2

1776 Words
ANDY Maaga akong nagising ngayon. Alas-cinco pa lang ng umaga. Nag-exercise muna ako. After 30 minutes ay dumiretso na ako sa kusina at nagkape. Kumain lang ako ng cheese on toast. Wala ang parents ko ngayon dahil nasa business trip sila at mag-isa lang ako sa bahay. Matapos kumain ay dumiretso na ako sa bathroom para maligo at magtoothbrush. After 15 minutes ay natapos na ako. Nagbihis lang ako ng casual white t-shirt at skinny jeans na tinernuhan ko ng black vans. Tumingin muna ako sa salamin. Patay! Visible pa rin ang hickey sa leeg ko at namumula pa dahil sa ginawa ni Kate no'ng nakaraang gabi. Nagsuot na ako ng royal blue oversized hoodie at umalis na para sunduin si Kate. Nagdoorbell na ako sa gate nila Kate at pinagbuksan naman ako ni manang Nora. “Good morning manang, si Kate po?” masayang bati ko rito. “Nako hija, tulog pa eh. Ang aga mo ata ngayon, nililigawan mo ba ang alaga ko ha?” panunuksong sabi ni manang sa akin. “Si manang daw oh. Syempre manang takot ako sa alaga mo 'tsaka ayaw niyang nalelate kaya inagahan ko na,” pagdadahilan ko kay manang. “Ay nakong bata ka talaga. Kumain ka na ba? Sakto magluluto ako, ano bang gusto mo?” tanong naman nito sa akin. “Opo manang tapos na. Sasamahan ko na lang po kayong magluto. Ipagluluto ko po si Kate ng paborito niya,” presinta ko. “Oh siya, siya tayo na sa kusina. Ang aga-aga ang sweet sweet mo sa alaga ko,” tila kinikilig na sabi nito. Napangiti na lang ako. Kasalukuyan akong nagpiprito ng hotdog at bacon. Nagluto na rin ako ng egg omelette at fried rice. Nagtimpla na rin ako ng hot chocolate na paborito niya. Nang maiprepare at okay na lahat ay kumuha ako ng tray at pumunta na sa kwarto niya dala ang mga pagkain. “Kate. Kate, gising na. Tanghali na,” yugyog ko rito habang ginigising siya. Pero umingit lang ito. Ginising ko ulit. “Kate, gising na. Gising ka na please?” sabay kiss ko sa cheeks nito. Nagmulat na ito ng mata at nakangiti sa akin. “Good morning Andy,” bati nito sa akin with her bedroom voice. “Good morning Kate. Bangon ka na. I prepared breakfast for you. Kumain ka na,” masaya at nakangiti kong sabi rito. Mas ngumiti naman ito nang malapad sa akin at inalalayan ko na rin siya para makaupo nang maayos. Sana lagi na lang siyang tulog para walang nangmamanyak sa akin. Ang amo niya kasing tingnan ngayon. Ganyan ka na lang sana Kate hehe. Isinerve ko na sa kanya ang pagkain at nagsimula na itong kumain. Ayos ka ha, breakfast in bed. Naman. “Hmmm, sobrang sarap naman nito Andy at mga favorite ko pa. Thank you so much Andy,” puri nito matapos isubo ang pagkain at niyakap ako nang mahigpit. “You're always welcome Kate. Anything for you, kahit manyak ka,” sagot ko naman dito pero syempre hininaan ko lang 'yong huling sinabi ko at gumanti rin ng yakap. Nang matapos siya ay iniligpit ko na ang pinagkainan niya at aalis na sana ako nang hilahin niya ako sabay halik sa pisngi ko. “Wait for me outside Andy,” sabi nito sa akin at nagwink. Inilagay ko na sa kitchen sink ang pinagkainan at si manang na raw ang bahala. Nanood muna ako saglit ng tv habang naghihintay. Mayamaya lang ay dumating na si Kate. Wow. As in wow, sobrang ganda at sexy niya ngayon sa suot niyang dress. Nakatulala lang ako sa kanya. “Are you done checking me out Andy? Anyways, let's go na,” pangtetease na naman niya sa akin. Mukhang good mood siya. Manyak na uli siya eh at yari na naman ako. Habang nagdadrive ako ay panay ang haplos niya sa hita at sa tiyan ko. Buti na lang nakakapagcontrol ako. Mamaya maaksidente kami pero 'wag naman sana. Nakangisi na naman siya. Para siyang nakahigh ngayon. Nagshashabu kaya 'to kaya manyak? Nakarating na kami sa university at bago pumasok ay kiniss ko siya sa cheeks at todo ngiti siya. “Hoy Drew, ba't ka nakangiti ha? Okay ka lang ba?” bungad sa akin ni Luce. “Good morning Luce, masaya lang ako ngayon dahil di ako sinungitan ni Kate,” masaya kong sabi sa kanya. Tiningnan naman ako nito at kinilatis. Mayamaya ay nilislis niya ang hoodie ko at tiningnan ang leeg ko. “Sinasabi ko na nga ba Drew. May nangyari na naman sa inyo ni Kate 'no? Ano sagot!” halos pasigaw niyang tanong sa akin. “Chill ka lang Luce. Oo may nangyari sa amin pero hanggang ganyan lang. Di ka pa nasanay,” nakapout kong sagot. “H'wag mo akong dinadaan-daan sa pagpout mo! Mukha kang pato. Umayos ka talaga Drew sinasabi ko sa'yo,” banta niya sa akin. Napangiti na lang ako. Nagsimula na ang aming klase. Tamang sulat at pakikinig lang para di ako antukin. Mayamaya ay natapos na rin ang aming mga klase. Half day lang kami ngayon dahil may meeting ang faculty. Nagpaalam na ako kay Luce at agad tinawagan si Kate. “Hello, Kate. Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita,” sabi ko rito. “Hi Andy, nandito ako sa canteen ngayon. I'm waiting for you. Dalian mo!” utos nito sa akin sa kabilang linya kaya tumakbo na agad ako patungong canteen. Medyo hiningal ako nang makarating ako at naabutan kong magkakasama silang apat. “Hmm, anong gusto niyong pagkain? Bibili ako,” tanong ko sa kanilang apat. Ngumiti naman si Alice sa akin. “Drew, pwede bang ikaw na lang?” sagot nito sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil di ko siya gets. “Alice Gonzales, gusto mo na bang hindi na sikatan ng araw? Huwag siya, Alice,” nakakatakot na banta ni Kate dito. Sabay-sabay na nagtawanan ang tatlo samantalang ako ay nakatingin lang sa kanila. “I'm just joking Kate! Ang seryoso mo naman, para si Drew lang eh. Makikihati lang naman ako, bawal ba?” pang-aasar naman nito at nagtawanan na naman sila. Si Kate ay nakabusangot na. Nagsalita na ulit ako para awatin sila. “So girls, anong kakainin natin? Bibili na ako,” singit ko sa kanila. “Ikaw ng bahala sa akin Andy,” sabi ni Kate sa akin. “Sasama na lang akong mag-order sa'yo Drew tutal alam ko naman ang gusto nila,” tugon naman ni Alice kaya sabay na kaming nag-order. “Alam mo Drew, ang possessive sa'yo ng bestfriend mo. Di ka ba natatakot sa kanya?” tanong ni Alice sa akin. “Hindi naman. Sanay naman na ako sa kanya saka syempre love ko 'yon kahit masungit,” masayang sagot ko rito. “Hala, ang swerte naman ni Kate sa'yo. Sana may Drew din ako,” parang kinikilig namang turan nito. Nakapag-order na kami ngayon at pabalik na sa table namin. Inalalayan ko na rin si Alice dahil marami rin siyang dala. Nagpasalamat naman ito sa akin. Pagkaserve ko kay Kate ay nakataas na naman ang kilay nito at hindi man lang tiningnan ang pagkain niya. “Kate, ayaw mo ba no'ng pagkain? Bibili ako ng bago. May gusto ka pa ba?” malambing kong sabi rito. “No, I'm fine with it. Sa susunod, ako lang ang pagsisilbihan at aalayan mo,” masungit at madiin nitong pagkakasabi. Nakatingin lang sa amin 'yong tatlo na natatawa. “Hay nako Kate. Napaka-childish mo talaga. Bayaan mo siya Drew. Matanda na siya,” asar naman ni Skye rito. Nagbabangayan na naman sila. Inawat ko na ulit sila at nagsalita. “Okay girls, let's eat na. Huwag na kayong mag-asaran,” sabi ko sa kanila at tumigil naman na. Pero si Kate dedma. “Kate, kain ka na oh. 'Di ba favorite mo 'tong chicken adobo?” at hinipan ko pa ito bago isubo sa kanya. Buti na lang ay sumunod na rin ito at sabay-sabay na kaming kumain. Pasulyap-sulyap naman sa amin 'yong tatlo. Si Kate naman ay nakangisi lang at nakapatong ang kamay sa hita ko medyo malapit sa gitna ko. Nagsisimula na naman siya. Wala talagang pinipiling lugar. Mayamaya ay hinahaplos na naman niya ang kung ano ang mahawakan niya. Nakikiliti tuloy ako at nanghihina dahil sa ginagawa niya. Buti di ko nabibitwan 'yong kutsara. Natapos kaming maglunch na gano'n pa rin ang ginagawa ni Kate akin. Hindi naman ako makaiwas dahil kukurutin niya ako. “Kate, uuwi na ba tayo? Hatid na kita,” yaya ko sa kanya nang makasakay na kami sa kotse niya. “No, I don't want to go home. Magshopping na lang muna tayo,” sabi nito sa akin kaya dumiretso na agad kami sa mall. Pagpasok namin sa mall ay kinaladkad na niya ako kung saan-saan. Punta sa mga clothing stores at bumili siya ng kung ano-anong damit. Ako ang tagabitbit ng mga pinamili niya. Ang dami na niyang pinamili. Di ko na ata kaya joke! “Andy, halika rito. Isukat mo nga ito,” sabay bigay sa akin ng isang t-shirt na may nakasulat na you're mine. Kinuha ko na agad ito at sinukat sa fitting room. Nang maisukat ay lumabas ako para makita niya. “Perfect Andy! I'll buy that. Dali mo,” utos agad nito sa akin. Nang mabayaran na niya ay binigay niya agad sa akin ito. Tatanggi pa sana ako kaso pinandilatan na niya ako ng mata. Iniwan muna namin ang aming mga pinamili roon at pumunta muna sa cr para mag-ayos. Nang nasa cr na kami ay saktong kaming dalawa lang ang tao kaya mabilis agad itong nilock ni Kate. Marahas niya akong hinila papasok sa isang cubicle at pinaupo sa toilet seat at pumatong sa akin. “K-Kate, teka a-anong g-gawin mo?” nauutal kong tanong dito. “Sshhh Andy. Just keep quiet. Mabilis lang 'to,” bulong nito sa akin at nagsimula nang halikan at sipsipin ang leeg ko. Hinahaplos na rin niya ang likod ko dahilan upang mapaliyad ako. “Ahhh Kate, d-dahan lang ahh,” parang kakapusin na ako ng hininga dahil sa kiliti na dulot ng ginagawa niya. Mas lalo niyang pinanggigilan ang kabilang leeg ko kasabay ang pagpisil niya sa kaliwang dibdib ko dahilan upang mapasinghap ako. “Andy, I want more. Moan my name,” sabi nito sa pagitan ng paghalik sa leeg ko. “K-Kate, p-please ahh I c-can't t-take it ahhh Kate,” mahina at pigil kong moan dahil nagsimula na itong gumiling sa ibabaw ko. Tuluyan na akong nanghina at napayakap na lang sa kanya. 'Yong inaakala kong shopping namin ay nauwi sa necking.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD