EMBERYLNN’s POV: Nakatanaw lang ako sa puno ng pine tree kung saan nakaukit ang mga pangalan namin. Mabigat ang loob ko. Ito ang gusto kong tingnan kahit paano. Simula ng hinatid ako nina Rembrandt at Raider, hindi na sila muling dumalaw sa akin. Hindi ko naman alam ang kumpletong address nila para sana sulatan sila o tawagan siya telepono na nasa opisina ni mother superior. Pati kamay ng orasan tinitigan ko na rin na para akong sira. Ilang buwan na iyong nakalipas. Madalas rin dumalaw ang aking mga magulang. Hindi pa nila ako nakukuha dahil inaayos pa nila ang aking mga papeles. Ayokong umalis sa kumbento ng hindi nagpapaalam sa kanila. Araw na lang ang bibilangin maayos na ng mga magulang ko ang mga kaukulang papeles para mai-uwi na ako sa Pilipinas. Ayokong magkahiwalay kami ni Rem n

