◑ Aldrich point of view ◐
Pagod na pagod akong bumalik sa bench para magpahinga. Nasa fourth quarter na kami ng game nang ilabas muna ako ni Coach dahil kanina ko pa gustong magpahinga.
Nagtalukbong ako ng towel sa ulo ko at yumuko para mabawasan ang ingay ng mga tumitiling babae na nanonood ng game namin. Habang nagpupunas ako ng pawis ko ay nakita ko ang paglapit sa akin ni Limuel.
"Ito na ang tubig mo Aldrich. Ang galing mo talagang mag-shoot. Baliw na baliw na naman ang mga fans mo," nakakalokong sabi ni Limuel. Inabot niya sa akin ang isang mineral water na nasa plastic bottle.
"Tss!" kunot noong kinuha ko ang mineral water sa kanya.
Kanina pa ako nauuhaw kaya naman agad ko itong binuksan at ininom. Nakalahati ko na ang iniinom ko dahil sa pagkauhaw. Tinakpan ko na ito at hinawakan na lang.
"Wala ka bang type kahit na isa sa kanila? Puro chics mga fans mo, eh," pangungulit ni Limuel na tumabi pa sa akin.
Tiningnan ko siya ng masama pero hindi siya natinag. Kaya naman nagsalita at kumilos na ako.
"Huwag kang tumabi sa akin." sabi ko na itinulak pa siya palayo.
Hindi ko gustong may katabi ako lalo na kapag pinagpapawisan ako. Naiinitan at hindi ako makahinga kapag ganoon.
"Bakit ba ang sungit mo, Aldrich? Ganyan ba kapag guwapo, masungit?" natatawang sabi niya.
'Yan ang madalas niyang sabihin sa akin kapag nagsusungit ako sa kanya.
"Kung wala kang matinong sasabihin mabuti pang huwag ka ng magsalita pa!" mariing sabi ko na tinapunan siya ng masamang tingin.
"Kapag ang topic ay napupunta na sa love life mo nagiging mas masungit ka pa. Sige, hindi na kita kukulitin pero pumunta ka sa restaurant ni Benedict mamayang 4 P.M.. May ka-blind date ka." sabi niya na agad na tumakbo palayo.
Naikuyom ko ang kamay kong nakahawak sa mineral water. Kaya nayupi ito at ang tubig na laman ay sumabog. Nagtilian na naman ang mga babae na nasa likuran ko nakaupo.
"Ang cool niya."
"He's strong."
Tumayo na ako sa bench sukbit ang bag ko at naglakad na papunta sa labasan.
"Montecillo!" tawag sa akin ng isa sa mga teammates ko.
"Kaya n'yo ng ipanalo 'yan." sabi ko bago tuluyang umalis ng gym. Itinapon ko sa basurahan ang mineral water na hawak ko pa rin.
Mahina naman ang kalaban kaya hindi na nila kailangan ng tulong ko. Wala na rin ako sa mood na maglaro dahil sa ginawa ni Limuel.
Madalas akong ipa-blind date ng mga kaibigan ko kung kani-kanino. Kaya tuwing ginagawa nila 'yon ay binibigyan ko sila ng tig-iisang suntok.
Hindi na suntok ang ibibigay ko sa kanilang tatlo. Talagang nagsabwatan pa sila para i-blind date na naman ako.
Napapakuyom ako ng dalawang kamay nang makarating ako sa locker room at nagkulong doon. Isang oras na rin akong nakaupo sa sahig bago ko naisipan na mag-shower na.
Nagpalit na ako ng damit na kinuha ko sa bag na dala ko. Suot ko ang black pants, black t-shirt at ang paborito kong red jacket. Pagkalabas ko ng locker room ay napataas ang kaliwang kilay ko.
"Who the hell are you?" tanong ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Mukhang naubusan ng face powder kaya harina na ang ginamit nito sa puti ng mukha.
"Papa Aldrich, puwedeng pa kiss?" tanong ng babae sa akin na humawak pa sa kanang braso ko.
Agad kong tinanggal ang kamay niya. Isa siya sa mga stalker ko na araw-araw na gumugulo sa akin.
"Sa iba na lang." malamig na sabi ko na nilagpasan pa siya.
Tss. Kailan ba siya titigil? Nakakasawa na ang pagbuntot niya.
Hinawakan ko ang strap ng bag ko habang nagtitimpi.
"Papa Aldrich, naman, eh." hinawakan niya ang isang braso ko na parang bata.
Kumulo ang dugo ko at nasagad ang pagtitimpi ko sa kanya na kanina ko pa pinipigilan. Itinulak ko siya sa pamamagitan ng kanang kamay ko para isandal sa wall. Matalim ko siyang tiningnan. Imbes na magulat ay ngumiti pa ito. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya kaya napangiti siya. Unti-unti na niyang ipinipikit ang dalawa niyang mata kaya napangisi ako. Mabilis akong lumayo sa kanya at iniwan siya sa ganoong posisyon.
"Wow, dude ginawa mo na naman 'yon?" amaze at gulat na sabi ni Charlie habang sumusunod sa akin.
"Hayaan mo siyang maghintay sa wala at mapahiya." sabi ko na nagpatuloy lang sa paglalakad.
Madalas kong gawin 'yon sa mga babaeng humihingi ng kiss sa akin kahit hindi naman ako casanova.
"Sayang 'yon dude, chics na 'yon," nanghihinayang na sabi niya na sinabayan na ako sa paglalakad.
"Kanina mo pa kami pinapanood hindi ka na lang umeksena para ikaw ang humalik sa kanya." sabi ko dahil kanina ko pa siya napansin paglabas ko ng locker room.
"Ang talas pa rin ng mata mo. Tsk! ayaw ko sa chic na bigay agad, mas gusto ko 'yung hard to get para challenging." pilyong sagot ni Charlie.
Tss! ang daming alam ng womanizer na ito.
Hindi na ako nagsalita pumunta na ako sa parking lot ng school.
Hindi na ako papasok sa two subjects ko. Nawalan na ako ng gana.
"Saan ang punta mo? Maghahanda ka ba para sa blind date mo mamaya?" tanong ni Charlie na sumusunod pa rin sa akin.
Hinarap ko siya at binigyan ng nakakamatay na tingin.
"Gusto mo bang maunang mabugbog ngayon, Charlie?" may pagbabanta na sabi ko.
Nakita ko ang takot na rumihistro sa kanyang mukha at napaatras pa siya.
"Maraming iiyak na chics kapag puro sugat at pasa ang mukha ko." sagot niya na alanganin ang pagtawa.
Lumapit na ako sa sasakyan at pinindot ang hawak kong car key. Pumasok na ako sa loob at iniwan na si Charlie.
Pagkarating ko ng condo ay itinapon ko sa sulok ang bitbit kong bag saka ibinagsak ang katawan ko sa malambot kong sofa.
"Hanggang kailan ako iba-blind date ng mga mokong na 'yon? Hanggang ngayon iniisip nilang bakla ako kaya hindi ako interesado sa mga babae? Kaya ginagawa nila ang blind date para maging lalaki ako?" naiinis at hindi natutuwa na sabi ko habang nakahiga sa may sofa. Tiningnan ko ang orasan sa taas ng entertainment set ko.
One o'clock pa lang, makaidlip na muna.
Nagising ako ng alas-tres kaya lumabas na ako sa condo ko para pumunta na sa restaurant ni Benedict. Pagdating ko sa restaurant ay puro nakakunot ang mga noo ng tatlong mokong.
"Mukhang bagong gising ka pa dude." puna ni Charlie sa akin.
"May date ka tapos pormahan mo pang gangster? Aldrich naman!" sabi ni Limuel na nakuha pang pagsabihan ako.
"Tara i-gel natin 'yang buhok mo para mukhang tao ka naman sa ka-date mo." sabi ni Benedict.
Lumapit ako sa kanila at binigyan sila ng tig-iisang kutos sa mga noo nila.
"Tigil-tigilan n'yo na pagse-set ng blind date sa akin kung ayaw n'yong manghiram ng mukha sa aso!" banta ko sa kanila.
"Para sa 'yo ito dude." sabi ni Charlie na agad kong sinuntok pero hindi ko pinatama sa mukha.
Nanigas si Charlie na bumagsak agad at gulat na gulat.
"Aldrich muntik mo ng tuluyan si Charlie, ah!" gulat na sabi ni Limuel na inalalayan pang tumayo si Charlie.
"Mabuti pa puntahan mo na ang ka-date mo roon. Late ka na ng ten minutes." sabi ni Benedict na inginuso pa kung nasaan ang ka-blind date ko.
Ano naman kung late ako? Sinabi ko bang gusto ko ito? Pumayag ba ako na makipag-date?
Naglakad na ako papunta sa mesa ng babaeng ka-blind date ko. Maganda siya, makinis, maputi pero napakapula ng labi.
Ano'ng party ba ang pinuntahan ng clown na ito? Nakakatawa ang itsura niya.
"Ikaw ba 'yung ka-blind date ko? Mas guwapo ka sa personal kaysa sa picture," mapang-akit niya akong tiningnan at naglahad pa ng kamay.
Ang tatlong mokong na iyon nagpakita pa talaga ng picture ko!
"Hindi magandang pumunta ka pa sa walang kuwentang blind date na ito." tiningnan ko lang ang kamay niya at saka umupo sa upuan na nakapamulsa pa.
Napansin ko ang tatlong mokong na umupo sa kaliwang side ko na mesa.
Pahiyang binawi ng babae ang kamay niyang nakalahad kanina. Ngumiti siya sa'kin.
What the... ganitong babae pa talaga ang ipinang-blind date sa akin ng tatlong mokong? Humanda kayo mamaya sa akin!
"Anyway, I'm Maria Estoque." malanding pakilala niya sa akin.
Maria ang pangalan niya pero ang landi niya. Dapat Magdalena ang ipinangalan sa kanya mas bagay 'yon. Psh!
"Malinis ka pa ba?" malamig na tanong ko.
Nakita ko ang pagbabago sa mukha niya na ngumiti sa akin na hindi maipinta ang mukha.
"Potek! tama ba ang narinig ko na tinanong niya, dude?" narinig ko ang pag-react ni Charlie.
"Shh!" saway ng dalawang mokong.
"Bakit mo naitanong?" tanong niya sa akin na hindi maipinta ang mukha.
"Tingin ko ay hindi na. Change your name Maria into Magdalena. Mas bagay sa katulad mong.." tiningnan ko siya na parang sinusuri. Magsasalita na sana ako pero bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.
Ngumisi na lang ako sa kanya. Bigla niya akong sinampal na agad kong pinigilan, itinulak ko siya palayo sa akin. Naglapitan ang tatlong mokong na pumagitan na sa aming dalawa. Naglakad na lang ako papunta sa V.I.P. room ng restaurant ni Benedict na parang walang nangyari. Umupo na ako sa couch.
Mayamaya ay pumasok na ang tatlong mokong sa V.I.P. room na tiningnan ako ng hindi makapaniwala.
"Ang harsh mo sa mga babae Aldrich talagang tinanong mo pa siya kung malinis pa basiya?!" sabi ni Limuel na hindi makapaniwala. Sumang-ayon pa ang dalawang mokong sa sinabi ni Limuel.
"Gusto mo bang itanong ko kung ilan na ang naging boyfriend niya at naka-mutual understanding?" wala sa mood na tanong ko.
"Potek naman dude, bakit ganyan ka?" sigaw ni Charlie.
"Sinabi ko na huwag n'yo na akong i-blind date. Kayo itong mapilit." tiim bagang na tugon ko sa kanya na tiningnan sila ng masama.
"Para sa 'yo ang ginagawa namin." saad naman ni Benedict.
Tumayo na ako sa inuupuan ko at lumapit sa kanilang tatlo.
"Kung iniisip n'yo pa ring bakla ako dahil ayaw ko sa mga babae. Nagkakamali kayo! Ang ayaw ko ay mga babaeng flirt, easy to get and easy to have." naglakad na ako papunta sa may pinto dahil gusto ko ng umuwi. "Ulitin n'yo pa ito makakatikim na kayo. Alam n'yo kung ano ang kaya kong gawin." may pagbabantang sabi ko.
"Alam namin na gangster ka." sagot ni Limuel.
"At anak ng makapangyarihang mafia ngayon." dagdag pa ni Charlie.
"Anak sa labas." pagtatama ko kay Charlie.
"Pero kaibigan ka namin kahit pa master ka namin sa gang." sabi pa ni Benedict.
Iniwan ko na sila ng walang sinasabi na kahit ano. Ayokong humaba pa ang usapan.
Tutuparin ko ang pinangako ko sa Mommy ko na malinis na babae ang unang magiging girlfriend ko. Ang unang babaeng hahalikan ko.
Ang Mommy ko ay comatose ngayon. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na magigising pa siya at makikilala niya ang babaeng gusto niya para sa akin.