"Anong sinabi mo?" Tiningnan at pinakiramdaman ni Vance ang kaibigan. Pinagmamasdan niya ang magiging reaksyon nito. Lumamig ang mga mata Aeros. "Tama ba ang narinig ko, ha Vance?" "Well...." Sinubukan niyang basahin ang reaksyon ni Aeros hanggang sa makita niya ang tila pagdilim ng awra nito. "Vance, hindi ko alam kung ano ang biglang pumasok sa utak mo, pero kilala kita...... Anong binabalak mo?" Hindi agad makasagot si Vance, hindi niya naisip na magtatanong nang ganito ang kaibigan. Nagsisisi tuloy siya dahil sinabi pa niya na gusto niyang pormahan si Agnes gayong puwede naman n'yang ilihim iyon. Ngunit dahil naku-curious din siya na malaman kung meron nga bang pagpapahalaga ang kaibigan para sa dalaga katulad ng sinasabi ni Cindy kaya naisip n'yang subukin ito. Bigla siyang nagta

