THE PAST… THE CONTINUATION…
KRISTINA’s POV:
Hindi mapuknat ang mga mata ko sa engagement ring, sa aking palasingsingan. Pakiramdam ko nanaginip pa rin ako.
“Matunaw yan Tin, para ka naman timang!” Panunukso ni Kendra sa akin. Sumimangot ako sa kanya na lalong ikinalapad ng ngisi niya.
“Ken, may napapansin ka ba kina Romulo at Elizabeth?” Wala sa loob kung tanong sa kanya.
“Huh? Anong napansin?” Nagsalubong pa ang kilay niya.
“Ah—eh, wala pakiramdam ko kasi may binabalak silang masama?”
“What? Ang mean mo naman sis!” Nakataas ang kilay niyang sita sa akin.
“Ang weird kasi ng kilos nila no’ng engagement namin Darius.”
“Wow, this is an insane thought, Kristina.” Pagtatanggol niya sa dalawa. Agad kong iniba ang usapan.
“Kumusta na pala kayo ni Lorenzo? Any progress?” Kita ko ang pamumula ng mukha niya. Huli ka! Agad siyang nag iwas tingin. Confirmed?
“We’re okay.” Simpleng sagot niya. Hindi na ako nag-usisa pa dahil alam kong ayaw niyang pag-usapan and I respect her privacy.
“When is your bachelorette party?” Tanong niya. Napaisip ako. Kailangan pa ba iyon? Tatlo lang naman kaming magkakaibigan.
“Do I really need that?”
“Syempre!” Mula sa likurang sagot ni Elizabeth. Para itong kabute basta na lang sumusulpot.
“Aba himala, busy ka sa buhay mo?” Sita ni Kendra sa kanya. Tumawa ako ng bahagya dahil namula mukha niya.
“Gagi! Hindi ako busy. I was grounded by my adoptive parents dahil sa kalokohan ko!” Naiiritang sagot niya.
“Okay, let’s plan your hens' party!”
“Bakit hens? Hindi bachelorette?” Tanong ko sa kanya.
“Well, in Europe, they call it a hens party, to c**k!” Bulgar na sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko. Kita kong napailing si Kendra, hindi ko rin alam ang isasagot ko sa komentong iyon. Naumid ang aking dila.
“Okay, how about a bar party? Sagot ko na. This will happen on Saturday." Tila tuwang-tuwa ito.
“Sounds great!” Sang-ayon ni Kendra. Wala na akong nagawa kaya oo na rin lang din ako.
“So, shopping or salon time?” Tanong ni Elizabeth
“Swimming!” Sagot ni Kendra. Ayokong lumabas.
“Great buti na lang lagi akong ready, kunin ko lang ang swimwear ko sa kotse. Tawagan ko na din sina Romulo at Enzo.” Imporma niya. Binundol na naman ako ng kakaibang kaba. Bakit hindi nawawala ang kabang iyon kapag nababanggit ang pangalan ni Romulo. Pero hindi ko na kinontra pa.
Nag send ako ng message kay Darius.
Pumasok ako sa loob ng bahay, para mapahanda ang BBQ grill at ipapa set-up ko sa garden. Dinig kong yabag ni Kendra.
“Pwede bang hindi na kami sasali ni Enzo?” Mahinang tanong nito. Napalingon ako bigla.
“Bakit, ano na naman ang iniisip mo?”
“Aakitin siya?” Prangkang sagot nito.
“Kendra!”
“What?! Ang dami kasing arte tumitigas din naman kapag nilalandi ko. Maka tanggi akala mo naman hindi tinitigasan!” Shock gripped me. Gano’n na ba ka desperada ang kapatid ko para sa atensyon ng isang Lorenzo Adizzone?
“That’s too much Kendra, kung ayaw h’wag mo na ipilit ang sarili mo. You're beautiful, smart and sexy. Ang daming nagkakandarapa sayo.” Paalala ko sa kanya. I just wanted to make sure she wasn't forgetting about her physical attributes.
“Yeah, marami nga pero hindi naman sila ang gusto ko, kundi si Enzo, mapipilit ko rin ba?” Pilosopong sagot nito. Napailing na lang ako.
“Ikaw ang bahala. Ano bang plano mo?” Tanong ko sa kanya, lumapad ang ngisi nito at hinalikan ako sa pisngi.
“I got it covered. Nasundan ko na lang si Kendra ng tingin palabas ng komedor. Napailing ako. She’s an adult, and she knows what is right and wrong. I’ll be there for her if things turn sideways. “See you later, and I’ll be back in thirty minutes.” Pahabol niyang sigaw. Napailing na lang ako. Tinungo ang kusina kung na saan si Aling Carla. I smiled when I saw her laughing while watching her favorite TV shows. It's been more than thirty years since she started working for us. Hindi pa daw ako pinapanganak nandito na siya.
“Aling Carla, palabas naman ng mga gagamitin namin sa pool area, grilled, meat po, fruits, and juices. Pa set up na rin po ang mga lounge chairs and umbrellas.” Utos ko sa katulong namin.
“Opo ma'am. Gusto niyo bang maglagay ng open giant tent, masakit po sa balat ang sikat ng araw.” Mungkahi niya.
“Opo sige po. Salamat.” Agad akong tumalikod at umakyat sa aking silid. Isang one-piece red-orange single-strapped swimsuit ang napili kong isusuot. There is a symmetrical belt on the left side that exposes my curves. A smile spread across my face as I stared at my reflection. Pumasok ako sa walk-in closet para kumuha ng towel sun blocked and my shades. Ilang minuto pa dinig ko na ang malakas na tawa ni Elizabeth sa baba. Siguro dahil dumating na sila.
Kumuha rin ako ng white cover-up and my floppy straw brown hat. It has a ribbon on it. I spray blue water cologne. I put on my matte lipstick. I popped my lips a few times to make them even.
Pababa ako ng hagdan ng saktong pumasok si Darius. Parang tumigil ang pag-inog ng mundo ko. Napa awang ang bibig ko, as if everything around me was in slow motion. He’s wearing a short sleeve turn down collar polo and white khaki shorts. Aviator sunglasses, and his hair was messy but added to his s****l appeal.
“Hon, watch your steps please pakakasalan pa kita.” Biro nito sa akin dahil sa reaksyon ko ng pumasok siya.
“Aba dapat lang.” Ingos kong sagot dahil gusto kong takpan ang pagkapahiya ko. I look like a teenager in front of my crush.
Nang nasa harapan ko na siya, he wraps his arm around my waistline and gently claims my lips. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga at ang kanyang mamahaling pabango na swabe lang sa ilong. Hindi matapang, amoy bagong ligo. God! Me and my mind!
“Hey love birds maya na ang tukaan nagugutom na kami.” It was Enzo kahit kailan talaga panira ng moment.
“Galing mo. Good timing, ka kahit kailan talaga!” Pagtataray ko sa kanya. Nagmartsa na ako palabas at alam kong kasunod ko lang sila.
Elizabeth wore an apple green two-piece. Ang ganda talaga ng hubog ng katawan niya. Her small waistline was just perfect. Nakatalikod si Romulo, talking on the phone.
“Kristina, swimming na tayo?” Tanong ni Elizabeth sa akin. Doon pa lang lumingon si Romulo. I couldn't tell what’s his thinking kasi hindi ko nababasa ang mga mata niya dahil naka dark sunglass ito. He is staring at me I'm sure.
Ngumiti ako kay Elizabeth, ng pumulupot ang braso ni Darius sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Kinawit ko ang braso ko batok niya. Amoy na amoy ko ang mabangong inihaw. Iginiya ako ni Darius sa lounge chair.
“Hon nagsublock kana?” Tumango ako and smiled at him. Hindi ko alam kung paano ang ikikilos ko sa tuwing nasa paligid lang si Romulo.
I feel really uncomfortable about every encounter we have. Napa-praning lang ba ako? Or this is a woman’s instinct when the predator is just around the corner, waiting for just the right time to bite.
Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa ayon na naman ang iniisip ko. Kendra is not yet around. Kanina pa siya umalis sabi niya trenta minutos lang pero wala pa siya.
“Ma’am Kristina luto na po.” Imporma sa akin ni Aling Carla. Masyadong abala ang isip ko.
“Salamat po, ako na po bahala dito. Magpahinga na po kayo.”
“Sige po ma'am nasa kusina lang po ako kung may kailangan pa kayo. Sasabihan ko rin po si Marietta na samahan kayo dito baka may iutos kayo sa kanya.”
Aling Carla prepared grilled liempo, shrimp, oysters, squid, and rice. May fresh fruits din, and juice. I saw a cooler next to the grilling area. Lumapit ako doon.
“Who wants a beer?” Nagsitaasan ang kamay ng tatlo. Isa-isa ko silang inabutan. Lorenzo quickly took the beer. Darius smiled and mouthed thank you. Nang inabot ko ang beer ni Romulo yumakap din sa kamay ko ang palad niya. Agad kung hinila iyon at tumingin kay Darius. Abala ito sa paglalagay ng pagkain sa plato ko. Now it is confirmed. This is not imaginary, it is real!
Nawalan ako ng gana kumain. Naka ilang subo lang ako at inaya si Darius maligo. Nagpaunlak naman ito. Those worries were forgotten when Darius was beside me.
“Nabili ko na ang Island na gusto natin hon,” Nakalubog kami pool at nasa likuran ko siya. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko at nakayakap ang braso niya sa aking bewang. Agad akong humarap sa kanya.
"Talaga?” A beam of joy filled my eyes.
“Yes, kinuha ko na rin ang kumpanya niyo para sa construction sabi ni Papa, siya na bahala.”
“Thank you, hon.,” Inilapat ko ang aking labi sa kanya.
“You’re always welcome, hon.” That whole day was beautiful and happy. Kendra is being Kendra hindi ito dumating…
Bachelorette Party:
Maingay at malakas ang tunog ng disco music ang sumalubong sa amin sa isang exclusive bar dito sa Makati. Tatlo lang kami dapat. Kaso nag-aya pa si Elizabeth ng ibang kaibigan niya. Hinayaan ko na lang para masaya. She even hired a call guy para sumayaw sa harap namin. Ayoko sana ng ganito pero ayoko naman sabihan ng kj ni Elizabeth. Besides alam naman ito ni Darius. He teased me to have fun.
Pumasok na kami sa VIP room it was a bit dark, sapat lang na may maaninag ka, patay-sindi ang mga ilaw at malakas na music. Hinila ako ni Elizabeth at pina ulo sa gitna ng mini stage. Sila kabilang gilid ko at may malaking box sa gitna namin. As the light became darker, a blue light was turned on and a careless whisper song began to play. Iritan na ang mga kaibigan ko. Kendra laughed. Napatakip ako ng mukha ng unti-unting bumukas ang malaking kahon at isang lalaking naka mask at may Santa hat sa ulo ang lumitaw. Akala ko isa lang ngunit limang lalaki ang lumabas sa kahon. Una nila akong nilapitan at gumiling sa harapan ko. Napatakip ako ng aking mukha ng dahan-dahan nilang tinatanggal ang mga damit nila at inihagis iyon isa-isa sa amin. In fairness mabango. Sumasakit na ang panga ko kakatawa. Inabutan ako ni Kendra ng wine. Agad kong tinungga iyon dahil sa excitement at natatawang sayaw ng mga lalaki. Hindi naman malaswa pero grabe wala akong masabi. This was something I had no idea was happening.
Hindi ko na namalayan kung naka ilang shots na ng wine, si Kendra abot lang ng abot, ako naman tanggap ng tanggap sa wine sa binigay niya. Nang matapos ang shows, ng mga ito nagpahinga sila at may pang last round pa. Nagpaalam ako kay Kendra na pupunta ng banyo. Still dark kaya hindi ko makita ang iba namin kasama paglabas ko ng VIP parang umikot ang paligid ko.
But I still manage to go to the toilet. Naghilamos ako ng mukha para mabawasan ang kalasingan ko. Nang matapos ako, bumalik ako sa aming VIP room pero natulos ako sa aking kinatatayuan.
Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Darius and Elizabeth are having s*x. Dinig ko ang ungol nila. Parang naninikip ang dibdib ko. As I heard Darius depositing his seeds inside Elizabeth. Napatakip ako ng aking bibig. My tears fell down. Parang sinaksak ako ng ilang libong kutsilyo.
Pero hindi pa rin ako umalis, nakatunghay ako sa kanila, hindi nila napansin na bukas ang pintuan nila. Nang simulang gumiling si Elizabeth sa kandungan ni Darius.
“Oh, f**k Kristina!” mula sa bibig ni Darius. I smiled bitterly. My heart shattered into thousands of pieces. Masokista ata ako, dahil kahit dinurog na ang puso ko hindi pa rin ako umalis hanggang isalya ni Darius si Elizabeth sa pader. Talaga ba hindi man lang nila ako napansin at sarap na sarap sila sa kahayupan nila. Nang nilabasan ulit si Darius pumalakpak ako.
Agad binitawan ni Darius si Elizabeth at itinaas ang boxer nito hindi man lang natanggal dahil sa kalibugan nila.
“Tapos na kayo? Masarap ba?” Puno iyon ng pang-uuyam. Elizabeth covered her face.
“Oh, bakit tinakpan ang mukha mo nahiya ka pa? Ahas ka! Kanina ungol ka ng ungol ngayon naman iyak ka nang iyak? Wow ha? Matapos kang masarapan at nagpakangkang sa fiancé ko iiyak ka? Galing! Galing-galing naman!"
“Hon let me —”
Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Darius. “You don't need to, I have seen enough, sana sinama niyo ako para threesome tayo!” Galit na galit kong bwelta sa kanila. I walked out. Patakbo akong lumabas sa VIP room na iyon. Nawala ang kalasingan ko. Hayop! Mga hayop kayo…!