"Balik kayo!" kumakaway na sabi ni Janine. I turned around and gave her a small smile bago sinundan ang naglalakad na pigura ni Ate sa harapan ko. Bago man ako makaalis sa kusina ay dumating si Ate para tawagin kaming dalawa. Nakuha na daw niya ang kaniyang kailangan kaya kailangan na naming bumalik. I sighed. It was relieving while it lasted. Gusto ko mang magtagal pa, hindi na pwede dahil maggagabi na rin at kailangan ko na ring itakas si Xandrei mamaya. "What happened? Bakit hindi na kayo bumalik?" pagbasag ni Ate sa katahimikan. Nangunguna sa amin si Andriel at pinapagitnaan namin si Ate. Hindi ko alam kung gaano kalayo pa ang lalakarin namin para sa pinag-parkingan ng kotse na maghahatid sa'min pabalik sa building. "I heard Kaz' shouts," mahinang dugtong niya. She turned around so

