"'Yan Drew, okay na siguro 'yan," puri ko sa sarili ko sa salamin nang makita ko ang kabuuan ko. Simple lang naman ang suot ko. Light blue jeans, white plain polo shirt at black high-cut converse. "Okay na siguro 'tong Bvlgari ni Mom," at ini-spray-an ko na ang sarili ko. 'Di ko kasi mahanap 'yong perfume ko kaya hiniram ko muna 'tong kay Mom. So far, 'di naman amoy matanda kaya goods naman. Umalis na ako at nag-text na rin kay Luce na papunta na ako. 4pm pa lang naman. Buti isang subject lang ang meron kami kanina. "Ang tagal mo Drew! Kanina pa ako naghihintay dito. Dapat ang maganda 'di pinaghihintay!" bungad agad sa'kin ni Luce nang magkita kami rito sa may fountain. "Tara na pero samahan mo muna akong mamili ng regalo. May maisa-suggest ka bang pwedeng iregalo? 5pm pa naman daw eh

