EMBERLYNN’s POV: Habang naglalakad kami papunta sa coffee shop ng hospital. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Pinaghalong galit, inis at namimiss ko rin naman kasi si Rem. Kahit hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang bawat salitang sinulat niya anim na taon na ang nakakaraan. Mapait akong ngumiti. “That’s a bittersweet smile?” Komento nito. Napailing ako. Mas lamang iyong pangako ko noon na makakatikim siya ng blackeye sa akin kapag nagkita kaming muli. “Nah, I just remembered an old friend.” Tanggi ko. “Oh yeah? I had a friend too. Way back in Sicily.” Tapat niyang sagot. “Really?” Hindi ko alam kung ngingiti o ngingiwi ako dahil sa sinabi niya. Tumango siya. Kita ko ang kislap sa mga mata niya pero bigla ring nawala iyon. Isang cozy na coffee shop na may war

