"Agnes." Natigilan si Agnes sa paglalampaso sa mahaba at mataas na hagdan at napatingin kay Lucy. "Ano yun?" Tanong niya habang patuloy sa ginagawa, tila ayaw niyang tapunan ng pansin ang babae. "Itigil mo muna yan at mag-usap tayo." Utos ni Lucy na parang amo. Tumaas ang kilay ni Agnes at tumingin sa babae. "Tatapusin ko muna itong ginagawa ko, umalis ka muna at na-aabala mo ko." Iwinasiwas n'ya ang kanyang kamay sa babae na parang nagtataboy lang siya ng langaw. "Hindi! Ngayon na tayo mag-usap!" At kinuha ni Lucy ang pang lampaso sa kamay ng dalaga at inihagis sa isang tabi, saka ito hinila sa isang abandonadong silid. Maraming silid ang mansyon ng mga Villacorte, at dahil da-dalawa lang naman ang amo dito, maraming kuwarto ang bakante. "Ano ba kasi yun? Baka mahuli tayo ni Ms. Mil

