Madugong aksidente

1011 Words
Chapter 6 Pagkagaling sa mall ay agad na umuwi na si faith matapos niya bumili ng mga kakailanganin niya sa kusina naisipan niya kasing ipagluto ng paboritong pagkain ang kanyang nobyo ng gabi na yun ,habang pauwi siya ay kausap niya sa phone si sergio dahil tumawag ito sa kanya na ipinapaalam na malalate siya nang dating kaya hindi siya nasundo ng nobyo,patawid na sana siya sa kalsada upang pumunta sa sakayan ng jeep ng biglang dumaan na sasakyan na pagewang gewang at nahagip siya,tumalsik siya sa lakas ng pagkabunggo sa kanya at tumama ang kanyang ulo sa semento na sanhi ng pagkawala ng malay niya, Sa kabilang linya naman ay narinig ni sergio ang malakas na pagpreno at sigaw ng kanyang kasintahan,hello siya ng hello sa kabilang linya pero walang sumasagot sa kanya at may naririnig siyang boses na umiiyak na humihingi ng sorry,panay sorry hindi ko sinasadya ang naririnig niya sa kabilang linya,kaya naman pinatay niya ang tawag at pinuntahan ang nobya. Kahit ako ay nanghihina,natatakot,nahihilo ay bumaba ako sa kotse para tignan ang aking nabangga at Nakita ko ang babae na nakahandusay sa kalsada at naliligo ito ng sarili niyang dugo,sinubukan kong hawakan ang babae at panay ako Hingi ng sorry sa kanya,sorry ako ng sorry kahit alam kong hindi na niya ako naririnig,kahit gusto ko siyang tulungan ay hindi ko nagawa dahil nahihilo din ako at Nakita ang papalapit na tauhan ng aking ama amahan,kaya agad ako bumalik sa aking sasakyan at pinaandar,pinatakbo ko ng mabilis ang aking sasakyan Habang kinakapa ko ang aking cellphone sa loob ng aking bag,nang makapa ko ito ay agad kong dinial ang numero ni franco at agad kong tinawagan,agad naman nito sinagot ang aking tawag at sinabi ko kung saan ako at pagtingin ko sa harapan ng minamaneho kong sasakyan ay nagulat ako sa pagsulpot ng isang truck, mabilis kong kinabig ang aking manibela pakaliwa at dumiretso ako sa malaking puno at dito ako bumangga,hanggang tuluyan ng kinain ng kadiliman ang aking mata. Pinaharurot ni sergio ang kanyang sasakyan papunta sa mall na pinuntahan ng kanyang nobya,habang mabilis akong nagmamaneho ay palinga linga ako sa daan at napansin ko ang mga nagkukumpulang tao sa kalsada at agad akong lumabas ng aking sasakyan,sumingit ako sa mga tao at naki usyoso sa nangyayari ng matigilan at makilala ko ang tao na nakahandusay sa semento na naliligo ng sariling dugo agad kong nilapitan ang aking nobya at niyayakap habang sinisigaw ko ang kanyang pangalan,agad ko itong pinangko at dinala sa aking sasakyan na may pagmamadali sa aking kilos nanginiginig ang aking buong katawan sa aking nasaksihan at kalunos lunos na nangyari sa aking nobya,sinisisi ko ang sarili ko kung bakit hindi ko Sinundo kanina sana hindi nangyari ito sa kanya kasalanan ko ito kung bakit Dko siya nasundo,hindi ko na namalayan tumutulo na pala ang aking luha. Pagkarating namin sa hospital ay agad akong lumabas ng aking sasakyan at binuhat ang walang malay na aking fiancee,agad naman kaming nilapitan at agad Namin tinakbo sa emergency,agad nilang isinara ang pinto ng nakapasok na sila sa loob at ako na lang ang naiwan sa labas,damn it!!! damn it!!! sinuntok ko ng sinuntok ang pader hanggang dumugo ang aking kamao,sinsisisi ko ang sarili ko dahil pinabayaan ko siya umuwi mag isa, Samantala magkasunod lang isinugod si faith at ghaye sa isang kilalang hospital,agad naman nila inasikaso at inalagay sa kama ang dalaga na walang malay at may malaking sugat ito sa noo,at konting galos na tinamo,sinuri nila agad ang babae at ginamot.How is she ani agad ni franco sabay tayo ng makitang may lumabas na doctor mula sa pinto ng emergency room na pinagdalhan kay ghaye,Im Franco Villamar director and friends of the patient dok sabay abot ni franco ang kamay upang makipag daupang palad sa doktor na gumamot kay ghaye,Agad naman nagsalita ang doktor.The patient is fine may konting galos lang at sugat sa noo ang natamo ng pasyente,ipapalipat ko na lng sa private room ang pasyente pag nagising na ito,agad na nagpasalamat si franco Pagkatapos makausap ang doktor.Binunot ni franco sa kanyang bulsa ang telepono at tinawagan ang assistant ni ghaye na si arthur para ipaalam ang nangyari sa kanyang alaga,nagkukumahog sa pagmamadali ang assistant ni Ghaye na dumating sa hospital ng malamang naaksidente ang kanyang alaga,where is she anu nangyari sa kanya ha ani art kay franco,i dont know too tumawag siya sa akin kung Asan siya at sinabing puntahan ko but then isang malakas na banggaan ang aking narinig Bago pa namatay ang tawag,kaya dali dali akong umalis sa restaurant at hinanap siya naabutan ko na lang at Nakita sa daan na nakabangga sa malaking puno ang kanyang sasakyan.paliwanag ni franco kay art,at bakit d mo sinabi Agad sa akin magkakasama lang tayo sa restaurant na pinanggalingan mo sermon ni art kay franco,im sorry nataranta ako at nagmadaling umalis kasi ghaye need help ng tumawag siya sa akin at sa paraan ng paghingi niya ng tulog sa akin i know that something bad happen that time kaya nawala sa aking isip at nataranta na umalis para tulungan siya.Hintayin natin magising si Ghaye kung anu talaga ang tunay na nangyari sa kanya.Thank god at buti na lang at sugat sa noo at konting galos ang natamo niya mula sa aksidente ani franco kay art.Ou nga buti na diyos ko aatakehin ako sa nerbiyos sa alaga kong yan huhu inhale at exhale self!!oh my beauty my god baka magka wrinkles ako ani pa ni art sabay labas ng salamin niya sa bag at tinignan ang mukha..napapailing na lang si franco sa kakikayan ni art at nasanay na ang mga ito sa kanya.Let me remind you Art do something dont let the media know about this accident!!?we need to secure her safety hanggang makalabas siya at siguradong bubugbugin siya ng mga tanong kung my makalabas nanaman na balita tungkol sa kanyang aksidente, baka mapag pipiyestahan nanaman ng media ang alaga mo pag hindi natin sila unahan,Bigla namang sumeryoso si arthur at sinang ayunan ang sinabi ni franco,ok i handle everything ako na ang bahala sa press.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD