THE PAST… THE CONTINUATION… KRISTINA’s POV: Halos hindi ako makabangon kinabukasan paggising ko. Bumangon ako pero bumalik din ako sa kama. Wala na si Romulo. Hindi ko alam kung saan siya nag punta. Napatingin ako sa mantsang tanda na wala ang bagay na iningatan ko sa napakahabang panahon. Kung hindi ako babangon walang mangyayari sa akin. Binalot ko ng puting kunot ang hubad kong katawan. Kita ko ang marka ng mga kamay ni Romulo sa aking pulsuhan at aking mga hita. Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi. Tiniis ko ang sakit at paika-ikang pumunta sa banyo. Naghilamos ako ng mukha at binuksan ang mirror cabinet sa harapan ko. May nakita akong mga gamot at binasa iyon. Pain reliever agad akong uminom ng dalawa kahit walang tubig. Sumayad pa ang pait sa lalamunan ko. Tiniis ko iyon. Umu

