Chapter 2

1591 Words
Chapter 2 "Hello po everybody!" Todo ngiti si Maria Angela sa lahat ng mga katulong na makakatrabaho niya sa loob ng hoffman mansion. Napakarami nila! Hindi na halos niya mabilang ang mga ito. Sabay sabay naman napangiti ang mga ito dahil masiyahin siyang tao. "Hello Neng welcome sa aming pamilya" Bati sakanya ni Manang Celia. Ito ang pinakamatanda sa lahat ng mga katulong. Mukhang napakabait rin nito. Katabi niya ang kanyang tatay habang pinapakilala siya nito sa mga makakatrabaho niya. Tuwang tuwa naman ang mga ito at halatang welcome na welcome siya "Mang Jose anak niyo ho ba talaga iyan? Parang ang layo ha?" Biro ng isang katulong sa kanyang ama "Hoy anak ko ito ha!" Inakbayan siya ng kanyang tatay na halatang proud na proud pa sakanya. Nagtawanan naman ang lahat. "Ang dami ho pala natin dito parang may okasyon sa sobrang dami natin" Sa tingin niya hindi niya maaalala ang pangalan ng bawat isang kasamahan niya dahil napakadami nila. "Pang forty five ka na sa mga katulong dito sa mansyon. Huwag kang mag alala madali lang ang trabaho dito" "Parang di nga kami nag tatrabaho eh" Komento pa ng isang katulong Todo ngiti siya dahil inaasahan na niya iyon. Panay kasi ang kwento ng kanyang tatay sa kanya noon. Mas malaki pa raw ang sasahurin niya bilang katulong doon kaysa makapagtrabaho siya sa mga opisina sa makati. Kaya hindi na siya nito pinag aral ng college. Nang matapos siya sa high school hindi na siya tumuloy ng college. Tumataginting na thirty thousand a month lang naman ang sweldo ng bawat isa sakanila! At tataas pa raw iyon habang tumatagal ka sa pag sisilbi sa mga hoffman Pagkatapos siyang ipakilala ni Manang Celia sa mga makakasama niyang katulong nagsibalik na ang mga ito sa kanya kanyang pwesto. Ang tatay naman niya sinamahan siya hangang sa malilipatan niyang kwarto. Bawat maid pala doon ay may sariling mga kwarto! Bawat kwarto dalawang maid ang magkasama Kumatok muna ang kanyang ama sa kwarto na kanyang magiging kwarto. Maya maya pa binuksan iyon ng isang babaeng todo ang ngiti sakanilang dalawa. Nakita na niya ito kanina ng ipakilala ito sakanya ni Manag Celia "Hello Mang Jose! Hinanda ko na po ang kama ni Maria Angela" "Hello Berna! Maraming salamat!" "Thanks ate Berna!" "Ate ka diyan! Bata pa ako neng!" Sabay kindat nito sakanya. Sabay silang pumasok ng kanyang tatay sa loob ng magiging kwarto niya. Napakaganda ng kwartong iyon! Dalawang kama ang nasa magkabilang dulo. Halatang malinis rin ang loob ng kwarto "Wow ang linis!" "Aba siyempre neng ako ang makakasama mo kaya malinis talaga ang kwarto natin" "Salamat Berna." Todo ngiting pasasalamat niya. Nabigla pa ito ng yakapin niya agad ito. "Nako Mang Jose malambing pala itong anak mo. Magkakasundo kami" Mukhang natutuwa naman sakanya si Ate Berna Tama pala ang kanyang tatay mababait talaga lahat ng tao sa Hoffmans mansion kaya nga ito tumagal ng sampung taon sa serbisyo. "Oh paano anak babalik na ako sa pwesto ko ha? Kumain ka muna bago kayo mag simula ng trabaho. Salamat uli Berna" Tinapik ng kanyang tatay ang balikat ni Berna "Salamat tay! Kita kits nalang tayo mamaya tay" Niyakap niya ang kanyang tatay bago ito tuluyan lumabas ng kanilang kwarto "Mabait yang tatay mo neng kaya magaan din loob namin sayo." "Salamat po ate berna" "Walang problema. Gusto mo ba kumain ka muna mamaya mo nalang ayusin ang mga gamit mo?" Sunod sunod na pag tango ang ginawa niya. "Sobrang gutom na nga ho ako eh" Natawa nalang ito at sinamahan na siya papunta sa kusina. Napakalayo ng kusina ng mga hoffman kailangan pa nilang sumakay ng elevator . "Grabe parang mall na po itong bahay na to sa sobrang laki" "Sinabi mo pa!" Pagbukas ng Elevator napatingin sila sa dalawang lalaking sasakay doon Nanlaki agad ang kanyang mata dahil dalawang gwapo iyon! Ngunit mas nagpakabog sa kanyang dibdib ang isa sa mga ito. Kakaiba talaga ang tama niya para dito. "Hi Ser Kenjie! Hi Ser Luke!" Bati ni Berna sa mga ito "Hi" Bati naman nung Kenjie at napatingin ito sakanya Samantalang nakangiti lang ng tipid si Luke para sakanilang dalawa bago ito muling yumuko sa pag pindot ng cellphone nito "Hello po mga Ser ako po yung bagong katulong dito." Lakas loob niyang pagpapakilala ng kanyang sarili dahil mukhang mababait naman ang mga ito. Napuno ng mabangong amoy ng mga ito ang buong elevator kaya pasimple siya suminghot sa hangin Ano kayang pabango ang gamit ng mga ito? "Oh really? Hi nice to meet you" Friendly na bati sakanya ni Kenjie "Nice to meet you rin Ser Kenjie and Ser pogi" Pasimple niyang banat upang makuha ang atensyon ni Luke. Busy kasi ito sa pag tutok sa cellphone nito "Oh Oh! Bakit sakanya Ser Pogi?" Pang aasar naman ni Kenjie sakanila ni Luke Napatigin lang si Luke sa kanya at medyo ngumiti lang ito bago ito muling tumutok sa cellphone nito Inakbayan naman ni Kenjie si Luke na para bang gustong asarin ang kapatid "Mas pogi ba to sakin?" Tanong pa ni Kenjie sakanya "Oo Ser! Siya lang pogi sa paningin ko" Banat niya pang muli na lalong nagpatawa kay Kenjie. Napakunot naman ng kaunti ang nuo ni Luke at napansin iyon ni Berna. Kinurot siya ni Berna ng pasimple dahil sa lantaran niyang pag amin ng kanyang feelings. "Nako mga Ser pasensya na kayo dito kay Maria makulit lang talaga ito." "How old are you?" Tanong naman sakanya muli ni Kenjie "Disiotso po" "Pwede" Todo ngisi nitong pang aasar sa kapatid nito bago bumukas ang elevator "Mauna na kami sainyo mga Ser pasensya na Ser Luke lukaret itong si Maria" Hinila na siya ni Berna palabas ng elevator "Bye Maria" Todo ngising paalam sakanya ni Kenjie "Ikaw bata ka malalagot tayo niyan bawal tayo magkaroon ng gusto sa mga amo natin ng lantaran at lalong lalo na bawal tayo mag karoon ng relasyon sa mga amo natin--" "Ate Berna ang layo agad ng iniisip mo. Alam ko naman po iyon" Natawa tuloy siya at medyo kinilig dahil sa naisip nito "Gutom ka lang sigurong bata ka." Inakbayan niya si Ate Berna "Siguro nga ate Berna." Pagdating nila sa kusina naparaming pag kain roon. Marami rin mga katulong ang kumakain habang nanunuod pa ng TV ang mga ito "Hello neng! Halika kain kayo ni Berna" Agad naman silang kumain "Ang daming pagkain grabe tataba ako rito!" "Lahat kami nagsitabaan talaga dito neng!" Pagkatapos nilang kumain nag sibalikan naman ang mga ito sa kanya kanyang trabaho "Manang Celia si Maria Angela nalang ang utusan mong maglinis ng kwarto ni Ser Luke" Suwestyon ni Berna kaya napatingin siya dito. Kinindatan lang siya nito kaya napangiti siya ng husto "Osige pero mamaya pa kasi papasok pa iyon sa skwelahan. Gusto kasi ni Ser luke naroon siya pag may naglilinis" Lalo naman lumapad ang ngiti niya. "Unahin mo muna linisin ang living room samahan mo muna sila Berna doon" "Okay po Manang Celia!" Magkaholding hands pa sila ni Berna papunta sa living room. "Salamat ate Berna" Bulong niya "Halata ko kasi malakas tama mo kay Ser Luke eh" "Ang pogi kasi!" Naghagikgikan pa silang dalawa bago sila nag umpisang mag linis ng living room kahit napakalinis naman ng mansyon Hindi na napansin ni Maria ang pag takbo ng oras narinig nalang niyang pinapatawag siya ni Manang Celia "Manang Celia tawag niyo raw ho ako?" "Oo neng nandiyan na si Ser Luke. Room 409 ang kwarto niya doon sa forth floor anak. Pwede mo na umpisahan mag linis bago tayo mag hapunan" "Now na po ba? Pwede po bang maligo muna--" "Bakit ka pa maliligo?" Napanguso siya "Amoy pawis na ho ako Manang Celia. Nakakahiya naman ho kay Ser Pogi este kay Ser Luke" "Osige bilisan mo lang para matapos mo agad ang pag linis at makatulong ka sa pag luto ng hapunan" "Opo!" Tumakbo na agad siya papunta sa kwarto nila ni Melva Agad siyang naligo ng mabilisan at nagpalit ng damit. Mabuti nalang wala silang uniform sa bahay na iyon dahil ayaw raw ng mga hoffman na ituring sila bilang mga katulong. Para daw sa amo nila kapamilya na ang turing sakanila Kaya naman simpleng white tshirt at leggings na kulay itim ang kanyang suot. Nagsipilyo rin siya ng ngipin. Bago siya nagmadaling sumakay ng elevator paakyat sa forth floor kung saan ang kwarto ni Luke Basa basa pa ang kanyang buhok pero ayos lang iyon dahil ayaw niyang mapagalitan siya ni Manang Celia. Thankful na nga siya at pinayagan siya nitong maligo dahil galing probinsya pa ang amoy niya kanina. Paglabas niya ng elevator sakto naman may taong papasok roon kaya nagkabunguan sila. "Aww!" Nasaktan ang kanyang nuo dahil doon "Oh sorry" Napatingin agad siya sa taong nakabungo niya dahil naamoy niya ang familiar na pabango nito at higit sa lahat ang napakagandang boses nito Agad siya napatayo ng tuwid at automatiko siyang napangiti "Ser pogi!" Bati niya Ngumiti lang ito ng tipid. Lalagpasan sana siya nito para pumasok sa loob ng elevator "Ay Ser pogi papunta po ako sa kwarto mo dahil ako yung inutusan ni Manang Celia para maglinis ng kwarto mo" Napakunot ang nuo nito "You?" "Opo Ser Pogi.." Todo ngiti niyang sagot Aba siyempre naman confident siyang ngumiti dahil kakasipilyo niya lang at higit sa lahat alam niyang maganda siya kapag nakangiti. Asset niya raw kasi ang kanyang maputi at pantay pantay na mga ngipin. Sabi pa nga ng iba kapag ngumingiti raw siya para daw siyang artista sa commercial ng toothpaste. "Okay" Pinagpatuloy nito ang pag pasok sa elevator "Wait Ser Pogi saan ka pupunta? Wala akong susi ng kwarto mo" "It's not locked" "G-Ganon po ba? E-e-Eh saan ka pupunta?" Pangungulit niya "Why?" Kunot nuong tanong nito sakanya. Mukhang nakukulitan na ito kaya umatras nalang siya "W-Wala naman Ser pogi gusto ko lang sabihin mag iingat ka" Tumalikod na siya at hindi na niya tinignan ang reaksyon nito Napanguso nalang siya dahil nawala ang excitement niya sa pagpasok sa loob ng kwarto nito. Paano ba naman wala naman ito roon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD