EMBERLYNN’S POV: “Drake! Drake!” “Emberlynn!” Malakas na sigaw ni Drake. Hinihila na ako palabas. Pero mula kung saan, mabilis na dinisarmahan ni Barone ang mga pulis. Kinuha nito ang susi at kinalagan ako. Mabilis akong pumasok pabalik sa conference room. “Walang hiya ka talaga!” Akma ko siyang lalapitan ng tinutok niya kay Drake ang baril. “Wala kana bang kasing sama ha Carina?” Bulyaw ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak. Dahil magkapatid kami pero ganid ang umiiral sa kanya. “Wala kang alam sa pinagdaanan ko Emberlynn kaya wala kang karapatan na sabihin na wala akong kasing sama. "I grew up in hell and the only thing that kept me going was the thought of killing you myself!” Matalim na sagot ni Carina. “Anong kasalanan ko sayo? Bakit ganito na lang ang galit mo sa aki

