DEDAY'S POV Pagdating namin sa bar ay sinalubong kami ni Stephen. "Wow! Is that you Desra? Ang ganda mo sobra," may paghanga sa mga mata niya. Literal na napa O pa ang bibig niya sa gulat. Nahiya naman ako bigla. Pero wala na akong magagawa dahil nandito na ako at tumakas lang talaga ako. "O-oo," nahihiyang sagot ko sa kanya. "Let's go na guys! It's time to party!!" Sigaw ng mga kaibigan niya. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko ngayon. Nakikita ko na masaya sila. Kaya naisip ko na magsasaya rin ako ngayon. "Tara na," saad sa akin ni Stephen. Nagulat ako sa nakita ko dahil ang daming taong nagsasayaw. Habang nag-iinuman. Nang tumingin ako sa ibang parte ng bar ay may mga naghahalikan sa sulok. Napalunok tuloy ako. Napaisip ako bigla kung tama ba ang desisyon ko na pumunta dito.

