MADELINE’s POV: Inabot kami ng halos katorse oras mula Pilipinas papuntang Catania-Fontanarossa Airport. Mula airport bumiyahe pa kami ng kuwarenta minutos mula Catania airport hanggang sa Santa Caterina. Malamig ang klima kaya nag jacket ako. Pero nanonoot pa rin sa balat ko ang sobrang lamig. “Try this.” Alok ng commanding officer namin. Nahiya naman ako, sanay naman ako sa lamig. Kahit naman sa California nagye-yelo din naman doon. “It’s okay, Captain.” Tanggi ko hindi kami close para tanggapin ko isa ayoko naman may masabi ang mga kasamahan ko. “How about a hug, Madz? Was it a very effective remedy for the cold? Would you disagree, Captain?” Natatawang tanong ni Rob sa Kapitan namin. Sarap pektusan. Ako na naman nakita niyang asarin. But it made me smile inside my head. Alam ko

