PAGHAHARAP

2302 Words
“Althaia halika na bilisan mo dyan.” Hindi pa nga ako nakakaligo pero heto at kumakatok na si Vera sa pintuan ng aking silid. “Sandali maliligo pa ako.” Sigaw ko sa kanya at nagpasyang hindi s’ya pagbuksan dahil siguradong mamadaliin lang ako nito sa pag-aayos ng sarili. “Sige bilisan mo hihintayin na lang kita sa baba.” Mabuti na lamang at nakisama si Vera. Ako yung tipo ng tao na kapag minadali ay lalong nawawala sa hulog kung ano ang dapat kong gawin. Sanay ako na may pattern ang lahat ng aking ginagawa upang hindi ko makalimutan ang bagay na dapat kong gawin. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad kong kinuha ang aking tuwalya upang maligo. Si Vera naman ang tipo na mainipin kaya malamang na susumbatan ako nun mamaya kapag tinagalan ko pa ang aking pagkilos. Naiintindihan ko naman ang aking kaibigan lalo at ngayon na lamang ulit kami makakalabas ng magkasama. Tiyak na madami na naman s’yang gusting gawin kapag nagkataon. Parehas naming gusto ang gumawa ng mga kakaibang Gawain kapag magkasama lalo at gusto namin ang isang bagay. Iyon din ang dahilan kung bakit naging madali para sa amin na magkasundo kahit pa nga magkaiba ang estado ng buhay namin. Pasalamat din ako sa mahal na hari dahil lumaking mabuting tao si Vera kahit maagang nawala ang nanay ng aking kaibigan. Hindi nagging hdlang kay Vera ang katayuan naming sa buhay para maging kaibigan ko s’ya. Sabagay ay hindi na iyon nakapagtataka dahil likas na mabuting tao din si King Daeyn. Binilisan ko lang ang aking pagligo dahil sigurado akong sabik na ang aking kaibigan na naghihintay sa baba. Simpleng kasuotan lamang ang aking isinuot para handa ako kapag may naisip na gawin si Vera mamaya. Nasa hagdanan pa lamang ako ay masama na ang tingin sa akin ni Vera. Iisa lamang ang ibig sabihin ng tingin na iyon at dahil iyon sa kanina pa s’ya naghihintay sa akin. “Huwag mo akong tignan ng ganyan dahil wala akong sinabi sa’yo na ganitong oras tayo aalis ngayon.” Sabi ko sa kanya at pinanlakihan ko pa s’ya ng aking mata. “Syempre excited akong umalis kasama ka.” Nag-pout na naman s’ya dahilan para pagtaasan ko s’ya ng kilay. Hindi ako nito madadaan sa kanyang pagpapa-cute sa akin dahil matagal na itong walang epekto sa akin. Hinila ko na si Vera palabas ng palasyo upang matigil na din ito sa kanyang ginagawa. Agad umaliwalas ang mukha nito nang tuluyan na kaming makasakay ng karwahe na maghahatid sa amin sa sentro ng kaharian. Ang totoo ay wala kaming plano kung ano ang aming gagawin ngayong araw pero dahil si Vera ang kasama ko ngayon ay tiyak kung may gagawin kami bukod sa pamamasyal. Sa tingin ko ay madaming baon ang aking kaibigan ngayon upang wala s’yang makaligtaan na bilhin kapag may nagustuhan s’yang bagay. Tiyak na matutuwa si Vera sa kanyang mga makikita dahil madami na naman bagong gamit ang kanyang makikita sa pamilihan. Napangiti ako sa isipin na magiging masaya si Vera ngayong araw. Hindi ko man masuklian si King Daeyn sa ginawa nitong pagkupkop sa akin ay sisiguraduhin kong maibabalik ko naman iyon kay Vera. “Dinala ko na halos lahat ng nasa banga ko.” Kasalukuyan nitong inaalis sa kanyang bag ang isang malaking lagayan ng kanyang kayamanan. Tama nga ang sinabi ko kanina na magdadala ito ng madaming baon para ngayong araw. “Itago mo na muna malayo pa naman tayo.” Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa kanyang hitsura. Para s’yang bata na ngayon lang ulit makakapunta sa palaruan kaya halos mapunit ang labi nito sa kanyang pagngiti. “Nararamdaman mo ba kung gaano kalaki ang saying nararamdaman ko ngayon?” Nanlalaki ang mata na tanong nito sa akin. Malamang ay nararamdaman ko iyon dahil masyadong halata ang kanyang saya. Ito ang gusto k okay Vera dahil hindi ito kailanman humingi sa akin ng sobra dahil alam naman nito ang aking kakayahan pagdating sa ganung bagay. “Siguradong mas magiging masaya ka pa mamaya dahil madaming bagong gamit na nakita ko nung lumabas kami ni Deimos.” Masayang balita ko sa kanya. Kung pwede lang naming paliparin ang karwahe para mas mapabilis ang pagdating namin sa pamilihan ay siguradong gagawin ko. “Hala talaga ba, naku mabuti na lamang at madami akong dinalang baon ngayon.” Muli pa nitong sinilip ang kanyang bag kung saan naroon ang bugkos ng kanyang kayamanan. Mabuti na lamang at prinsesa s’ya ng kaharian kaya walang nangangahas na pag-interesan s’ya. Mabubuti din kasi ang mamamayan ng Daesyn kaya hindi nangyayari ang ganung sitwasyon. Maliban na lang siguro kung may dayuhan na nakakapasok sa kaharian. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa b****a ng pamilihan. Hindi na maaring pumasok ang mga karwahe sa bandang iyon dahil hindi sila kasya. Ang maganda ditto sa sentrong pamilihan ay makikita mo at madadaanan ang lahat ng mga tindahan dahil naglalakad ka lang. Hindi nga lang maganda ang magiging kinalabasan dahil siguradong mapapagod ka sa walang katapusan mong paglalakad. Gayunpaman ay siguradong magiging masaya ang iyong araw lalo na kapag kasama ang mahal mo sa buhay na gumagala sa lugar. “Bilisan mo maglakad Althaia.” Sigaw sa akin ni Vera dahil malayo na agad ang agwat naming dahil sa mabilis nitong paglalakad. “Ano ka ba mahaba pa ang araw at saka mapapagod ka kaagad kapag naglakad ka ng mabilis.” Sagot ko sa kanya na pasigaw din at inalintana ko ang sinabi nitong magmadali ako sa paglalakad. “Hay naku hihintayin kita sa paborito nating tindahan.” Muling sigaw nito at hindi man lang hinintay ang aking sagot. Ipinagpatuloy na nito ang kanyang mabilis na paglalakad na may kasama pa na pagtalon. Hindi s’ya kilala ng ibang mamamayan ng Daesyn kaya pinagtitinginan s’ya ng ibang tao na kanyang nadadaanan. Napasapo na lamang ako sa aking noo at hindi na pinansin kung ano ang ginagawa ng kaibigan dahil parang bata na naman ito ngayon. Kung hindi ko lang kaibigan si Vera ay baka iniwan ko na s’ya at nagpasya na lang na umuwi. Natatanaw ko pa naman s’ya pero patuloy lang ako sa normal kong lakad. Ayokong pagudin agad ang sarili dahil kilala ko si Vera. Madalas ay may gusto itong gawin kung kalian ubos na ang aking enerhiya at iyon ang hindi ko papayagan na gawin n’ya ngayon. Hangga’t maaari ay kailangan kong panatilihin ang aking enerhiya para sa mga hindi inaasahang pangyayari lalo at nasa sentrong pamilihan kami ngayon. Ang isa sa aking dahilan ay madalas na dito nagtutungo ang mga halimaw. Matatawag na akong mandirigma kaya kailangan kong maging alerto lagi lalo na kapag nandito sa lugar na ito. Muling sumagi sa aking isip ang babae na nakita ni Deimos ngunit biglang nawala. Ano kaya ang ginagawa ngayon ng lalaki. Sana ay matagpuan na nito sa mas lalong madaling panahon ang babaeng iyon upang matahimik na s’ya. Sana pala ay sinama ko na lang din s’ya ngayong araw kaya lang ay tiyak kong magtatalo lang sila ni Vera. “Althaia bilisan mo!” Medyo malapit na ako kay Vera kaya nagsisisigaw na naman ang aking kaibigan. Sa hitsura nito ngayon ay tila naiinip na sa paghintay sa akin. Napansin ko na may hawak s’yang kung anong bagay sa kanyang dalawang kamay na malamang ay ipapakita siguro nito sa akin kaya ako pinagmamadali. “Oo na heto na nga malapit na.” Nilakihan ko na ang paghakbang dahil pinagtitinginan na naman si Vera ng mga dumadaan sa kanyang gawi dahil sa napakaingay nitong bibig. “Hays bakit nga ba kita naging kaibigan.” Hindi ko maiwasang tanong sa sarili. Nanlaki din ang aking mga mata nang makita kung ano ang hawak ng kaibigan. Sobrang ganda nito dahilan para hindi ko maiwasan ang sabayan si Vera sa kanyang nararamdaman ngayon. “Oh diba ang ganda?” Masayang tanong nito sa akin. Syempre tumango ako dahil maganda naman talaga ang hawak nito.  Hindi na nagdalawang isip si Vera at agad na binili ang bagay na iyon. Nagulat pa ako nang maglabas ng isa pang bag si Vera upang paglagyan ng kanyang mga bibilhin. Tiyak na madami itong hahakutin mamaya at siguradong madami din akong bibitbitin gawa ng kanyang mga pinamili. Kung tutuusin ay madami na kaming napuntahan ni Vera pero tila hindi pa din nauubusan ng enerhiya ang aking kaibigan. Naalala ko na hindi nga pala kami kumain bago umalis kaya inaya ko na ang kaibigan kahit tila ayaw pa nitong kumain. Wala s’yang magagawa dahil nagwawala na ang aking mga alaga. Dahil na din sa gutom kaya sa pinakamalapit na resto na kami nagpunta kung saan ang kasalukuyan naming puwesto. “Nasabi ko na ba sa’yo na may hinahanap  si Deimos?” Pag-uumpisa ko ng aming usapan. Tila ayaw pa nito kumain kanina pero heto at halos hindi na maistorbo sa kanyang pagkain. Natauhan siguro nang makakita ng pagkain kaya biglang nagutom. “Sino naman at bakit n’ya hinahanap?” Mabuti na lang at pinansin nito ang aking sinabi kahit hindi sa akin ang kanyang atensyon dahil sa ginagawang pagsubo. “May nangyaring pagsabog nung nakaraan na lumabas kami ni Deimos at nagtungo dito sa pamilihan. “ Hindi ko pa nga natatapos ang aking nais sabihin ay bigla na itong nagsalita at mataman na nakatingin sa akin ngayon. “Sandali bakit hindi ko nalaman ang tungkol doon?” Nakakunot pa ang noon a tanong nito sa akin. Isa si Vera bilang prinsesa ng kaharian na nakakatanggap agad ng report kapag may kakaibang nangyari sa kaharian ng Daesyn kaya ganito na lamang ang reaksyon n’ya sa aking sinasabi. “Sandali nga mag-relaks ka muna.” Pagpigil ko sa kanyang reaksyon ngayon dahil baka iba pa ang isipin nito kapag nagkataon. Nakinig naman s’ya at tinanguan pa ako na tila sinasabing ipagpatuloy ko na ang aking kuwento. “Mahinang pagsabog lang ang nangyari saka nandito naman kami ni Deimos nang mangyari iyon. Isa pa ay tinignan ng mabuti ni Deimos ang lugar kung saan nangyari ang pagsabog at doon n’ya nakita ang isang babae na biglang nagtago nang makita s’ya.” Dire-diretsong kuwento ko sa kanya. “Ang ibig mong sabihin ay babae ang nakita ni Deimos doon sa halip na kaaway?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Hindi na ako magtataka dahil ganun din ang aming reaksyon ni Deimos. Tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong. “Paano nangyari yun?” Hindi pa din nawawala sa kanyang mukha ang pagtataka. Malamang ay ito din ang unang beses na narinig n’ya ang pangyayaring ganun. “Hindi din namin alam dahil malaking misteryo din iyon sa amin lalo at ngayon lang ito nangyari.” Tinapos ko na ang aking pagkain at uminom na din agad ng tubig. “Kung ganun ang sinasabi mo na hinahanap ni Deimos ngayon ay ang babaeng nakita nito na biglang nawala?” Nagsisiguradong tanong ulit nito sa akin. “Oo s’ya nga, ang totoo ay kahapon pa hinahanap ni Deimos ang babae pero hanggang ngayon ay hindi pa din n’ya nakikita.” Malungkot na sagot ko sa kanya. Hindi ko nais na ubusin ni Deimos ang kanyang oras at lakas dahil lamang sa paghahanap. Hindi ko naman mapigilan ang lalaki dahil ganun s’ya kapag nais tapusin ang kanyang nasimulan. “Hayaan mo malalaman din natin ang tungkol sa babaeng iyon magtiwala ka lang.” Seryosong wika ni Vera sa akin na kasalukyan na din tinatapos ang kanyang pagkain. Tumango na lang ulit ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Sana nga ay makita na ulit ni Deimos ang babaeng iyon upang masagot ang aming katanungan. Nagpahinga lang kami saglit dahil ipagpapatuloy pa namin ni Vera ang pamamasyal sa pamilihan. Kahit hindi ko tanungin si Vera ay alam kong iyon ang aming gagawin dahil hindi pa nito napupuno ang bag na dala para sa mga bibilhin n’ya. Medyo nakakaramdam na ako ng pagod dahil sa walang tigil na paglalakad pero kabaligtaran ko si Vera dahil mukhang hindi ito uuwi hangga’t hindi n’ya nalilibot ang lahat ng tindahan upang tignan ang kanilang mga binebenta. Literal na walang pinapalampas ang aking kaibigan at kulang na lang ay halos magtungo na din ito sa palengke. “Althaia bilisan mo!” Sigaw nito sa akin dahil kasalukuyan akong tumigil upang mapahinga saglit. Ang totoo ay hindi ko na mabilang kung ilang beses n’ya akong sinigawan ng parehas na salita. Tinignan ko lamang s’ya at bahagya akong nagulat dahil may nakabangga s’ya nang biglang tumingin sa kanyang harapan. Mabilis akong lumapit sa kanya upang masiguro ang kanyang kalagayan maging ang babae na nakabangga nito. “Vera ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ko sa kanya. “Althaia tulong.” Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kanya dahil hanggang sa kanyang pagkatumba ay hindi nito binitawan ang hawak na bag na may lamang ng kanyang pinamili. Tinulungan ko na lang s’ya na makatayo at hindi na pinansin ang hitsura nito. Mukhang maayos naman ang kanyang kalagayan kaya inilahad ko ang aking kamay upang tulungan din sa pagtayo ang babaeng nakabangga ni Vera. Hindi ko tiyak kung gaano sila kalakas dalawa at parehas silang bumagsak mula sa pagkakabangga. Ganun na lamang ang panlalaki ng aking mata nang masilayan ang mukha ng babae na kasalukuyan ng nakatayo at mataman ang pagkakatingin sa akin. “A-Althaia ang pangalan mo hindi ba?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD