Nang matapos nang kumain ang lahat pati ang mga katulong ng hapunan ay lumabas na rin si Agnes mula sa maid's quarter dahil nagugutom na rin ito. "Hay, salamat at lumabas na rin ang feeling señorita!" Parinig ni Lucy na hindi naman pinansin ni Agnes. Nilagpasan nito ang dalaga ngunit bahagya niya itong binangga sa balikat. Pinandilatan ni Dina ang iba nang tangkain ng mga ito na lapitan si Agnes, nalalaman niya kung ano ang balak gawin ng mga ito. Payapang nakapaghapunan ang dalaga, ngunit nang matapos siyang kumain ay hindi na nakatiis ang mga katulong. Matapos maghugas ng kanyang pinagkainan ay agad siyang pinaikutan ng mga ito. "Agnes, magsabi ka ng totoo...... May namamagitan ba sa inyo ni ser Aeros?" Nang marinig iyon ay napaatras ang dalaga. Tila may trauma ito sa katanungang ito

