"Oh my god! She's out of her mind!" "Dali, tulungan n'yo si Jasper, he's bleeding!" Nagkaroon bigla ng komosyon na nagpalabas kay Ms. Mildred na noo'y abalang naghahanda ng ipupulutan ng mga bisita. "Anong nangyayari? Bakit nagkakagulo?" "Ms. Mildred..... S-si Agnes po...." Napamaang si Agnes sa nagawa ngunit hindi niya iyon pinagsisisihan. Katunayan ay nasiyahan siya dahil nagawa nyang lumaban at ipagtanggol ang sarili. Kahit nakita niyang dumugo ang ulo ni Jasper, hindi siya natakot dahil alam niyang hindi naman iyon ikamamatay ng lalaki. Sumama ang tingin ng mga kaibigan ni Aeros kay Agnes. Nalalaman nilang si Jasper ang nagsimula ngunit para sa kanila ay sumobra naman ang dalaga sa ginawa nito. Malinaw na anuman ang ginawa ni Jasper, dito pa rin sila kakampi. Lumapit si Aeros at

