EMBERLYNN's POV: “Marry me…” paanas na bulong ni Rem at pinag dikit niya ang aming mga noo. Hindi ko masalubong ang mga titig niya. Umiling ako. Parang sasabog ang puso ko sa pakiusap ni Rem. “I can't,” paanas kong sagot parang hindi na iyon lumapat sa aking lalamunan. Hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ko. Hindi pa ito ang tamang panahon. “Why not?” Mahinang tanong niya. “Dahil ginulat mo? Hindi tayo nagkita simula ng umalis kayo, tapos ngayon walang kaabog-abog basta ka na lang susulpot sa pintuan ko at aalukin mo ako ng kasal? Nahihibang kana ba? Hindi mo nga ako nililigawan eh.” Walang preno ang bibig ko. Huli na para bawiin ko ang aking huling sinabi. “Alam ko gusto mo ako, gusto kita, alam ko na yan bata pa lang tayo. Nangako ka na hihintayin mo ako. Na tutuparin natin ang

