"Agnes!" Agad lumapit si Dianne at agad din'g itinulak nang malakas ang lalaking nakakubabaw sa babae sa ilalim nito na alam niyang si Agnes. Tinulungan niya ang dalaga na ayusin ang sarili. Sa mga oras na iyon ay halos matanggal na ang br@ nito, ngunit dahil sa panlalaban nito ay hindi iyon tuluyang natanggal ni aeros. Habang si Dianne ay aligaga sa pagtulong sa kaibigan, sa gilid naman ng kama ay naroong nakatunganga lang ang natulalang si Juvy. Nag-ngi-ngitngit ang mga ngipin nito na'ng maisip kung ano ang dinatnan nilang nagaganap sa dalawa pag pasok nila. Naisip niya kung hindi siguro sila dumating siguro ay nagpapakasaya na at nasa alapaap na ng kaligayahan ang mga ito. Hindi iniisip ni Juvy na dehado at inagrabyado si Agnes sa nangyari, hindi rin niya naisip na hindi talaga ginus

