DEDAY'S POV Alam ko na hindi siya naniniwala sa sinabi ko na kinamot ko lang ang pisngi ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na sinampal ako ng ex niya. Dahil sa practice hindi pa kami nag-usap ni Joseph. Siguro sa monday ko na lang siya kakausapin. Sa ngayon ay nilalasap ko muna ang sarap ng ihaw-ihaw na binili namin. Habang kumakain kami ay bigla na lang siya kumuha ng isaw ko. Bigla na lang ako nainis at umiyak. Ang sarap kasi ng isaw na tinitinda ni kuya sa labasan. At gusto ko na ako lang ang kakain. "Babe.." Tawag niya sa akin. Nandito na kami ngayon sa silid namin dahil matutulog na kami. "Babe, nagagalit ka pa rin ba sa akin?" Tanong niya ulit dahil hindi ko siya pinansin. "Puwede ba akong matulog sa kabilang kwarto?" Tanong ko sa kanya. "What?" Kumunot ang noo niya haban

