ROMULO’s POV: Five years ago, the continuation... “Ang bibig niyo naman po, nasa lupa pa lang ako, impyerno na agad? Mabait kaya ako?” Mabilis ko siyang nilapitan at hinaklit ang braso niya. Hawak ng isang kamay ko ang baril sa mesa. “Aray naman po. Sir naman masakit! Pwede naman akong kausapin.” Kita kong napapangiwi siya sa madiing kong pagkakahawak ng braso niya. Kinaladkad ko siya palabas ng opisina ko habang nakatutok sa sentido niya ang baril ko. “Madell?” Umalingawngaw ang boses ko sa buong kabahayan. “Madell!” “Si—sir Romulo?” Namumutla ang mukha ni Madell na lumapit sa akin. Takot rin ang nakikita ko sa asawang si Norman na kasunod lang nito. “Who the hell is she? What the f**k is she doing in my house?” Nanlilisik ang mga mata kong tanong sa kanya. Kita ko rin ang panganga

