Jaimee
“J, may 2 hours ka pa para makapag isip kung saan ka pupunta mamaya.” Isang oras na nga kaming naiisip dito pero wala pa din. Ang hirap naman.
“Naku, M. Sa third gate na lang ako pupunta. Nakakaimbyerna ah. Nag sabay pa silang dalawa.” Nagtataka ba kayo kung bakit J at M na ang ta’’wagan namin? Ta’’wagan na namin ‘yan since highschool. ‘Yung first letter lang ng pangalan namin ang ginamit naming endearment. Meron pa kaming dalawa pang kasama. Si A at L.
“Wala kang pupuntahan? Paano na ‘‘yung mahal mo? Paghihintayin mo do’n sa second gate? Kawawa naman.”
“So sa second na ako pupunta, kasi ‘di ba kawawa nga naman si Arryl kung hindi ko pupuntahan.”
“Paano naman si Hot Papa SJ?” Napakunot ang noo ko. Ano daw? Hot ano? “Paghihintayin mo siya do’n sa main gate? Kawawa naman.” Napanganga ako sa sinasabi niya.
“Alam mo, M. Ang gulo mo. Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak mo.”
“Wala naman akong sinabing intindihin mo ako. Ako ay nag susuwestiyon lamang sa maari mong maging desisyon.” Kinapa niya ng kamay niya ‘yung ilong niya. “Teka, hindi pa ba ako nag nonosebleed? Ang lalim ng tagalog ko.” Umiling-iling na lang ako.
“Naku, ewan ko talaga sa’yo.” Tinignan ko ulit ‘‘yung wrist watch ko, ilang beses ko na nga ba itong tinitignan? May bigla akong naalala. “M, hanggang what time nasa baking building si L?” Wala pa pala akong regalo kay Seb. Kailangan kong bumawi.
“Hmm. Monday ngayon hindi ba? Hanggang 4:30 siya do’n. Bakit?”
“Kailangan kong magbake ng strawberry cake. As in now na!” Strawberry kasi ang favorite ni Seb.
“Atat naman, may iniisip ka pa ‘di ba?”
“Pwede naman akong mag-isip habang nag bebake.” Nag nod na lang siya tapos tina’’wagan si L.
After niyang tuma’’wag diretsyo kaagad kami sa Baking Building. May private baking room kami doon. Kasi mahilig si L na ipagbake kami ng pastries or something basta ibebake. Kaya nagrequest ako ng sarili naming baking room. Kahit 16 pa lang si L na gawa na niyang magtayo ng sariling business dito sa JCFMU. May sarili siyang bakeshop na pinatatakbo dito. Sosyal ‘no?
“J, mali ulit ‘yung sukat mo ng salt, ang gara ng lasa nito ang alat.” Sermon ni L. Ilang ulit na kasi akong nagkakamali sa sukat ng mga ingredients kaya palpak lagi ang lasa. “Jaimee naman, sayang ‘yung mga ingredients ko. Ayusin mo naman, saka bakit ayaw mo ba na ako na lang ang mag bake niyan para hindi ka na mahirapan?” Humalukipkip ako.
“Michelle Ann, mas special pag ako nag bake ‘no! Saka magagawa ko din ‘yan ng tama.” Nagtataka ba kayo kung bakit L siya tapos M nag sisimula ang pangalan? Hindi? Oh sige sasabihin ko pa din. Since kasi M na si Monique at Elle naman ang nickname niya na isip ko na simple L na lang ang itawag. ‘Wag humanga alam kong magaling ako. Ang feeling. Hahaha.
“Para kanino ba kasi ‘yan? Sa labidab mo na si Arryl? Himala! Dati bumibili ka lang sa bakeshop ngayon ikaw na gagawa.” Oo na, hindi na ako masyadong sweet kay Arryl ‘wag mo ng ipag dukdukan sa mukha ko.
“Hindi naman ‘to para kay Arryl.” Nagulat siya, ‘yung kamay niya tinakip niya sa bibig niya.
“Omy~! May iba ka na? Paano mo na gawa ‘yan kay Arryl? Bakit ka ganyan J! Ang sama mo!” Inirapan ko siya.
“Ang OA ah! Sa friend ko lang ‘to birthday niya kasi no’ng Friday kaya lang wala akong gift sa kanya.”
“Friday? Birthday mo ‘yun hindi ba? Wala ka bang regalo sa sarili mo at kailangan mo pang regaluhan?” Nginisian ko lang siya. Isa pa ‘tong babaeng ito eh. Hindi ko alam kung paano mag-isip.
“Naku naman L. Ako lang ba may karapatang mag birthday no’ng Friday? Hindi ba pwede ang ibang tao?”
“Pwede naman, pati ngayon ko lang kasi nalaman na may kabirthday ka pala.”
“Eto na ‘yung strawberries mo. Grabe kung saan saan ko ‘yan hinanap sa fridge nitong room na ‘to.”
“Kaya pala ang tagal mo. J, ako na lang gagawa tapos ikaw na lang ang mag design. Para matapos na tayo.” Nag nod na lang ako. Mukhang inis na din kasi si L ayaw niya pa naman na nasasayang ‘‘yung ingredients niya.
“’Yan tapos na.” After 10 years na tapos ko na ang pag dedesign. Actually simple lang naman siya eh. Hindi naman kasi maarte si Seb, masaya na siya sa mga simpleng bagay lang.
“J, 4:00 na. Nasa gate na ‘yung mga ‘yun. Saan ka ba pupunta?” Ay oo nga pala, nawala sa isip ko ‘yun. Isip... isip... isip... Brain blast!
“Ganito na lang, M. Puntahan mo si Seb sa main gate tapos sabihin mo susunod na lang ako sa farm nila mamaya, mag papasundo na lang ako kay Manong Daniel. Para mapuntahan ko si Arryl sa second gate.”
“Teka, sino si Seb?” Err. Hindi ko pa pala nakukwento kay L.
“M, ikaw na bahala mag kwento kay L ha? I need to go na~!” Kinahon ko na ‘yung cake na ginawa ko, este namin ni L. Half running akong nag punta sa second gate. After 10 minutes nakarating din ako sa dapat kong puntahan. Nakita ko si Arryl nakasandal sa may gilid ng gate, nakayuko, parang ang lalim ng iniisip. “Hoy!” Untag ko sa kanya.
“`Wag ka namang manggugulat.” Natawa ako sa kanya. Gulat na gulat kasi talaga siya eh.
“Ang lalim naman kasi ng iniisip mo eh. May problema ba?” Ngumiti siya at kinurot ‘yung pisngi ko.
“Wala naman.” Napatingin siya sa hawak kong box. “Para sa akin?” Naku lagot. Alanganing umiling ako.
“Ah, eh... Hindi eh.” Napataas ‘yung kilay niya.
“Eh, para kanino yan?” Napalunok ako ng ilang sunod bago nakasagot.
“Sa friend ko. Birthday niya kasi kaya bumili ako do’n sa bakeshop ni L.” Ang sinungaling ko! Tumango tango na lang siya.
“Tara, miryenda tayo. Treat ko. Saan mo gusto?” Nag smile ako kasi nag smile din siya eh. Meron kasing something sa smile niya na gugustuhin mo na lang ding ngumiti. One of his charms.
“Sa Less Fortune Cafe.” Nakangiti kong sagot.
Nag lakad na lang kami tutal malapit lang naman ‘yun sa JCFMU. Ang cute ng cafe na ‘yun, mga orphan student and nagdesign ng lugar. Tapos ‘yung profit nun sa araw araw na kita sa orphanage na pupunta. Kaya gustong gusto ko do’n. Nagkwentuhan lang kami ni Arryl kung what nangyari sa buong maghapon niya, sa buong mag hapon ko. At kung anu-ano pang topic under the sun. Ganyan lang kami palagi, kontento na kami na magkasama at nakakapag-usap ng matagal.
“Jaimee, 6:30 na pala, hindi ka pa ba uuwi?” Tinignan ko ‘yung relos ko.
Shocks! Two hours na kaming nag uusap? Ang tagal na pala. At gabi na, pupunta pa ako sa farm nila Seb. Tinext ko kaagad si Manong Daniel na sunduin ako sa main gate. Hinatid na ako ni Arryl sa main gate, iniwan niya ako kaagad dahil may tumawag sa kanyang kaklase important lang daw. Naintindihan ko naman pati kaya ko naman mag-isa.
“So, siya pala si Arryl, eh sus. Mas gwapo pa ako do’n eh!” Anak ka ng nanay mo! Napatingin ako ng masama kay Seb.
“Ano ka ba Seb!? ‘wag ka ngang mang gugulat!” Teka, si Seb nga ba ‘to? Tinignan ko siya nang maigi. “Seb?” Nag nod lang siya. “Anong ginagawa mo dito? ‘Di ba pinasabi ko kay M mauna ka na sa farm niyo?”
“Oo nga, pero’di ba sabi ko hihintayin kita dito? Kaya ito hinintay kita.” Ibig sabihin... “Ang tagal mo nga eh, two hours kitang hinintay dito, tapos kasama mo lang pala ‘yung boyfriend mo na soon-to-be-ex-boyfriend mo.”
“Sino ba kasi nag sabing hintayin mo ako dito?” Kumunot ng todo ‘yung noo ko. “Di ba nga sabi ko mauna ka na. Susunod na lang ako. Tsaka anong soon-to-be-ex-boyfriend ka d’yan! Hindi mang yayari ‘yun no!”
“Di ba nga rin sabi ko hihintayin kita dito. Tsaka anong gagawin ko sa farm kung wala ka naman do’n? Makikipagdate sa sarili ko?” Tumaas ‘yung kilay niya. “You’ll never know Jai malay mo bukas lang break na kayo.” Inirapan ko siya.
“Magandang idea yan ah? Bakit nga ba hindi mo subukan makipagdate sa sarili mo? Seb, akala ko ba titigil ka na? Hindi nga mangyayari ‘yun okay?”
“Ewan ko sa’yo, Jai. Tara na. At nang matuloy na ang date natin. Two hours mo akong pinaghintay, ang sakit na ng paa ko kakatayo dito.” Medyo nag stretch siya ng konti. Mukhang masakit talaga ang mga paa niya.
“So, kasalanan ko pa? Pwede ka namang pumasok sa kotse mo habang hinihintay mo ako ‘di ba?”
“Hindi ko na naisip ‘yun eh, ikaw lang kasi iniisip ko buong mag hapon.” Bigla akong nag stiff dahil sa sinabi niya. “Uy, namula siya, ‘‘wag mong masyadong dibdibin ‘yun, walang meaning ‘yun.” Wala naman akong iniisip na gano’n ah? Pati nagbablush nga ako? “Tama na nga ‘yang pag bablush mo.” Inakbayan niya ako. Chansing ah! “Tara na sa date natin wifey!”
“Anong date?”