EMBERLYNN's POV: Pakiramdam ko nasa alapaap pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang surpresa ni Rem-rem sa akin pero bigla itong nabura ng bigla na lang sumugod si Raider para lamutakin ang cake na nakahain sa mesa. "This is delicious thanks kuya. Would you like to eat Len?" Nakangisi niyang tanong. Pinandilatan ko siya ng aking mga mata. Dahil para sa akin iyon. Hindi naman para sa kanya, pero mas nauna pa siyang kumain kesa sa akin! Walang modo, bastos at napaka antipatiko! “Akin yan, binigay ni Rem, bakit ikaw pa ang unang kumain. Hindi ka man lang nahiya talaga?” Hindi ko mapigilan ang aking inis dahil gusto ko pa sanang makita ang nakasulat doon pero sinira na niya. Kundi pa naman siraulo. “What? Inalok naman kita sa cake mo ah, and I am famished!” Nakangising sagot nito. “Raider!

