Darkness 01

400 Words
Dali dali kong kinuha ang isang bag and kakaunting perang na-ipon upang lumayo na sa bahay na ito. Napa lingon ako sa salamin, bakit nangyari ito? Kitang kita and bakas ng dugo sa aking mukha at kamay. Hinugas ko ito para kahit papaano ay mawala ito. Iyak ng iyak habang inaalis ang mga bakas ng dugo. Diring diring sa sarili at paulit-ulit sinasambit, pinatay ko siya . "Paalam" Yan lamang ang salitang naisambit ko at umalis na ako sa bahay na iyon. Habang tumatakbo paalis sa bahay na iyon napalingon ako at nakitang hinahabol niya ako habang hawak-hawak niya ang kanyang tagiliran, makikita dito na puno ng dugo ang kanyang kamay at damit. "Penny saan ka pupunta, hindi ka makakawala sa akin!" Binilisan ko na lang ang aking pagtakbo, lumingon ako at nakitang wala na siya. Patuloy paring tumatakbo at napapaisip, saan ako pupunta? Nang makita ang bahay nina Mrs. Julie, nagtungo ako dito at kumatok ng malakas. "Mrs. Julie nandyan ka po ba, Mrs. Julie" "Penny iha, pumasok ka, anong nangyari?", sambit nito nang may tunong pag-alala. "Mrs. Julie tulongan niyo po ako, hindi ko na kayang mabuhay dito gusto ko na po'ng umalis dito". Habang sinasambit ko ito biglang ko na lamang nakita ang aking sariling hawak hawak ang isang baril. "Penny iha huwag kang mag-alala". Binigay nito ang isang papel at ngumit. "Malaya kana Penny" "Maraming salamat po Mrs. Julie". Hinigpit ko ang yakap ko sa kanya. "Hanggang sa muli, paalam" Bago paman ako umalis, biglang may kumatok sa bahay nina Mrs. Julie. "Mrs. Julie! nandyan ba kayo?, Mrs. Julie!" Bigla akong napaluhod nang marinig ko ang pamilyar na boses. "Dali na Penny, pamanhik kana, sa likod ka na lumabas. Mag-ingat ka Penny at ako na ang bahala sa kanya". Dali-dali akong pumunta sa lilod ng bahay ni Mrs. Julie at nang makalabas na ako ay narinig ko na lamang ang pagbikas niya ng pangalan ko. Tumakbo na ako hanggang sa makita ko ang kalye. Pinara ko ang isang tricycle at sinabing ibaba niya ako sa daungan. Nang makarating sa daungan kumuha na ako nang aking ticket at sumakay na sa barko. Buti na lamang ay hindi pa gaano karami ang tao. Naghanap na ako ng aking pwesto at nagpahinga muna. Huminga ako ng malalim at napangiti sa aking sarili. "Malaya kana Penny"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD