"Anong ginagawa mo? Tigilan mo yan!" Pumalag at nanlaban si Agnes. Kung kanina ay plano niya ito bago umakyat sa kuwarto ng guwapong amo, ngayon ay hindi na matapos siyang mainis dito. Nawalan na rin siya ng gana para dito. "Stop pretending! I know you came for this. Kung hindi, hindi ka siguro maliligo muna at magpapabango bago umakyat dito sa kuwarto ko, hindi ba?" Iginawi ni Agnes ang ulo sa gilid. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo." Nagtawa ang binata. Naaaliw ito sa pagpapanggap ng dalaga. "Fine, sinabi mo e." At itinuloy niya ang pagpunit sa damit nito. Nang muli siyang pigilan ng dalaga; "Don't worry, I'll buy you a new one." Sa pagkakataong ito ay hindi na tumutol si Agnes. ........ "Agnes, ayos ka lang? Mukhang antok na antok ka a." Bati ni Dina habang naghihiwa ng bawang na

