DEDAY'S POV Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang sakit nang puso ko. Alam ko na kahit siya ay na tigilan din no'ng makita ako. Pero dahil balewala lang ako sa kanya ay wala akong nakitang kahit na anong emosyon sa mga mata niya. Pinilit ko na maging normal sa harapaan nila. Siya 'yong babae na nakita namin sa Griffin. Alam ko rin na may malalim silang koneksyon. Nahalata ko kaagad 'yon noong nasa restaurant kami. "Magandang gabi po," bati ko sa kanila habang pinipilit na pasiglahin ang boses ko. "Hi, Good evening. I'm Cassandra you can call me Cassy, and you are?"nakangiting sabi niya sa akin. "Desra po, maid po ni Senyorito Kallix," pakilala ko sa kanya. Tumingin ito kay manong ng may pagtataka. "You hired a maid now?" May halong pang-uuyam na tanong nito kay manong at mah

