ang tingin ay isa-isa ko silang tiningnan. Pero sa hindi malamang dahilan, ang mga mata ni Marvin Woo ang unang humatak humatak sa aking atensyon.   Napalunok ako nang magtama ang aming paningin, lalo na nang mapansing magkakatabi silang anim.   "I'm Ms. Klairol Kate Aurelio, your new adviser. From now on, I will be your teacher,” basag ko sa katahimikan.   Nagsimula na ring mag-ingay ang mga estudyante. Bagay na halos ikinagulat ko. Jusko, anong step na ba ang susunod?   "Tahimik," mahina kong sabi. Kaso ganoon pa rin, maingay pa rin.   "Pwede ba? Please, manahimik na!" malakas kong sigaw kaso mas lalong nag-ingay. Nagsimula na ang usapan tungkol sa akin at ang maiinit nilang opinyon tungkol dito.   "Aba! aba! aba! At anong karapatan mo para pagsabihan kami ha?" sigaw ng isa at tumayo. Nagsitahimik na ang lahat. Sa puntong iyon ay pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Bigla kong naalala kung sino siya sa anim, si Kurt Sarmiento.  So, ganito pala kasama ugali nila?Maturuan nga. Steps in teaching G-Six Begins... "Hey!Mr.Sarmiento!"panimula ko."Siguro naman may magulang ka?Siguro naman may lolo't lola ka?So ganyan mo ba sila kung i-respeto?Ganyan mo ba i-respeto yung mga teacher na kagaya ko?I'm reminding you Kurt,kaya ka nag-aral dito para matuto na nga kagandahang asal, hindi para matuto ng mga asal asong ugali." oha! Di ba kaya ko?! Biglang nagsitawanan ang mga estudyante, yung iba nga, nagsigawan pa. "Wala ka pala Kurt eh!" "Akala ko ba walang makakatalo sa yo?" "Ba't tumahimik ka?" Hinyaan ko nalang sila mag-ingay.Magsisimula na sana magklase kaso eto na naman si Kurt.Kung kanina naka-stay lang siya sa upuan niya,this time,papalapit na siya sakin.OMG! Anong gagawin niya? Lumapit siya sakin at bigla nalang ngumisi. Then nagsalita na siya. "Ilan taon ka na ba?!"tanong niya sakin. "Se-seventeen..."mautal utal kong sagot...Juice ko!Wag sanang makahalata... "Eh bakit teacher ka na agad?!Eh mas matanda pa ko sayo eh!" "E ano kung mas matanda ka?!Ang mahalaga lang naman igalang mo kaming mga teacher." "Eh pwede pala kitang asarin?Bata ka lang at matanda na ko."sabi niya at babalik na sana sa upuan niya kaso nagsalita naman ako,akala mo magpapatalo ako sayo?Hah! "Mas matanda nga,isip bata naman,kesa naman sa mas bata,matured pa."then isinulat ko sa blackboard yung isusulat nila sa notebook nila. "Anong Sabi mo?!" sabi ni Kurt kaya humarap na ko sa kanya.At this time,nanlilisik na yung mata niya,namumula na at ready to sampal me,oh my god. Pumikit nalang ako,hinihintay na masampal ni Kurt pero,six seconds na ang lumipas,walang palad na dumampi sa pisngi ko.What does it mean? Di niya ko sinampal? "Tol,di naman siguro tama yang saktan si Teacher."rinig kong bulong ni... "Marvin???" Tiningnan ko syang hawak hawak ang braso ni Kurt.So,siya ang pumigil?Oh my! At bakit ba naka-poker face siya?Ang cold cold nya!Di naman siya ganyan kagabi ha? "Let's go."aya niya kay Kurt at sinenyasan ang apat na bad boys sa likod.Teka,teka,san sila pupunta? Palabas na sana silang anim sa room kaso,pumunta ako sa harap nila at agad namang humarang... "Ops!Ops!Ops!At san kayo pupunta?Hindi pa tapos ang class ha?" "Wala kang paki."sabi ni...teka,sino nga ba to?Si...Ayun!Si James Bryan! "Ako ang teacher niyo at ako ang in-charge sa inyo!Basta balik sa upuan!Di pa ko tapos magturo."sagot ko. "Kami ang nagmamay-ari ng school na to,at pwede ka naming i-Fired anytime."sabat naman ni....John Ken Luther? "Basta,balik!"pilit kong utos. "Aish,come on guys,mamaya nalang tayo lumabas."biglang sabi ni...Dennis.., At yun!Nagsibalikan silang lahat sa upuan nila.Ako naman bumalik sa Teacher's Table,kinuha ang lesson plan at nagsimula nang mag-turo. At ayun,nagturo na ako. Pero siyempre,hindi sa buong class yung attention ko kundi sa G-Six na halatang borring saken.I don't care kung borring ako,what important is madisiplina ko sila. Tumunog na ang bell,di pa ko natapos sa pagtuturo,bigla nalang nagsitakbuhan sa labas yung last section,hays. Pang last section talaga yung ugali! Kakainis! Nagsi-alisan na yung iba,naliban sa... G-Six. "Akala ko ba gusto niyo nang lumabas?Eh bakit nandito pa kayo?"nagtatakang tanong ko sa kanila. Imbes na salita yung maririnig ko, ngisi lang yung nakita ko.Lahat mismo sila at sabay sabay pa!Ano ibig sabihin nito?! Nagsitayuan na sila at lumabas na ng room.Ako naman lumabas rin para pumunta ng grandstand ng university na to.Doon na ko magla-lunch kasi may baon naman ako. So,ayun,naglakad na ko papuntang grandstand.Nang makarating na ko,umupo ako sa may bandang harapan,binuksan yung bag ko para kunin yung baon ko para sa lunch. Tiningnan ko muna yung paligid kung may tao.You know why? Dalawang pirasong tuyo kasi yung ulam ko,samahan mo pa ng bagoong, diba nakakahiya? Ok lang naman eh,at least may ulam ako.At walang tao na nakakakita sakin. *Kain.Nguya.Lunok.* Habang kumakain,bigla nalang may sumigaw sa bandang likuran ko. "Wow!Tuyo at Fish paste?Ang sarap niyan ha?" Oh M G!May nakakita sakin! Itatago ko sana to pero it's too late.Tiningnan ko naman kung sino yun at halos malaglag ang panga ko sa nakita ko. "Marvin Woo?!A-anong ginagawa mo dito?!" "Watching you.." Kung ano ano naman yung pinagsasabi niya!Hoy!100 percent na ang hiya ko sa kanya!Kagabi nga nakita niya kong suot ang sayang luma na at sandals na putol ang takong.Ngayon pa kayang nakita niya kong tuyo at bagoong yung ulam?! "A-anong kailangan mo?!"mautal utal kong tanong habang may pagkain pa sa bibig.Tumabi siya sa sakin. "I knew it."sagot niya. "Ni-knew ang a-ano?!"naguguluhan kong tanong... Bigla niyang nilapit ang bibig niya sa tenga ko at may binulong... "Your'e a Fake Teacher and I know it..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD