KALLIX POV Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. She's kissing me. "Why are you kissing me?" tanong ko sa kanya habang nakangiti. "Hmm, Thank you kiss ko kasi binili mo ako nang pants at 'sang katirbang sanitary pads," nakangusong sagot niya sa akin. "Tskk!" Kunwaring asik ko sa kanya. "Labas na ako ha! saka dito na muna 'yong mga ito nakakahiya kapag dala ko pa 'yan sa next class ko," paalam niya sa akin. "Babe, sabay na tayo mag-lunch," saad ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin. "Hindi po puwede," sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. "Why?" tanong ko sa kanya. "Kasi po baka may makakita sa atin. Sabay na lang tayo mamayang gabi," nakangiting sabi nito. Lumapit din ito at hinalikan ako ulit kaya binuhat ko siya at pinailalim ang halik. "Wrong timing talaga 'yong dalaw mo babe,"

