Sinulyapan ni Fredericko ang pamangkin nang magbalik ito mula sa men's restroom, ngunit nagtaka siya nang makita ang tila lugmok at malungkot na hitsura nito. Batid niyang ang dahilan ng pagtayo nito kanina ay para 'makipagkilala' sa ilang babaeng ini-spot-an nito at gawin iyon sa restroom, batid rin niya na dapat pagkatapos ay masaya't kuntento na ang palikerong pamangkin kaya nagtataka siya kung bakit ganito ang ayos nito. "May problema ba?" Hindi maiwasan niyang tanong. Dahil sa pag iisip sa pamangkin ay nakaligtaan niya ang nagdi-discuss na busines partner sa mesa. Tanging pag-iling lang ang isinagot ni Aeros, tulala ito habang tila may iniisip. Samantala sa di-kalayuan ay tinatanaw ni Cindy ang binata. Dito siya nakapuwesto kanina, hindi nga lang siya nakilala ng binata. Maging siya

