"Ate Dina, ano bang nangyayari, bakit parang ang seryoso nila ser Aeros at donya esmie doon sa sala?" Tanong ni Becca habang pasilip-silip sa malaking living room. "Hindi ko rin alam e. Basta sinabihan lang ako ni Ms. Mildred na sabihan kayo na huwag munang pakalat-kalat, dito daw muna tayong lahat sa kusina." Maya-maya ay diri-diretsong pumasok si Lilibeth, galing ito sa pagdidilig ng halaman at pagba-brush ng semento sa labas. "Anong nangyayari sa inyo diyan bakit parang mga nanunubok kayo?" Nagulat na lang ito nang biglang siyang pagtulungang hilahin ng mga kasama. "Saan ka nagdaan?" Tanong ni Preciosa. "Sa sala. Doon naman talaga dadaan kapag galing sa labas diba? Bakit n'yo tinatanong?" Pagtataka at sagot ni Lilibeth. "Anong napansin mo nung dumadaan ka doon? May narinig ka ba sa

