Kabanata 1

4886 Words
Kabanata 1 Liwanag na nagmumula sa aking bintana ang bumalot sa aking mukha ng idilat ko ang mata ko. Nag aalinlangan pa akong tumayo nang maalala kong ito nga pala ang unang araw sa eskwelahan. 6:30 am. Naligo na ako at nag ayos na ng damit, hindi naman ako sanay ng nag aalmusal kaya umalis na rin ako at pumasok na. White na blouse at blue checkered skirt, two inches above the knee ang haba nito. 2 inch naman ang taas ng sapatos at black socks na lagpas tuhod. Ito ang uniform ng SAU dito sa Senior High Department. Department din ang tawag sa bawat building. Sa High School department naman ay ganon din, ang pinag kaiba nga lang ay ang haba ng skirt at ang school shoes. Pagdating naman sa College Department ay depende sa bawat course na kinabibilangan nila. Ang maganda dito sa SAU ay ang lawak at laki ng school. 30 minutes drive ang layo ng HS dept. at ColDept. pero minsan ay kaylangan namin o nilang pumunta dito o doon para sa mga school activities o kahit ano basta related sa School. May tatlong malalaking library ang bawat building ng SAU, for school Works, journalism room at yung isa ay para sa school wizards lounge. Ang school wizards lounge ay para sa mga lumalaban, occasionaly at regional. Pinaglaanan talaga nila 'yon dahil isa rin ang SAU na kinikilala bilang isa sa mga paaraalan na maraming matatalinog estudyante. Ang caffeteria nila ay may aircon at puro healthy foods na para sa breakfast and lunch at para sa mga Varsity players ng SAU pwede rin naman sa lahat ng estudyante kaso nga lang yung iba ay hilig ang mga junkfoods and softdrinks na hindi nila makikita sa caffeteria. Bukas ang caffeteria ng sobrang aga at magsasara pag nagkaklase na at magbubukas ulit ito 1 hour before lunch. Kapag naman may training ang mga varsity players ay bukas ito magdamag. Ang canteen naman ay para sa mga breaktime, dito madalas ang ibang estudyante, malaki rin ang space dito naka aircon din. Malawak ang soccer field dito parang College Dept ang dating pero ginawa talaga 'to para sa maayos at comfortable environment ng school. May gym kung saan naroon ang Basket ball at tennis court. Katabi non ang Swimming pool na para sa mga activities. Sa tabi ng soccer field ay ang spot para sa mga Volleyball players sa tabi non ang mga bench sa ilalim ng malalaking puno. May music room para sa mga nasa music club. May Laboratory room para sa mga nasa Science at Math club. May theater, computer room at ang paper room. Sa left side ng SAU ay ang Registrar Office, Executive Office, Guidance Office, Student Council, At Conferrence Room. Ang conferrence room ay ang meeting place ng mga student councilor, guidance at executives. Sa Center ng SAU ay ang mga floor ng GRADE 11-12. STEM 1-3, ABM 1-3, GAS 1-3, TVL 1-3 at HUMSS 1-3. Sa First Floor ang STEM 3 at sa Second naman ang sa STEM 2 At third naman ang STEM 1. Ganon din ang set up ng iba pang strand at year. Malawak ang bawat floor dito at naka aircon ang bawat room. Super comfortable rin dito kaya sulit ang tuition fee at scholarship. Ilan lang 'yan sa nabanggit ng executive namin sa Orientation. Pinaalalahanan din kami na after namin ma-orient ay tatawagin kami isa isa para mapag sama-sama ang bawat estudyante sa mga strand na napili nila. Maganda rin ito dahil iwas g**o at talaga ngang maayos ang environment. Tinawag kami isa isa ng executive para pagsama samahin ang mga nasa kanya kanyang strand. Halos lumuwa ang mata ko sa gulat ng makita ko ang lalaki sa park! Infairness, bagay sakanya ang uniform, tho itim na slacks lang naman 'yon at white na polo na may coat na light blue checkered vest at may nakatatak na logo ng SAU. Naka clean cut ito, matangos ang ilong, brown ang mata, perfect shape jaw lines may peircings ito, isa rin sa nakaka dagdag ng ganda ng feature niya ay ng thin reddish kissable lip- f**k! wtf, ayan patrisce!?! focus. focus. Nawaglit ang tumatakbo sa isip ko ng kalabitin ako ng katabi ko sa upuan. "Miss, kanina ka pa tinatawag. Ikaw si ayana patrisce diba? sa'yo nakatingin ang executive." natatawa namang usal nito. Bumalik ako sa wisyo ng tawagin ako ng executive "Miss Ayana Patrisce Dela Vega of HUMSS-1, Grade 11, are you with us? i called you many times, are you okay?" Kunot noo na tanong nito napayuko naman ako sa hiya dahil sa tawa ng mga nandito. Pag angat ko ng tingin ay nanlamig ang kamay ko sa gulat dahil nag tama ang paningin namin. Hindi ko masyadong mawari kung naka ngisi ba siya o ano, basta ang alam ko nagmadali akong tumayo at lumapit na sa mga ka block ko. halos 157 students ang meron sa buong HUMSS at mahigit naman doon ang bilang ng iba pang strands. Napatigil ako sa pag iisip ng marinig ko ang pangalan niya. "Traisce Ivan Leviticus of Grade 12, STEM-1." So Mr. Leviticus pala, huh? Grade 12 at wow? stem student, ano kayang hilig nito in the future. Interesting, Mr. Leviticus. Natapos ang orientation at inabot kami ng 4 hours sa loob. Dumeretso muna ako sa caffeteria for lunch marami na agad ang estudyante at sa sitwasyon ko ngayon ay nahihirapan akong humanap ng table. "Dela vega!" Sigaw ng isang babae na naka high ponytail at masasabi kong maganda siya, morena pero ang ganda. Mas matangkad lang siguro ako ng kaunti. "Come here, sit with us. We're classmates. Btw, im channel montenegro..." nag taas siya ng kamay para makipag shake hands. "And this is Jade. I hope we can be friends." pakilala nito at ngumiti ng malapad. Hindi man ako sanay ng ganito pero hindi naman siguro masama kung makikipag kaibigan ako. "Ayana Patrisce Dela Vega. You can call me ayris nalang. Thanks." abot ko sa kamay ni jade at channel. Dumating na ang order namin at agad naman kaming kumain. Nagkwentuhan kami saglit at nabalitaan kong magiging Captain ng volleyball si jade dahil mula pa raw grade 7 ay SAU player na siya ng volleyball dito at nakuha niya agad ang posiyon bilang captain dahil lumipat na sa ibang school ang dating captain nito. As per channel naman, vice gov. pala ang daddy niya at doctor naman ang mommy niya. Siya naman ay president ng dancers' club since grade 8 until now. Sinabi ko rin sakanila na gusto ko mag try out para sa volleyball at mag sa-sign up kaya sa dancers' club. Pumayag naman sila pareho at bukas na namin gagawin dahil half day lang naman kami ngayon. -- Kararating ko lang sa school at nagkakagulo ang mga estudyante sa gym. Ano naman kayang meron this time? akala ko pa naman magsisimula na ang klase pero sabagay second day of class pa lang naman. Advantage na rin 'to para medyo ma-refresh ang utak ko. Sa totoo lang, mahirap mag adjust sa apartment na tinutuluyan ko. Hina-haunt pa rin ako ng thought na baka malaman ng mga magulang ko kung nasaan ako. Lalong lumalala ang anxiety ko. damn. "Morning, ayris." Bungad ni channel. Ang aga aga, ang ganda ganda nakaka asar. sana all. natawa ako sa sariling naisip. "Hey, morning. Anong meron?" Tanong ko. "Ah may announcement ang head tapos mamaya may evaluation na gagawin ang executive." Sagot niya habang papasok sa gym. Marami-rami na rin ang mga estudyanteng nandito kaya medyo maingay na. "Goodmorning students, maya-maya lang ay mag sisimula na ang annoucement at evaluation ng ating head at executive. For now, hintayin lang natin ang iba pa para makapag simula na. Salamat." Panimula ng speaker. Sa tingin ko ay instructor din ito base sa uniform niya. Nasa mid 30's at hulmang hulma ang gwapong mukha shet. "Ang gwapo ni sir." hagikgik ni channel at natawa naman ako sakanya. "Nasaan pala si jade? anong oras na ah. Pag reserve natin siya ng seat." Sabi ko sa katabi ko. Maya maya lang ay lalong dumami ang mga estudyante at lumapit na samin si jade. "Hey, girls. Morning." Nakangiting bungad niya at nakipag beso kami ni chan. Nang maupo kami ay may nahagip ang mata ko. Kanina ko pa talaga napapansin na may nakatingin sakin eh pero hindi ko lang nililingon pero naba-bother na ako eh. lintek na 'yan. Paglingon ko ay nanlaki ang mata ko dahil nakatingin sakin yung lalaki sa park. Ano na nga ulit pangalan nito ace? drake? bwisit nawawala ako sa wisyo dahil sakanya. God, alam kong sobrang ganda ko pero pwede ba? naco-conscious ako eh. lol "Good Morning, Everyone. I'm Miss Janica Castro. Ako ang Co head ng SAU at nandito kami ngayon para sa iilang announcements. At dahil ngayon magsisimula ang klase ninyo ay nais namin iparating na ang pag sa-sign up ng student council form ay mag sisimula mamayang 1:45 pm." Dire-diretsong usal ng co head. Naiisip kong Mag sign up dahil hindi na rin naman bago sa'kin 'to. "Mag sa-sign up ako mamaya." Bulong ko kay chan. Gulat naman siyang napatingin sakin. "Wow, 'di ko alam na interesado ka pala sa mga ganito, miss dela vega." Pabirong tugon niya at nginisian ko lang siya. "Anong posisyon naman kukunin mo?" tanong ni jade. "Governor." maikling tugon ko. "Pwede. Pwede. Maamo ang mukha mo pero mukhang istrikta pero sana makuha mo ang loob ng SAU." Sabi niya habang pinapasadahan ng tingin ang buong mukha ko. "Napapansin ko lang, kanina pa may naka tingin sayo. Ako ang naiilang eh." Sabi naman ni chan pero hindi ko na siya pinansin at nakinig nalang. "Ang try out naman ng bawat sports ay gaganapin sa field. Ang mga gustong maging representative ng bawat sports ay mag sign ng form sa office of the executive. As of now, walang namumuno ngayon sa student council dahil nag back to zero tayo. As i was saying, mamayang 3:30 ang Try out." Nagningning naman ang mata ni jade dahil sa narinig. Paniguradong busy 'to ngayon dahil siya ang tumatayong captain ng volley. "Sa theater, music at dance club ay dito sa gym gaganapin ang audition. Mamayang 4 pm magsisimula. Half day lang tayo ngayon para magkaroon kayo ng panahon sa mga school activities na gaganapin mamaya. Maari kayong mag si-uwi after lunch. Saglit lang din ang evaluation natin." Mahabang paliwanag ng co head. Nang magsimula ang evaluation eh inaantok ako. Mas gugustuhin ko pang nasa classroom nalang dahil literal na nakakainip ang evaluation. Ultimo itong dalawang katabi ko ay ginawa ng unan ang balikat ko dahil sa kainipan. Maya maya lang ay natapos din, hindi naman pala ganon katagal pero nakakainip pa rin haha! Nag si-akyatan na ang mga estudyante at my god! ang daming gwapo. chz. Mag isa akong umakyat sa floor namin dahil tinatamad na akong sumama kila chan, may dadaanan pa raw sila sa floor ng abm. Sus gusto lang naman nila "sumilay" kuno sa crush niya psh. Medyo konti nalang ang kasabayan ko dahil sa dami ng nag aakyatan kanina ay hindi ako maka singit kaya ako na ang nag magandang loob at pinauna sila. haha. Pag pasok ko sa room ay nag iingay na sila. Nakita ko naman agad ang upuan ko na may pangalan at binaba ang mga gamit ko don. "Hi." kalabit ng katabi ko- oh my god! ang aga aga ang gwapo gwapo! Ganito ba talaga ako kalakas sayo, lord? chz hahaha. "Hi." Bati ko rin. So seatmates pala kami. "Joshua De Vera." pakilala niya at nakipag shake hands. "Ah. I'm ayan-" pinutol niya ang sasabihin ko ng sabihin niya ang buong pangalan ko. "Ayana patrisce, right? you're ayana patrisce dela vega." ngiti niya. oh wow. "Pano mo nalaman? stalker ba kita?" taas kilay kong tanong. "No and never, miss assuming." ah ang kapal ng mukha. "Nakilala kita kahapon diba sa may gym? yung napagalitan?" natatawa niyang sabi. "Excuse me, hindi ako napagalitan, okay? saka duh? anong assuming nagtatanong lang ako. Hindi mo ba narinig na patanong 'yon? gosh, ang aga aga nakaka stress ka." pahina nang pahinang sabi ko at ngumuso. "Oo na. dami mong sinabi. Cute mo eh 'no?" sabi niya at kinurot ang pisngi ko. Hindi naman siya ganon kakulit at madaling pakisamahan so masasabi ko magkakasunod kami nito. Ang simpleng gwapo niya talaga nakakainis haha. Maya maya ay nag dumating na rin sila chan at jade at naupo na sa kanya kanyang upuan. 2 seaters lang ang ayos namin kaya sa 53 na studyante ay mukhang marami pero malaki naman ang classroom namin. Kung tutuusin nga ay kasinlaki na ng apartment ko ang banyo dito. "Goodmorning class. I will be your instructor for the rest of your school year. I am Frederico Xavier, 57 years old at 8 years na akong nagtuturo dito. Ayoko ng tamad at hindi sumusunod sa tamang deadline. Ayoko rin na maririnig sainyo na "okay na 'yan." "pwede na 'yan." "atleast may gawa." it's a big no no for me. Gusto ko ibubuhos niyo ang best at ang galing niyo sa klase ko hindi yung ganon. Understood? Now, mag simula na kayong magpakilala at mag sisimula na ang botohan para sa S1C or STEM-1 COUNCIL." Nagsimula na ang pinaka ayaw ko sa unang araw ng klase...ang introduce yourself. "Good morning, guys, im Ayana Patrisce Dela vega, 17 years old, i want to be a criminal lawyer. Tatakbo ako for-" pinutol ni andrei ang sasabihin ko. "Takbo ka lang, hahabulin kita hanggang sa sagutin mo ako, sweety pie!" sigaw niya at nag kantyawan ang mga kaklase ko. Sweety pie?! wtf?? baduy. "Habol ka lang, di rin naman kita sasagutin hehe." Biro ko pabalik at nagtawanan naman ang mga kaklase ko at napakamot lang siya sa ulo. "As i was saying, tatakbo ako this election as a school governor so inaasahn ko na iboboto niyo ako. Guys please para may advantage tayo this whole school year. Kidding." Sumang ayon naman sila at natawa Pag upo ko ay sinalubong ako ni josh ng malapad na ngiti. "Later." sabi niya at tumayo na sa harapan. "Goodmorning. I'm Joshua De Vera, 17 years old and i hope you guys can be my friends. thankyou." maikling pakilala niya at nagtilian naman ang mga kaklase ko. Gwapo nga naman kasi talaga 'to. Crush ko na siya, haha! Nagsunod sunod naman ang mga magpapakilala. "Gandang umaga mga ka-tangkay, ako si jiro santiago ang mag bubuhat sainyo sa research. Wala akong kasabihan, nakakatamad." nagtawanan naman kami. ang kulit amp. "Hi. Im Jade sebastian. 17 years old. Volleyball captain and i really love siomai so kausapin niyo ako para siomai-ya ang buhay niyo and i thank you." maligalig niyang pakilala at kumindat pa. Natawa nalang kami sa kakulitan nila hanggang sa si chan naman ang nagpakilala namumula pa. "H-hi everyone. Im Channel Montenegro, 17 years old, mag sign up kayo sa dance club ha? maraming maganda at pogi don lalo na yung mga grade 12." "Wow, chan, ganyan ka ba talaga mag recruit? binubudol mo kami ha." sigaw ni esther, classmate rin namin. Nagtawanan kami dahil sa sinabi nila ni chan. "Gaga, nagsasabi lang ako ng totoo kaya sumali na kayo. So ayon lang hehe sana matalino makasama ko sa research." Sabi niya sabay kindat. Nakakaloka 'tong mga 'to. "Goodmorning. I'm Giovanni Macallister, 17 years 17 years old." Seryosong pakilala niya at hindi manlang ngumiti. Tumama naman ang paningin ko sa katabi nito na si chan at pulang pula si gaga. hmm i smell something fishy. malalaman ko rin 'yan. Natapos ang pagpapakilala ay nag simula na ang botohan at tinanghal naman na President si Josh at ako ang Vice pres. Plinano nila talaga nakakainis eh ang dami ko na ngang sasalihan. Nakakaasar. Dumaan ang oras at lunch na. Mag papalit lang ako ng damit, kakain at papasok na para sa election na gaganapin at sa dance club at try out ng volley. Pagkarating ko sa apartment ay nagpahinga lang ako saglit at naligo na. Tinatamad akong magluto at mag saing kaya kumain nalang ako sa carinderia sa tapat ng apartment pagkatpos non ay pumasok na ako. Didiretso na sana ako Conferrence room ng may tumawag sa'kin. "Ayris! Hey, san ka pupunta?" Tanong niya. "Ah sa conferrence room para mag sign up. Ikaw?" Tanong ko rin habang paakyat sa second floor. "Wala naman. Samahan na kita. Bakit pala ganyan suot mo?" Pinasadahan niya ako ng tingin at inipon niya ang buhok ko papunta sa likod dahil sa pawis. Mainit kasi sa dinaanan namin bago makapunta sa hagdan. "Ah. thanks. Mag tatry out kasi ako sa volley mamaya at mag au-audition ako sa dance club." Nakangiti kong sambit. "Sumasayaw ka pala? panoorin ko ha? bawal ka humindi." natawa ako. "Sabay na tayo mag try out sa volley mamaya, magkakasama naman ang mga players don." "Volleyball din sport mo? buti nalang may kasama ako. Buti nalang, si jade kasi ang mag momonitor. Natigil naman ang usapan namin nang buksan ko ang pinto ng conferrence. Lamig ng kwarto ang sumalubong samin at sabay sabay lumingon ang mga tao ro'n. Nginitian nila ako kaya nginitian ko rin sila pabalik. Konting diskasyunan lang ang ginawa at saka kami binigyan ng form para sagutan. Binigyan din kami ng 2 days para mag handa ng flatform at speech para sa election. Sa gym gaganapin ang botohan. The day after election, ia-announce ang mga napiling uupo bilang mga student councilors ng SAU. Nagkwentuhan lang kami ni josh at pumunta na sa gym para mag audition. Naabutan ko naman si chan na nakaupo sa Mono blocks habang pinapanood ang naunang mag audition. Hindi naman ako nakaramdam ng kaba dahil hindi naman ito ang unang may manonood sakin. "Hi, ris." Bati ni chan nang makita niya ako at bumeso sa'kin. "Hi, josh. Bakit kayo magkasama ha? kayong dalawa ha." Nanunuksong sambit niya habang nakaduro saamin. Tinawanan lang namin siya ni josh at sinabi na ang pakay ko. "Ris, hindi kita mapapalusot, tatlo kaming judge dito." Biro niya at napahagikgik naman ako. "Sayang." biro ko at nagtawanan kami. Nang turn ko na ay naupo sa bleachers si josh at bumalik naman sa pwesto si jade. Nang magsimulang tumugtog ang kanta ay nahagip ng mata ko yung traisce ivan. Papasok siya sa gym at may kasamang dalawang lalaki. Naka joggerpants siya at t-shirt na white, kahit simple lang ang suot niya ay nag uumapaw pa rin siya sa kagwapuhan. Inalis ko na ang tingin ko sakanya nang marinig ko na ang tugtog. I never really knew that she could dance like this (hey) She make a man wants to speak Spanish ¿Cómo se llama? (Sí), bonita (sí) Mi casa, su casa (Shakira, Shakira) Sinimulan ko ng itaas sa ere ang dalawang kamay ko at isinway ko ang balakang ko paikot. Nagsisimula na akong mag enjoy. Lumabas ang ngiti na kanina ko pa pinipigilang pakawalan. Oh, baby, when you talk like that You make a woman go mad So be wise (sí) and keep on (sí) Reading the signs of my body (uno, dos, tres, cuatro) Habang umiindak ay dinako ko ang aking paningin sa tatlong judge na nanonood at halata ko sa mga ngiti nila ay ang pagkagusto sa galaw ko. Dumarami ang mga nanonood kaya naman mas lalo akong ginaganahan kaya't pinakitaan ko sila ng isang magandang ngiti. I'm on tonight You know my hips don't lie (no fighting) And I'm starting to feel it's right Tumingin ako sa gawi ni josh at kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya habang nakangiti ng malapad sakin. Nginisian ko siya. Bilib ka nanaman. natawa ako sa isip ko. All the attraction, the tension Don't you see, baby, this is perfection? Hey, girl, I can see your body moving And it's driving me crazy And I didn't have the slightest idea Until I saw you dancing (yeah) Nag angat ako ng tingin sa taong palagi kong nahuhuling nakatingin saakin. Nakangiti siyang parang tanga haha! Pero ang gwapo niya sa ngiting 'yon nang biglang nag seryoso siya. Anong problema nito? And when you walk up on the dance floor Nobody cannot ignore the way you move your body, girl (just move) And everything so unexpected, the way you right and left it "GO BESTFRIEND!!" Napa baling naman ang tingin ko sa babaeng sumigaw no'n. Pinanlakihan ko ng mata si jade na ngayon ay may hawak na banner. Akala mo naman nasa competetion ako amp. Tinawanan ko lang siya kaya nakitawa rin ang mga nanonood. "GO VICE PRES!!!" sigawan ng mga classmate namin na nanonood. Ako ang nahihiya para sakanila eh. bwiset. Mas lalo kong binigay ang lahat ng kaya ko nang malapit nang matapos ang kanta. Nagsigawan naman ang mga nanonood at nagpalakpakan nang ilapat ko ang dalawa kong kamay sa aking mukha at dahan dahang ipinadausdos sa aking dibdib hanggang hita nang mag chorus na. So you can keep on shaking it (let's go) I never really knew that she could dance like this She make a man wants to speak Spanish ¿Cómo se llama? (Sí), bonita (sí) Mi casa, su casa (Shakira, Shakira) Hingal na hingal ako nang matapos ang kanta. Napuno ang gym ng palakpakan at sigawan mula sa iba't ibang strand at grade 12. Napangiti ako. Kanina ang sabi ni chan ay dalawa ang sasayawin namin dahil yung pangalawa ay para sa finals. "Congrats, ayris!!" Sigaw ni chan sa'kin at sinalubong ako ng yakap. "Ang galing mo! Nagustuhan nila stella, panigurado makukuha ka niyan. "Salamat. Marami pa niyan ang magagaling pero sana makuha nga ako." Ngumiti ako at nagpaalam na siyang babalik sa pwesto. Lumapit naman sa'kin si josh habang may nag peperform na ulit at mamaya tatawagin ang mga makukuha para sa finals. "Here, water." Abot niya sakin ng tubig nang makalapit siya. "Thanks. So, how's my performance?" Tanong ko bago uminom. "You're amazing. Ang galing mo sumayaw. I'm one hundred percent sure makakapasok ka sa club nila." Namula ako sa mga sinabi niya! nakakainis naman! kinikilig ako hahaha. "Salamat. sana nga." Nginitian ko lang siya dahil wala akong masabi. Masyado akong na-over whlemed. Di nagtagal ay tinawag na rin ang mga sasama sa finals at sobrang saya ng mga classmates ko dahil nakapasok ako sa finals. Napayakap pa nga ako kay josh nang mabanggit ang pangalan ko. Nakakahiya! Tuwang tuwa rin si chan at jade kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng kasiyahan. Nag simula na ang finals at pumwesto na ako nang marinig ko na ang kanta. Speeding through red lights into paradise Because we've no time for getting old Sinimulan ko sa pag galaw ng aking balakang at dinala ang aking kamay sa likod ng ulo ko. Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang pag eenjoy at kasiyahan dahil sa ginagawa ko. Mortal body, timeless souls Cross your fingers, here we go Ipinuwesto ko sa harap ang kanang paa ko at pag tuwad paharap kasabay ng pagkrus ng kamay ko. And when the lights start flashing like a photo booth And the stars exploding We'll be fireproof Naghiyawan ang mga nanonood at pag chi-cheer ng mga kaibigan at classmates ko. Napangiti ako dahil ramdam ko ang suporta nila Natapos ang finals at kita sa mata ng bawat manonood na natutuwa sila. Mas natutuwa naman ako 'no! Nang natapos ang mga nag perform ay pinapunta kami sa harapan para piliin ang mga makakasama sa club. "AYANA PATRISCE NG GRADE 11, HUMSS 1!" Deklara ni chan. Nagtayuan ang mga nanonood na akala mo'y isa itong kompitisyon. Napuno ang palakpakan at sigawan ang buong gym habang si josh at jade naman ay tumatakbong lumapit sa'kin para yakapin ako. "Later." Chan mouthed. Hindi pa kasi siya makakalapit sakin dahil may mga pangalan pa silang iaannounce. Nag congrats naman sila sakin at Pumwesto na sa Singers' club para manood. "May crush ako dito, girl. Stem 1 'yon. Grade 12 na. Super gwapo tapos ang ganda ng boses parang anghel." kinikilig na kwento ni jade habang nakangiti naman kaming nakikinig ni josh. Habang nagpapaliwanag ang president ng singers' club ay pumunta muna ako sa canteen para bumili ng blue, yung water na may lasa. Calamansi ang favorite flavor ko ro'n. Nang makabalik ako ay natigilan ako sa narinig kong boses. Malambing at talagang masarap sa pandinig. Masasabi kong mas maganda pa 'tong version niya kesa sa totoong kumanta. Long nights, daydreams Sugar and smoke rings, I've been a fool But strawberries and cigarettes always taste like you Hindi ko alam kung saang parte na 'to pero siguro ay gitna dahil medyo malayo ang canteen sa gym kaya hindi ko na naabutan ang umpisa ng kanta. Headlights, on me Racing to 60, I've been a fool But strawberries and cigarettes always taste like Paborito ko 'tong kanta na 'to. Si troye Sivan ang kumanta nito. Siya rin ang kumanta sa sinayaw ko kanina. Blue eyes, black jeans Lighters and candy, I've been a fool But strawberries and cigarettes always taste like you Habang papalapit ako ay may hinala ako kung kaninong boses ito. Isang beses ko man lang narinig ang boses niya ay sigurado akong siya ito. Remember when you taught me fate Said it'd all be worth the wait Like that night in the back of the cab When your fingers walked in my hand Nang tuluyan akong makalapit ay do'n ko lang nakompirma na siya nga ito. Siya ang nag mamay ari ng napaka gandang boses na 'to. Next day, nothing on my phone But I can still smell you on my clothes Always hoping that things would change But we went right back to your games Nag angat siya ng tingin at tumama ang mga mata namin. Hindi manlang siya nagulat na animo'y alam niya na nanonood ako sakanya samantalang nanlaki ang mata ko dahil sa paraan ng pagtitig niya. Nakakaliyo ang mga tingin niya. Dinadala ako nito kung saan. May pinapahiwatig pero hindi ko maintindihan. Natapos ang kanta niya ay bumalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang tilian ng mga nanonood. "Hoy babaita! san ka ba galing ha! hindi mo napanood yung crush ko. My god, ang gwapo niya talaga tapos ang sarap pa sa pandinig ng boses." Bungad sakin ni jade nang makabalik ako sa pwesto namin. Maya maya ay inannounce na nga makakapasok sa finals at kasaya siya ro'n. Hindi na ako magugulat dahil tunay naman ang galing niya sa pagkanta sabayan mo pa na ang lakas ng dating niya habang may hawak na gitara. Niyaya na ako nila jade lumabas dahil anong oras na at mag tatry out pa kami ni josh para sa volley. Ilang oras din ang nilaan namin sa loob ng gym. 6:18 na nung nakalabas kami at dumiretso na kami sa field. Nabalitaan namin na Life Puzzle ni Arthur Nery ang kinanta nung Traisce at nakapasok siya sa singers' club. Naglaro kami ni josh ng volleyball habang wala pa yung ibang mag tatry out at naka pwesto na si jade para imonitor ang mga mag tatry out. Lumipat na rin maya maya si josh sa kabilang side dahil nagpupuntahan na don ang mga ibang mag tatry out para sa mens' volleyball. Nagmeeting lang saglit kami at mag sisimula na. Lumapit samin ang mga boys na mag tatry out para manood habang nag wawarm up dahil mauuna ang girls. Nanlaki ang mata ko nang mahagip ng matanko ang naka kunot noong si traisce habang nakatingin sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay at idinako nalang ang paningin sa iba. Nagsimula na ang warm up. "Okay, guys. Sisimulan natin sa libero." Tinignan niya kung sino ang magaling dito pagkatapos kaming hatin sa anim. Ganon ang nangyare sa mga sumunod na position. "Si dela vega, magaling siya. Kaya niya mag all around kaya hindi mahirap bantayan. Kung sakali man na makapasok ka, ikaw ang all around dito." Nakangiting sabi ni coah andrew. "I agree. Mas magaling nga lang siya sa pagseserve at pag di-depensa." Singit ni coach rowa. Coach ng mens' volleyball. "Baka bestfriend ko 'yan!" Sabi naman ni jade kaya nagtawanan kami. "Ang dami mo namang kayang gawin, miss vice pres!" Sigaw ni josh mula sa bleachers. Kinindatan ko lang siya saka siya natawa. Nang makapili sila ng tatanggapin ay nakabuo na kami ng team. 18 Kami lahat, yung iba ay player ng team na 'to last year dahil yung iba ay ibang school na. Bubuo kami ng bagong pangalan dahil 'yon ang gusto ng executive. Bago mag intrams ay mag papatahi na kami ng uniform. Pagkatapos namin ay boys naman ang sumunod at masasabi kong magagaling nga silang lahat pero 18 lang ang kaylangan para makabuo. 9 ang mga naiwan dito inshort, last year pa yung iba. Magaling si traisce sa pag seserve kaya siya ang server. Si josh naman ang libero. Si oliver leviticus naman ang captain nila. Si olivier fuentes ay grade 12 na, galing sa HUMSS 1. Gwapo rin lalo na kapag nakangiti, lumalabas ang dimples. Makulit din siya dahil may konting interactions kami at masasabi kong magiging kaibigan ko 'to dahil sa kakulitan niya. Natapos ang araw na 'yon at sobrang sakit ng katawan ko. Bukas pa naman ay simula na talaga ng diskasyunan at ngayon pa lang ay tinatamad na ako. Bigla kong naalala si traisce. Bakit kaya ganon maka tingin 'yon sakin? eh sa pag kakaalala ko maganda naman yung pagkikita namin noon. Nagpakilala pa nga siya. Ano kayang ganap ng isang Traisce Ivan Leviticus sa buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD