Chapter 54 – Unexpected Interrogation

1386 Words

Nanigas na lamang si Agnes sa kanyang kinatatayuan at hindi makasagot. Tila umurong ang kanyang dila at hindi na makapagsalita. Nag-iba siya ng tingin dahil hindi na ito makatingin nang diretso sa matanda, ngunit dahil dito ay lalo lamang lumaki ang pagdududa ni Esmeralda at tila nakatitiyak na ito sa kanyang hinala. "Tinatanong kita, bakit hindi ka makasagot?!" Sigaw ng donya. Umiling-iling si Agnes ngunit patuloy pa rin ito sa pag-iwas ng tingin. "H-hindi po... sa kin 'y-yan... D-donya esmie." Utal-utal niyang sagot na nagpakulo lang sa dugo ng matanda. Sinunggaban nito ang dalaga at iniharap ito sa kanya. "Ang akala ko pa naman ay matino ka, umamin ka nga.... anong pinaplano mo sa apo ko, sinadya mo bang mamasukan dito kagaya ng isang oportunista na sinasabi ni Cindy?! Ano, magsalit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD