Kung hindi pa tatawagin ng Mayordoma ang apat ay hindi pa tatantanan ng mga ito si Agnes. Sinamantala ito ng dalaga at nagtungo muna sa maid's quarter. Magtatago muna s'ya dahil baka nasa paligid lang si Aeros. Ngunit pagpasok ng silid ay dinatnan niya roon si Lucy na masama ang timpla. Aatras sana ang dalaga at hindi na tutuloy nang pigilan ito ni Lucy. Tumanggi si Agnes at sinabing marami pa syang gagawin sa labas ngunit hinila siya papasok ng babae. "Magsabi ka ng totoo, anong ginawa n'yo ni ser Aeros sa loob ng kuwarto niya, ba't nag lock pa kayo?" Tanong nito na animo'y isang imbestigador. "Wala.... Ano bang gagawin namin?" Sagot ni Agnes ngunit paiba-iba ito ng tingin. Hindi siya makatingin nang diretso kay Lucy dahil parang gusto siyang kainin nang buhay nito. "Singungaling! Dal

