EMBERLYNN’s POV: Matapos ang halos p*****n na eksena ng Darius na iyon at pagkamangha ng mga tauhan niya. Sigurado akong nakuha ko ang respeto ng isang anak ni Toledo. Bumalik ako sa penthouse na pinagdalhan sa akin ni Barone. Tahimik nakasunod lang siya sa akin. “Kailan ang training ko?” Tanong ko sa kanya. “It was stated in the meeting, hindi ka kasi nakikinig. Puro ka taas ng kilay at kibot ng labi mo. Kaya ka walang naiintindihan. Tandaan mo Miss ang tagumpay mo sa mission kapalit ang kaibigan mo at ang tatay mo.” Mahabang pahayag niya. Naumid ang dila ko. Tama siya. Hindi nga ako nakikinig. Isa pa itong si Darius eh, ramdam ko ang hidwaan nilang mag-ama. Pero ito naman kasing bibig ko. Hindi ko na pigilan maki marites pa. “Hindi mo naman kailangan ipa alaala Barone, alam ko ang na

