Maya-maya lang ay maririnig ang mga yabag ng mga nagdudumali na paparating sa kusina. Lalong inilakas ni Cindy ang kanyang pag-iyak. "Grandma esmie, tulungan n'yo po ako..." Bumungad sila Esmeralda, Fredericko at Ms. Mildred. Katatapos lang ng mga ito mananghalian kasama si Cindy. Naiwan ang tatlo sa mahabang mesa habang nag uusap-usap. "Cindy, Cindy.... What's happened?" Agad itinayo ni Esmeralda ang babae lalo na nang makitang nakasalampak ito sa mga bubog ng mga nabasag ng plato. "Lola esmie, itinulak niya po ako..." Sumbong ng babae. Bumaling ang donya sa naguguluhang si Agnes. Hanggang ngayon ay hindi ito makapaniwala sa ginawa ni Cindy. Ngayon ay malinaw na sa kanya na balak siyang i-set up nito. "Agnes, anong ginawa mo kay Cindy?" Umiling-iling ang dalaga. "W-wala po akong gina

