Isa

1972 Words
Isa “That’s very unlike you, Isabella.” Mala-senyoritong umupo si Liam sa maliit na sofa na naroon, nagawa pa nitong itaas nang bahagya ang paa sa maliit na mesang kaharap nito. “That’s very unlike you na maging distracted. Mabuti na lang at walang nangyari. Mukhang mabait din ang lalaking ‘yun.” Nagsasalubong ang kilay ko siyang tiningnan. “Tinatarantado mo ba ako, Liam Ivler?” ura-urada kong pagsinghal dito. Hindi ko alam kung ano ang gusto nitong palabasin o kung nagbibiro lang ba talaga ang lalaki. “You are always distracted,” pagtatama nito sa unang sinabi. “What is it this time?” Napabuntong-hininga akong muli at hinayaan na lang ang sariling maging tapat sa kaibigan. Dahan-dahan akong tumabi sa kinauupuan at nag-abot ng juice. “I’ve been thinking about him.” “About whom?” “About Harris,” sagot ko pa. Kinunutan lang ako ng lalaki ng noo pagkatapos ay pinaningkitan. Sakit na talaga nito ang pagiging makakalimutin. “My first love, idiot!” Natatawa nitong sinimsim ang hawak na baso ng juice bago tumayo at magpagpag ng damit. “Alam mo, sign na ‘yan.” “Sign na ano? Na malapit na kaming magkita?” Nandidiring titig naman ang ibinigay ng lalaki sa akin ngayon. Patagal nang patagal ay mas lalo akong nagdududa kung kaibigan ko ba talaga ang walang kasupo-suportang lalaking ito. “Na tumigil ka na sa pag-asa. Tatlong taon ang tanda no’n sa’yo kaya sigurado, nakapag-asawa na ang ‘first love’ mo,” tuloy-tuloy nitong sabi, marahas na pinagdiinan ang salitang ‘first love’ sa tainga ko. “Lumayas ka na nga!” singhal ko na lang at parang biglaang nagtaas ng banderang puti. “Alam mo talaga kung paano manira ng umaga.” Hinayaan ko na lang na tumatawa-tawang umalis ang lalaking kaibigan. Nasanay na lang din ako sa hindi mahinto-hintong pang-aasar ng lalaki. Hindi ito magiging si Liam Ivler kung hindi ganiyan ang ugali nito. Simula pa lang noong kolehiyo ay naging kaibigan ko na ang lalaki. Maloko kasi at easy-going, ugali ng kaibigang dapat ay mayroon ka sa college kung gusto mong masayang makatuntong sa graduation. May mga araw na ang jokes niya na lang ang pinanghahawakan namin dahil halos dumugo na ang ilong namin sa Business Mathematics. Ang pagkakaibigang iyon ay natuloy na hanggang sa makapagtrabaho. Mukha namang masaya pa rin kami sa isa’t isa dahil hindi pa rin natitigil ang pag-aasaran. Napailing na lang ako nang marinig ang pagtunog ng maliliit na bells sa may pinto, hudyat na tuluyan nang nakaalis ang mapang-asar. Mabilis kong kinuha ang cellphone habang pinalilipas ang oras. Ilang minuto na lang kasi ay paniguradong darating na ang iilan kong empleyado sa pagbubukas ng boutique sa panibagong araw. Katulad ng araw-araw na ginagawa, pangalan muli ni Harris ang nasa search bar ko sa isang search engine. Ilang taon ko na itong ginagawa ngunit tila ba biglang nabura sa mundo ang lalaki. Sa loob ng mahahabang taon, wala ni isang larawan o balita tungkol kay Harris akong nakita kahit pa gustong-gusto kong malaman kung ano ang nangyayari sa buhay nito. He always dream about competing sa labas ng bansa bilang isang sikat na soccer player pero wala ako ni isang balitang makitang nagpapakumpirma roon. Nagawa ko na ring magpunta sa iilang laban ng mga national athlete ng Pilipinas sa Soccer ngunit wala ni anino ni Harris akong nakita. Mula sa pinakasikat na grupo hanggang sa iyong mga pausbong pa lang ay ginawa ko ang lahat para maghanap pero bigo talaga ako roon. Naglahong parang bula? Napakaimposible. Hindi ganoong tipo ng tao si Harris. He’s very passionate and dedicated mapa-academics at sports pa iyan; lalong-lao na sa sports dahil napakataas ng pangarap niya patungkol doon. Posibleng hindi asahan ng mga kaklase ko noon ang pagkakaroon ng isang business pero hindi si Harris. Mula pa noon ay para bang alam na ng lahat ang magiging tadhana nito. Palagi naman akong frustrated sa paghahanap. Araw-araw at walang mintis akong bubuntong-hininga sa harapan ng cellphone dahil sa pagkadismaya at p*******t ng mga mata’t leeg. Ilang taon matapos ang graduation nila Harris ay nakakarinig pa ako ng balita tungkol sa lalaki, tungkol sa paghahanap nito ng papasukang trabaho, sa lahat ng mga opisinang nag-aagawan pati na sa mga sports agencies na nag-aabang. Na-stuck na roon ang mga balia sakanya, sa mga sumunod na taon ay para bang nawala na rin bigla ang lalaki. “Alam mo, sign na ‘yan.” “Sign na ano? Na malapit na kaming magkita?” “Na tumigil ka na sa pag-asa. Tatlong taon ang tanda no’n sa’yo kaya sigurado, nakapag-asawa na ang ‘first love’ mo.” “No way. . .” Tuluyan na akong napasabunot sa buhok dahil sa naalalang pandedemonyo ng Liam na iyon. Pinapalis ko sa isip ang nagbabadyang pagsang-ayon dahil hindi ko gugustuhing maniwala. Maaaring tama si Liam. Tatlong taon ang tanda nito sa amin kaya paniguradong niyakap na nito ang pagiging trenta. Malaki ang posibilidad na nakapag-asawa na nga ito. Thirty is just everything especially for a man, iyan ang sabi ng iilan kong kaibigan. “Nakapag-asawa na ba talaga si Harris?” Halos mapatalon ako sa gulat nang sumulpot si Zia, isa sa mga empleyado, sa harap ko. Naubos na ang oras para makapag-isip dahil kailangan ko nang ipagpatuloy ang trabaho. Napayukom na lang ako sa sobrang pagkadismaya. Para bang sinampal ako ng pagkainis sa sarili at pagsisisi. I have all the chances in the world noong college, lalong-lalo na noong graduation ng lalaki. Sinikap ko pang tumakas sa dorm para makarating sa oras, I tried every way possible para makalapit. Plinano kong umamin sa nararamdaman dahil maaari ngang hindi na kami magkitang muli pero umakto ang pagiging duwag ko’t sinayang ang lahat ng effort ng gabing iyon. Umuwi lang akong walang napala at basa ng ulan. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi sana sumagi sa utak ko ang pagba-back-out noon. Ngayon ay wala na sigurong pag-asa na magkita kaming muli. Ang totoo, hindi ito ang unang beses na pinasaringan ako ng kaibigan tungkol sa kasal ni Harris pero hindi ko alambkung bakit mas nagtagal ang pag-iisip ko tungkol doon ngayon. Para bang bigla akong natakot. Bigla kong ikinatakot na iyong mga taon na sinasayang ang oras sa pag-aantay at inaasa ko lang sa tadhana ang lahat ay mawawakasan na. Sana naman ipinaranas man lang sa akin ng Panginoon na makita ang lalaki bago ito mawala na parang bula. Sana naman nagkaroon man lang ako ng pagkakataon para makapagpasalamat sa balde-baldeng inspirasyon at motibasyong galing sakanyang ginamit ko para marating ang kung ano man ang nakuha ngayon. “I guess he’s married.” Hindi na rin kailangang isipin pa ni Zia kung sino marahil ang tinutukoy ko dahil ba tila kasama na sa qualifications ng aking mga empleyado ang makinig sa kung ano-anong mga naiisip. Tinungo ko na ang counter, ipinagpatuloy ang pangti-check pero nanatili sa tabi ko ang babae. “But you can think about it otherwise, Ma’am.” Paano kung kasal na si Harris? Paano kung hindi? Walang kapag-a-pag-asa kong binalingan ang babaeng nangingisi na ngayon. “Maraming salamat sa tulong mo, Zia. Nakikita mo ba ‘yung pinto? Labas, you’re fired.” Humalakhak na lang ang babae sa pagbibiro ko. Mukhang kampante na rin ito sa uri ng pagbibiro ko’t ginawa na lang na mag-approve sign. Hindi ko na rin masyadong sinayang ang oras at mabilis na pumanhik papasok sa opisina. Marami-rami akong kailangang gawin, marami-raming design na kailangang i-approve pero halos maubos na ang umaga ko dahil sa mga nangyari. Kailangan kong libangin ang sarili. It don’t find it really good na mismong sa kalsada ay lumilipad ang utak ko’t nagagawa kong makapandamay ng ibang tao. Totoo nga siguro ang sinasabi nilang nakakasama ang lahat ng sobra. For years, ginawa kong motibasyon ang lalaki. Pinanghawakan ko ang paniniwalang kapag nagawa kong makuha ang sariling mga pangarap ay magkakaroon din ako ng pagkakataong malapitan ang lalaking mistulang naging bituin dahil sa hirap na hirap kong abutin ito noong kolehiyo. Hindi ko alam kung totoong makakasama ang bagay na ito pero natatakot ako sa kung anong pupwedeng mangyayari kung mas ibababad ko ang sarili sa lalaki. Patagal nang patagal, ginugusto ko siyang makita. Patagal nang patagal ay nauubos ang pasensya ko sa pag-aantay. Patagal nang patagal sinisisi ko ang sarili sa pagiging mahina’t duwag noon. Hindi ko na alam kung pang-ilang buntong-hininga na ang nagawa sa umaga pa lang na iyon. Nakakainis, and I do feel empty about it. Ito na ba ang sign na kailangan ko nang tumigil? Pero nakuha ko ang lahat ng mayroon ako dahil sa ganoong mindset; na magkikita kami’t maihaharap ko ang sarili sa lalaki, malayong-malayo sa Isabella na dinadaan-daan lang nito noong kolehiyo. Kung kailan naman sinubok kong paghandaan ang lahat. Kung kailan naman natapos ko nang gawin ang mga plano. Lagpas alas dose nang matapos ko ang ginagawa. Kinailangan kong lumabas dahil nauna nang mananghalian sila Zia at ako muna ang magbabantay sa boutique. Hindi naman ito ang oras na matao ang lugar. Dumadagsa ang iilang mga costumers sa ganitong weekdays tuwing tapos na ang office hours. Naulunigan ko ang pagtunog ng mga bells kaya mabilis kong hinanap ang daan papunta sa pinto para batiin ang pumasok nang maaninag ang pamilyar na mukha. Nakalugay lang ang buhok ng babae ngunit mukha itong eleganteng-elegante. Sigurado akong isa siya sa mga ka-batch ni Harris kaya halos pumalakpak ang tainga ko. Mabilis siyang makilala dahil kahit na lumipas ang mga taon ay walang pagkakaiba ang mukha nito sa yearbook. “Good afternoon–” “Isabella? Sophomore ng BSBA sa LU?” Nag-init ata bigla ang mukha ko nang magawa akong maalala ng babae. Sigurado akong ilang beses na kaming nagkasalubong sa mga corridor at nagkita sa gym ng University. Kaibihan lang ay hindi ko magawang maalala ang pangalan nito. “Opo,” magalang kong sagot dahilan para mapatawa ito nang kaonti. “Ano, naamin mo na ba crush mo?” Madrama akong napaatras sa biglaan nitong pagtatanong. “Ano po?” Tumuloy ito sa paglalakad at para naman akong tangang sumunod-sunod habang inaantay ang itong magsalita. “Hindi mo na siguro maalala pero nagkwento ka sa amin ng mga kaibigan ko sa University Cafè. You told us na gusto mong umamin, but you don’t have the courage–” “Hindi po!” Imbes na matigilan ay mas lalo pang humalakhak ang babae. Mas lalo akong nagpanic, nahihiya. Hindi ko kasi talaga maalala na sila ng mga kaibigan niya ang nakausap ko, pero mahilig talaga akong magkwento lalo na sa mga babaeng malapit kay Harris noon. Kaya lang nananatili pa ring tikom ang bibig ko kahit pa ilang beses nila akong kinukulit sa pangalan. Napalunok ako, paulit-ulit. Siguro ay ito na ang tulong mula sa itaas. Hindi ko na uuliting magpalagpas pa ng pagkakataon. “Si. . . si Harris,” mahinang sambit ko rito. Ginawa pa nga nitong ilapit nang bahagya ang tainga. “Nasaan na po siya ngayon?” “Harris na varsity?” sagot nito, malaki pa rin ang ngisi’t mukhang kinikilig sa aming pinag-uusapan. Mabilis ko siyang tinanguan dahil sa tamang deskripsyon. “Siya ang crush mo?” “Opo,” nahihiya kong sagot. Para ata akong aatakihin sa mabilis na pagtibok ng puso. “But. . . si Harris, he’s at the hospital.” Humakbang papalapit ang babae sa akin nang makita ang gulat. “Sigurado ka ba? Hinahanap mo ba siya? Matagal na siya sa Wazil Medical Center, Isabella.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD