RAIDER’s POV: Halos isang linggo lang din akong nakahiga sa kama. Hindi nila ako pinakawalan. Kahit magaling na ang tama ko. Habang tumatagal ako sa lugar na ito lumalaki ang tsansa kong hindi na maging akin si Emberlynn. Parang wala na rin naman pakialam si Rem, mayro’n na siyang Emily. Speaking of her hindi niya man lang pinupuntahan ang fiancée niya dito para tignan man lang. O gusto mo rin siyang makita? Aminin kasi? Ilang araw na kaming magkasama ni Rem dito pero ni minsan hindi siya nagtangkang kausapin ako. Isang tanong, isang sagot lang ito. Lagi rin siyang nakatalikod sa akin. A sign that he needs his space and to rest peacefully. Oh, di siya na! I am so f*****g bored. Pati pagkain ko sinusubo sa akin. Wala akong ibang nakikita dito kundi ang dalawang doktor at si Romulo. Wala n

