Chapter 10

1288 Words
Fake Teacher 10-Famous "Diba siya yung teacher na pinag-aagawan ng triplet kahapon?" "Oo nga,nakita ko nga ring nagpi-PDA sila ni Papa Melvin sa grand stand." "Buti nga nakatikim yan kay Cindy,third party kasi,malandi.Teacher pa mandin tapos ganyan kung umasta." "Tsaka,'di mo ba napapansin?Kahapon ang pangit pangit tapos ngayon nag-transform into maganda?" "Balak niya talagang akitin yung mga boys dito.Ugh!Malandi siya,sarap sabunutan." Mga narinig kong bulong habang naglalakad papuntang Room Number 21.Bulong nga ba yun?Tingin ko kasi hindi,halatang pinaparinig na sakin.Eh ano naman?Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako malandi,ginagawa ko lang naman yung trabaho ko eh,wala rin naman akong mapapala kahit labanan ko ang mga tsismosang to. Pangatlong araw ko na dito pero bakit ganito silang lahat sakin? Kung titingin ako sa kanan,may mga babaeng umiirap at pinag-uusapan ako ng kung ano ano.Sa kaliwa ay may mga boys na nakatulala sakin tapos nakanganga pa. HANUBAYAN! Hindi ako sanay na pag-usapan nila ako.Hindi ako sanay na sakin nakatutok yung mga mata nila.Mas gusto ko pa yung turing nila nung Lunes.Mas gusto ko yun kesa ngayong Wednesday.Sana pala di na pumayag magpa-make-over. "Maam,hatid na po kita."sabi nung isang lalaking estudyante sakin,I think junior siya.Eh teka nga,ba't gusto niyang siya magdala ng bag ko? Siyempre,OO ang isasagot ko.Nasa harapan ko na ang grasya,tatanggihan ko pa?Ang bigat rin kasi ng bag ko hanu? Pero hindi ko yun nasabi kasi biglang may humablot ng bag ko.Hinawakan ang kamay ko at kinaladkad palayo sa Junior student na yun. At kung sino yun?Walang iba kundi ang nag-iisang Martin Woo.Ang pinaka-masungit na lalaki sa balat ng lupa. "Bitawan mo nga ako Martin!Nandito tayo sa school at madaming nakakakita satin.Di mo ba alam yun?Bitawan mo ko,bakit mo ako nilayo sa nagmamagandang-loob na estudyante?Umayos ka nga Martin."pabulong kong pasigaw sa kanya.Intindihin niyo nalang,PABULONG NA PASIGAW. Huminto rin kami sa wakas,huminto kami sa tapat ng room # 3.Bigla niyang binitawan yung kamay ko at nagbuntong-hininga. "He looks at your cleavage,won't you see that?" Oh my god! "Eh sa wala akong magagawa eh,eto yung teacher's uniform na binigay sakin ng Dad mo." Walang imik ay nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang room #21.Siya ang may bitbit ng bag and I think,wala akong magagawa kundi ang bumuntot. Anyway mamaya pang 4:00 ang alis namin papuntang Boracay.Excited but kinakabahan at the same time.Excited kasi first time kong makakapunta don at kinakabahan dahil di ko alam yung moves na gagawin ni Melvin lalong lalo na sa mga inasta niya kagabi.Nakaka-MY GOD lang talaga yung mga pangyayari pagka-uwi namin ng bahay. FLASHBACK "Ang ganda mo pala."nanginginig na sabi ni Marvin.Eh ako naman,halos malaglag ang panty sa sinabi niya.Baka nga matangay pa ng aso. "Salamat..."pabulong kong sabi. "Tss.Asa.Wala namang nagbago sa itsura mo ha?In fact,pumangit ka pa lalo." See?Pinaasa niya ko.Ang tanga ko naman kasi para maniwala.Minsan na nga lang ako mapuri tapos ijo-joke pa? "Alam ko,wag ka ngang feeling dyan,kala mo namang naniwala sa sinabi mo,HMP."pataray kong sabi sabay lingon sa bintana ng kotse.Narinig ko silang tatlong tumawa at mas lalo akong nainis dun. Ilang sandali pa ay narating din namin yung mansion nila.Una akong bumaba at pumasok na sa mala-palasyo nilang bahay. Agad agad naman ako pumunta ng kwarto ko.Yep,may sarili akong kwarto at iyon ay binigay sakin ni Mr.Woo.Buti naman at naisipan niyang ihiwalay ako kesa naman makitulog sa anak niya.Nakaka-takot din noh?Mukha pa namang r****t yung tatlong yun.Joke,haha. Pumasok akong bathroom at agad na hinubad yung damit na binili sakin ni Melvin.Maliligo muna ako.Maalinsangan eh. Habang naliligo,biglang may kumatok sa pinto ng kwarto,hindi ng bathroom.Narinig ko naman yun at agad agad akong nag-balot ng tuwalya sa katawan pagkatapos ay dumeretso sa pintuan. Dahan dahan. Dahan dahan baka madulas ako. "Oo!Sandali lang."sigaw ko. Hindi na katok yun.Kalabog na yun noh? Aish,sino ba kasi to?'Di makapag-hintay! Dahan dahan pa rin akong naglalakad papuntang pinto.Ilang segundo pa ang lumipas ay nahinto rin yung kalabog.Buti naman,naiingayan kasi ako eh. Nang makalapit na,binuksan ko yung pinto,pero sa di inaasahang dahilan... Parehas kaming sumalampak sa sahig.Kaming dalawa ni Melvin. My Gosh! Kasi naman eh!Bakit kasi siya sumandal sa pinto?Ayan tuloy!Saktong pagbukas ko,natumba siya.Kaya ngayon? Nakapatong tuloy siya sakin. WHAT?!Nakapatong siya sakin??? Oo,nakapatong nga! Nakatapis pa ako this time kaya alam kong nararamdaman niya yung ANO ko! Huhuhu!Medyo malaki pa naman. Tinulak ko siya bahagya pero di ko natulak dahil mabigat siya.Kasi naman yung mata!Nang-aakit! He smirked. Pumikit siya,nilapit ang mukha sa mukha ko. Pumikit din ako at hinihintay na dumampi ang labi niya sa labi ko...OMyGod! "Hoy!Ano yan?"dinig kong sabi ng isang lalaki sa bandang pintuan. Tinulak ko agad ng malakas si Melvin,ayun!Napa-gulong!Kaya ko naman pala itulak,bakit di ko pa nagawa?Hayy. Agad naman akong tumayo at inayos yung lumuluwang na pagkaka-tapis ng tuwalya.Tiningnan ko naman kung sino yung nakakita samin at guess what?It's Marvin.Anyare?Ba't naka-busangot siya?Na-out of balance lang kami ni Melvin!Yun lang yun!Baka kung ano ano pa kasi yung iniisip eh. Tumayo si Melvin tapos ay hinagis yung bag ko at paper bag sa kama."Tss."nakasimangot niyang sabi sabay labas.Tiningnan ko naman si Marvin na ganun na naman yung reaction,buti nalang umalis rin pagkatapos ng 3 seconds. Agad naman akong bumalik ng banyo at ipinagpatuloy ang pagliligo. END OF FLASHBACK Di ko namalayang nandito na kami sa tapat ng room #21.Inabot naman sakin ni Martin ang bag nang naka-ngisi,agad naman akong nagpasalamat at umalis na rin siya,papuntang room#4. Dahan dahan ay pumasok na ko ng Last Section.At first,ang iingay nila,pero nang napansin nila akong nakatayo sa harapan,nabigla sila.Natahimik.Nanlaki ang mata.Nagulat. Ganun ba talaga kalaki yung pinagbago ko?Nag-salon lang kami tapos ganito na?! Ang awkward talaga kasi sobrang tahimik,ganun din yung G-Six sa bandang likuran na natigilan,nakakunot pa ang noo. Sinimulan ko nalang yung pagtuturo. ******* Tumunog na yung bell,sign na lunch break na nila.Pero bakit ganito?Hindi sila nagsitakbuhan palabas!HIMALA! "CLASS.DISMISSED." Dahan dahan silang tumayo at lumabas din ng room.Maliban nga lang sa G-Six kasi may requirements pa sila sakin. Nagsilabasan na ang lahat.Kaming pito nalang yung natira dito:Ang G-Six at Ako.Naka-upo pa rin sila sa silya pero halatang gustong gusto ng lumabas.Subukan lang nila.Humanda talaga sila sakin. "Puro blanko yung record niyo sa class record ko.Walang seatwork,walang output,at wala rin kayong grade sa recitation .Kaya dito lang kayo.Hindi kayo magla-lunch.Parusa niyo yan."sermon ko sa kanila sabay sarado ng pintuan. Ugh!Tingin ko binabalewala lang nila yung sinasabi ko.Paano ba naman tutok na tutok sila sa mga hawak nilang gadgets.Huy!Pansinin nyo naman ang lola niyo!Sayang yung laway kakasalita. Biglang nag-vibrate yung phone ko sa bulsa nitong teacher's uniform na suot ko..May tumatawag kaya pumunta ako sa labas.Tiningnan ko naman agad kung sino yung caller,pero SHAKS!!!!si Marvin lang pala!Ba't nya ko tatawagan eh nasa room naman ako? Hindi ko sinagot ang tawag at agad na pumasok ng room. Nagulat nalang ako nang wala na ang G-Six dito.Wala.Tumakas. Ugh!Naisahan nila ako!!!!Humanda talaga kayo sakin!!!Hindi pa nagsisimula ang plano pero pag yun nasimulan ko na,ihanda niyo na sarii niyo!!Babaguhin ko yung ganyang ugali niyo!! !Ugh!!!Nakakainis!Bwisit!Bwisit !Bwisiiiit! It's already 3:00 in the afternoon,natapos rin ang pagtuturo ko sa Last Section ng Wala ang G-Six.Ugh!Pinagkaisahan nila ako!Tumakas at nag cutting class pa!Mga bwisit!! "Grabe ka Kate.Ang laki ng pinagbago mo.Ano bang ginawa mo jan sa itsura mo?Ang ganda ganda mo."natutuwang sabi ni Kyla."pero grabe talaga yung isyu tungkol sayo,kilalang kilala ka sa buong school." By the way,nandito nga pala kami sa library. "Siyempre,Make-over.Tsaka anong kilalang kilala?"nagtataka ko namang tanong. "Di mo ba alam?Maraming kumakalat na chismis na ano ka raw...malandi?Sorry.Tsaka daw inaakit mo raw yung G-Six at yung triplet.Marami talagang nakaka-alam.Sarap ngang sabunutan yung mga tsismosa na yun eh.Siguro kung alam lang nila na trabaho or coincidence ang nangyari,they might understand you." "Lam ko na Kyla.Kaninang umaga ko lang nalaman na ganun talaga kabilis kumalat.Tsaka di ko nalang yun pinapansin.Di naman kasi totoo eh."tumigil ako saglit at naalala ang kapatid niya."oo nga pala!Ba't di mo sinabi na may kapatid ka?" "Meron nga,Kevin ang pangalan,don't tell me na magkakilala na kayo?" "Ah oo,magkakilala na kami.Alam mo ba?Napakabait ng kuya mo,infairness ha?" "Ganun talaga si Kuya,nagmana kay Daddy yun eh..."napatingin siya sa phone niya."Oh!I need to go.Mauna na ko Ah?Dyan na kasi si Dad eh."nginitian ko lang siya then she hugged me at umalis.Ako naman nanatiling naka-upo at iniisip kung ano na bang gagawin. Natigilan ako saglit. Oo nga pala!May flight kami papuntang boracay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD