At 'yon nga, umaga na nang magising ulit ang babaeng binabantayan ko. Nasa loob na'ko ng kwarto niya, may benda ang magkabilaang balikat nito. Napabalikwas ako ng bangon nang makita kong nakaupo lang si Nelrose at tulala pa. Lagpas-lagpasan ang tingin nito. "N-Nelrose?" Pumalahaw bigla ng iyak ang babae nang yugyugin ko. Binabantayan ko siya pero nakatulog na rin pala ako katabi niya. Tama ang sinabi ni Tatay Herming, may nangyayaring hindi namin alam. Kailangan kong magmadali. Wala na kaming panahon! Habang tumatagal, lalo lang nagiging komplikado ang lahat. "Matulog ka, Nelrose. Kailangan mong bumawi ng lakas, alas singko pa lang ng madaling araw." Halos kakapikit ko lang din pero nagising ako dahil sa kanya. "M-mahiga ka." "A-Ayoko!" Lumakas lalo ang iyak ng dalaga na may kasamang p

