Saglit lang ako. Nagpalit lang ako ng pangtraining then inayos ko na rin ang panglaro ko. I also texted my parents na male-late na ako ng uwi. Pagdating ko sa gym, sabak na agad sa training dahil kanina pa sila nagsimula. Stretching at warm-up muna bago maglaro. Grabe ang training namin ngayon. Sobrang strict ni sir at kapag may nagkamali, magagalit siya at balik-umpisa na naman kami. Tinututukan niya kaming lahat lalo na ako tapos 'yong doubles na babae sa'min dahil nagkakalat sila sa laro. Mga boys namin, singles at doubles, wala ng problema. Lahat mga halimaw lalo na si Roi sa singles tapos 'yong kambal na Japanese sa doubles. Habang pinaparusahan ni sir 'yong girls doubles namin ay back to drills kami kasama ko si Luce pati na sina Roi at Kurt. "Andrew, laban tayo mamaya." "Ge Ro

