"Sir aeros? Sir aeros!" Tawag ni Agnes. 'Naku, hindi kaya, tumakas s'ya?' nakahanda na sana siyang umalis at iulat kay Ms. Mildred ang nangyari. Ibinilin kasi ni Fredericko sa kanila ng mayordoma na bantayan ang binata. Ngunit nang paalis na ay bigla siyang nakarinig ng paglagaslas ng tubig. Inakala ni Agnes na baka nasa banyo lang ang amo nang maulinigan niya muli ang paglagaslas ng tubig. Doon nya natukoy na hindi iyon nanggagaling sa banyo. Nang pakinggan niyang mabuti ay naulinigan niya ito sa bintana. Nang sumilip si Agnes ay natanaw niya ang nagsi-swimming na si Aeros sa isang malaking pool sa ibaba. May madadaanan sa kuwarto ni Aeros mula sa veranda papunta ng pool, at hindi ito nakita ni Agnes nung huling pasok niya sa silid ng binata. Nang pagmasdan nita ang amo ay bigla itong

