ANDY "Drew. Drew. Hello? Drew!" paulit-ulit na tawag ni Luce na siyang nagpabalik sa'king wisyo. "Ha? Bakit?" walang ganang tanong ko naman sa kanya. Nandito kami sa canteen ngayon dahil maaga akong pumasok at saktong maaga rin siya kaya nagkayayaan kaming dalawa na kumain muna rito. "Wala ka na naman sa sarili mo, ilang araw na. Lagi kang tulala. Napapano ka ba? Kumain ka na nga o kaya akin na lang 'yang footlong na binili mo kung ayaw mo. Pinapakain mo lang sa langaw eh," puna niya habang kumakain ng sopas. "Okay lang ako, may iniisip lang. Excused pala ulit ako dahil sa pageant. Student council kasi ang na-assign na committee do'n kaya Luce, pahiram ng notes mo mamaya ha? Picturan ko lang. Dalian na natin, kailangan ko na ring umalis," paalam ko saka kumagat sa'king footlong. "Drew

