"Kumusta ka na Agnes, hindi ko akalaing makikita uli kita at sa ganitong pagkakaton pa." Wika ng lalaki habang hawak pa rin ang kamay ng lalaki, namimilipit ito. Gustong matawa ng dalaga, nakikipag-kamustahan ang lalaki habang may pinipilipit ito. "Ayos lang ako, mabuti't dumating ka." "Bitiwan mo ko! Hindi mo ba alam kung ano ako dito! Ipapasisante kita!" Sigaw ng interviewer habang pilit hinihila ang kanyang kamay ngunit wala siyang laban sa lakas ng lalaki. Doon lang napukaw ang atensyon ng lalaki, malamig niyang tiningnan ang interviewer. "Hump! Wala akong pakialam kung ano ang posisyon mo dito o kahit Ikaw pa ang may-ari nitong kumpanya, akala mo ba natatakot ako sayo? Sinong may sabi sayong bastusin mo siya?" "Ged..." Tawag ni Agnes sa lalaki. "Bitiwan mo na siya." Nang binitiwa

