DRIANNE
“Alam mo may nakabanggaan akong lalaki last time. Ang weird niya. Takip na takip ang buong mukha na para bang ayaw niyang may makakita niyon. Imagine nakasuot ng cap na nga may hood pa. Nakasuot din ng shade. Mukha siya tuloy may lagnat sa suot niya.” Kwento ko kay Lessandro nang magkita kami sa school.
“Oh, really?” Hindi makapaniwalang sabi nito. “Dapat huwag kang umuuwing mag-isa. Ikaw pa naman ay panay kang umuuwing mag-isa. Ayaw mo kasing sumabay sa akin.” Dagdag pa nito. Napairap ako sa kanya.
“Panong sasabay ako sa iyo? Kasama mo ang selosa mong girlfriend. Kaya nga umiiwas ako sa gulo.” Tinawanan niya lang ako.
“Bakit kasi pinapansin mo ’yon? Ako pa din ang nasusunod sa aming dalawa. Kaya next time kapag wala kang driver ako na maghahatid sa iyo.”
“Bahala ka na nga.”
Inakbayan ako ni Lessandro. “Good.” Nagpapasalamat ako dahil may kaibigan akong concern sa akin.
Habang nakahiga ako sa kama biglang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko ang phone na nasa ibabaw ng side table. Nangunot ang noo ko nang makitang number lang ang naka-register. Ganoon pa man sinagot ang tawag ng taong iyon.
“Sino ito?” tanong ko ngunit malalim paghinga lang ang naririnig ko sa background.
“Kung hindi ka magsasalita tatapusin ko na itong tawag.” Inis na sabi ko. Ang lakas ng loob tumawag sa akin tapos hindi naman magsasalita.
“Hi.” Sagot ng lalaki. Natigilan ako. Sa hindi malamang dahilan ay nanindig ang balahibo ko sa mababa niyang boses.
“S-sino ka? Paano mo nalaman ang number ko?” tanong ko sa lalaki.
“Sabihin na lang nating hinulaan ko.” Napatirik ako ng mata.
Talaga lang. Ito yung mga taong walang magawa sa buhay, makikipag-text at kapag nakuha na ang loob at hulog na ang babae ay saka iiwan.
“Sorry, pero wala akong balak makipag-usap sa stranger at saka strict ang daddy ko pagdating sa mga kinakausap kong hindi ko naman kilala.” Mataray na sabi ko sa lalaki. Natawa lang nang mahina ang lalaki.
“I am not a bad guy. By the way I am Fonci.” Pakilala niya sa sarili. Hindi muna ako nagsalita at nag-isip ako kung kakausapin ko pa ba ang lalaki.
“Okay.” Tipid na sagot ko.
“Yun lang?”
“Wala akong balak na kausapin ka pa ng matagal. I am so sorry.” Hinging paumanhin ko at tinapos ang tawag.
Nakatanggap ako ng message at mukhang sa lalaki iyon. Hindi ko pinagkaabalahang basahin dahil wala akong balak.
Kinabukasan ay para akong may nagawang kasalanan dahil patingintingin ako sa paligid ko at baka nasa paligid lang ang lalaking nakausap ko kagabi. Mabuti na lang kasama ko ang mga kapatid ko kaya medyo panatag ang loob ko. Kahit pasaway at masungit ang mga kapatid ko, ngunit pagdating sa pagbabantay sa akin ay maaasahan sila.
“Bilin ni Daddy kailangan wala kang ibang kasama kung hindi si kuya Lessandro. Kung hindi ay mananagot ang kasama mong lalaki.” Nangunot ang noo ko sa sinabi ng kapatid kong si Coby. Napairap ako sa kanya.
“Mananagot din sa akin iyan,” sabi naman ni Jack.
“Pwede ba kayong dalawa huwag masyadong praning. Wala naman akong ibang kasama kung hindi si Lessandro. Ano’ng pinagsasabi niyong meron iba akong kasama? Pumunta na kayo sa room niyo,” utos ko sa dalawa. Seryosong tingin lang ang ginawa ng dalawa at tinalikuran na nila ako.
Napapairap na lang ako at nagsimula nang maglakad. Habang papunta sa room namin ay parang may naramdaman akong parang may sumusunod sa akin. Napalingon ako, ngunit mga estudyante lang na nagmamadaling maglakad patungo sa kanilang room. Napatingin ako sa pambisig kong relo. Maaga pa naman na magmadali.
Nagpasya akong dumaan sa canteen namin para bumili ng inumin ko. Nakalimutan kong dalhin ang lagayan ko ng tubig. Papasok na sana ako nang may makabanggaan akong tao. Napagilid ako sa isang tabi. Napatingin ako sa taong nabangga ko.
Natulala ako sa mukha niya dahil parang may kamukha siya. May pumitik sa harap ko kaya natauhan ako.
“Para kang nakakita ng multo.”
Napatingin ako sa nagsalita. Si Lessandro. Akala ko ibang tao na. Siya lang pala.
“Ano’ng ginagawa mo rito sa canteen? Kakain ka?” Tanong niya. Umiling ako.
“Bibili lang ako ng tubig. Nakalimutan ko kasing dalhin yung water bottle ko kasi nagmamadali ang kambal. Nakakainis ang dalawang iyon. Kung makabakod mas malala pa kay Daddy. Kung makapagsabi na may lalaki raw akong kasama. Pinagbantaan pa ako ng dalawang iyon.” Inis na sabi ko.
Natawa si Lessandro. “Ayaw mo nun may bodyguard ka. Safe ka sa mga bully dyan,” aniya.
“OA naman ang dalawang iyon kung mag-isip sa akin. Ikaw lang naman ang kasama ko at wala ng iba,” sabi ko. Inakbayan ako ni Lessandro at hinagkan ang ibabaw ng ulo ko.
“Hayaan mo na at baka concern lang ang dalawang bodyguard mo. Mabuti nga hindi pa kasali ang dalawang si Adrian at Jackson. Mabuti nga medyo mabait pa ang dalawang iyon compare kila Coby at Jack. Sobrang sungit at suplado. Naalala mo noong nagpunta ako sa bahay niyo parang gusto nila akong suntukin. Akala mo naman ang laki nilang tao kung makaamba ng suntok, eh?” Natatawang kwento ni Lessandro. Hindi ko rin maiwasang matawa nang maalala iyon.
Manang-mana ang mga kapatid ko sa aming Daddy na sobrang higpit sa amin at mas lalo sa akin. Mabuti naman akong anak, pero parang wala siyang tiwala sa akin. Sa totoo lang hindi naman ako masyadong lumalabas, school at bahay lang ako. Hindi naman kasi ako mahilig lumabas lalo kapag weekend, unless kasama ko si Mommy at ang mga kapatid ko.
“Hindi mo yata kasama ang nobya mo?” tanong ko sa bestfriend ko.
“Wala na kami.”
Nagulat ako sa sinabi niya. “Bakit naman?”
“Huwag na nating pag-usapan ang babaeng iyon. Hindi niya deserve na pag-usapan,” sabi niya. Hindi ko na lang siya pinilit. Baka heartbroken ang kaibigan ko.
Papunta na kami sa counter nang may nakasalubong kaming lalaki na natitig sa akin. Kita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya na nagpakilabot sa akin.