Simula

3172 Words
Tila mga alon ng alaala ang namutawi sa akin pagkaapak kong muli sa lugar na ito. Para bang walang nagbago. Lumipas lang ang panahon, at kung paano ko ito nilisan noon ay ganoon ko rin siyang binalikan ngayon. Three years may not sound too long, but I can't believe how quickly time has passed. Hindi ko rin ma-imagine na pagkatapos ng lahat nang nangyari, I would still find my way back here. Inaasahan ko pa ngang may bigla na lang babato sa akin. Na galit at pagkamuhi galing sa mga taong nandito ang bubungad sa akin. Alam kong naaalala pa nila ako at ang nangyari tatlong taon na ang nakalilipas. Iyon nga lang, animo'y lahat sila ay tuluyan nang nakausad at ibinaon sa limot ang lahat. Na para bang isa na lamang akong anino ng kahapon, isang estrangherong hindi nila kilala. Maybe that's for the better. Mas mabuti na rin siguro ito kaysa sa mga mas malalang eksenang iniisip ko. Yeah, I guess this way is easier to bear. "Rafa? Is that you?" Ang pamilyar na tinig na iyon ang dahilan upang bumalik ako sa kasalukuyan. Sa likuran ko ito nanggagaling kaya naman, unti-unti akong lumingon dito. Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. I scanned her from head to toe, paulit-ulit akong kumurap, trying to convince myself na baka hindi ko lang malinaw na nakikita. Gone were the lavish clothes. Gone were the glittering pieces of jewelry that used to hang from her body. She looked so different now that for a moment, I almost failed to recognize her. "Mommy?" I asked, unsure. Oh God. Please, tell me this isn't true. Hindi nga nagsisinungaling ang kapatid ko. Akala ko'y niloloko lang niya ako. Hindi ko halos mapaniwalaan iyon, kasi alam kong hindi niya magagawang idamay sila. But who am I kidding? Sa galit niyang iyon, wala siyang sasantuhin kahit sinuman. I was a fool for believing na kahit papaano, he would spare my mother and sibling because he knew very well that they had nothing to do with it. Hindi ko alam kung paano i-proseso ang biglang pagbuhos ng katotohanan. I thought they were doing well, kasi iyon ang pinaniwala sa akin ni Mommy sa mga sulat niya, sa bawat tawag, sa bawat pagsabi niya na okay lang sila. But seeing her now, so far from the image I held in my mind... it breaks me. "Mommy... what happened? Why are you... why..." Nabasag ang boses ko't nauutal. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Para akong na-blanko, natuyuan ng salita. Nakatitig lang siya sa akin, kumikinang ang mga mata niya, animo'y may malalim na lihim na nakatago. Bumukas ang kaniyang bibig pagkatapos ay muli niyang itinikom. Na para bang may mabigat siyang dinadala na hirap siyang pakawalan. "Why are you here?" she finally asked, her voice breaking into anger. "Bakit ka pa bumalik? Hindi ba't sinabi ko na sa iyo noon na kahit anong mangyari, huwag na huwag ka nang tatapak dito?!" Napakurap ako, halos hindi makapaniwala sa sinabi niya. Mababakas din sa boses niya ang takot na hindi ko mawari kung saan nanggagaling. Na para bang ang pagbabalik ko rito sa lugar na ito ay isang malaking kahibangan. Hindi ako nakasagot kaagad dahil hinila niya ako papasok sa loob ng bahay, animo'y iniiwasan na may makakita sa akin. At sa ikalawang pagkakataon, muli akong nagulat sa nakikita ko. It was almost empty. Bare walls, scattered boxes, and only a few pieces of furniture that looked worn and out of place. It was nothing like the home I once knew. The warmth, the laughter, the sense of safety... gone. "Anong... nangyari rito?" halos pabulong kong tanong, kahit may ideya na rin ako. Mommy clenched her fists, her eyes darting away as if searching for the strength to say the words. "Hindi ka na sana bumalik rito. Oh my god... hindi puwede. He can't know you're here!" mariin niyang sambit, balisa, halos nanginginig. Nagpabalik-balik siya sa harapan ko, parang hindi niya alam kung ano ang gagawin. Her breathing was shallow, her hands were trembling, and her whole body was uneasy. Maraming tanong ang sumiksik sa utak ko, pero higit na nangingibabaw ang kaba. I knew what she was trying to say, but I couldn't just let it slide. Not when I was standing here, seeing this reality with my own eyes. "This is a trap, Rafaela!" she hissed, her voice cracking. "Why did you even fall for it? Ito na lang ang hinihintay niyang mangyari! You... you wasted everything that we'd planned!" I took a deep breath, stepping forward, trying to steady her trembling shoulders. "Mommy, calm down. I don't even understand a thing here! Anong nangyari? What happened to this house... to you? Why—" My words were cut short when she suddenly gripped my arms tightly, her nails digging into my skin as her face twisted with fear. "Because he's not done with us yet," she whispered hoarsely, her voice low but sharp as a blade. "And now that you're here... he'll make sure he finishes what he started." My heart dropped. For a moment, the silence between us was deafening. Kapwa kami napalingon nang bumukas ang pinto. Pumasok ang humahangos kong kapatid at mabilis na dumeretso patungo sa akin. "Ate!" Rafael's eyes lit up with relief the second he saw me. Dinamba niya ako ng yakap, at ramdam ko roon ang bigat ng pangungulila niya. Napasinghap si Mommy. Unti-unting kumunot ang noo hanggang sa tila may mapagtanto. She turned to my brother with sharp, accusing eyes. "Rafael Lester! How could you betray me like this? You told her, didn't you?!" dumagundong ang boses nito sa buong kabahayan, nanginginig sa galit. My brother flinched but stood his ground, stepping back yet refusing to cower. "She has the right to know, Mom! At dapat ding malaman niyang ibinenta mo ang buong Casa Grande!" matapang niyang sagot. Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig kay Mommy. She averted her gaze, guilt flickering across her face, confirming every word my brother had just said. "What... how could you?" bulong ko, halos hindi makapaniwala. Rafael's voice cracked as he pressed on, desperation was evident. "Gusto niyang ilabas si Daddy sa kulungan kahit alam niyang imposible! Marami ring humahabol sa ating mga tauhan na hindi nabayaran sa trabaho nila, Ate. Siya rin ang sumalo sa mga utang na hindi ko alam kung saan nanggaling. And this house... mawawala na rin dahil mare-remata na ito ng bangko. Kaya ngayon, wala nang natira sa atin. Not even a single penny. We're literally poor!" "You brat, shut up!" sigaw ni Mommy, halos nanginginig sa poot. I shook my head, over and over, hoping this was some twisted nightmare. "Nahihibang ka na ba, Mommy? How can you not tell me about what's happening here? At bakit mo pinakialaman iyon? Casa Grande wasn't even yours to gamble!" nahihintakutang bulalas ko. I paused for a moment to gather my breath then turned to face her with accusing eyes. "And after everything, tutulungan mo pa si Daddy? Have you already forgotten what he did? Putangina, Mommy... you knew. You f*****g knew he was also behind this mess!" Nakaramdam na lamang ako ng pamamanhid nang biglang dumapo ang palad niya sa pisngi ko. Napatigil ako, nanlalaki ang mga mata, habang tinitigan siya sa gulat at sakit. Her face was hard, eyes blazing with fury. "You have no right to question me," she spat. "At saka baka ikaw ang nakakalimot dito? He's still your father, the one who raised you both!" Tumigil ang mundo ko sa mga salitang iyon. Sumikip ang dibdib ko't bumilis ang paghinga, na para bang pinagkaitan ako ng hangin. "No," I whispered hoarsely, taking a trembling step back. "He stopped being my father the moment he destroyed us. The moment he destroyed me." Napatingin si Rafael sa akin, nag-aalala, habang si Mommy ay tila natigilan sa sinabi ko. For a second, may bakas ng pag-aalinlangan sa mga mata niya. Pero agad ding pinalitan iyon ng galit at panunumbat. "May kasalanan ka rin dito! Kung sana nakinig ka na lang at hindi itinuloy ang kahibangan mo sa lalaking iyon!" she accused me, her voice trembling with both fury and pain. "Paulit-ulit kitang binalaan na layuan na siya at tigilan mo na dahil malaking gulo, pero ano? Nagpadala ka sa pagpapaikot ng letcheng iyon! Kaya saan tayo dinala ngayon? You're the reason why this family is a mess!" Nabingi ako sa mga salitang iyon. My lips parted in shock, my heart sinking deeper into the pit of betrayal. Hindi ko rin inakalang magagawa naming sumbatan ang isa't isa nang ganito. I tried to calm myself by inhaling deeply, fighting the urge to shout back. Alam kong wala nang saysay kung makikipagtalo pa ako. "Babawiin ko ang Casa Grande," I said with quiet conviction. "Surely, Lolo was disappointed with what you did, Mommy." She scoffed, a bitter laugh escaping her lips. "At sa papaanong paraan mo gagawin iyon? May pera ka ba, huh? Hindi mo na kailangang makisawsaw pa sa gulong ito. Mas mabuti pang bumalik ka na lang sa Milan!" Pagkatapos kong malaman lahat ng ito? Hinding-hindi ako matatahimik ng konsensya ko. Paano ako makakabalik sa Milan at magpanggap na maayos ang lahat, habang alam kong naghihirap sila rito at nawala pa ang halos lahat sa amin, lalo na ang Casa Grande? That land was not just soil and concrete, it was my grandfather's legacy. Labas ang mga Del Frio sa problema ng mga Montilla. I know how mon loves my father, but it was foolish to think she could help him when he's drowning in countless cases. And the family we're up against, they're powerful. Sa galit nila, I doubt they'd ever allow my father, or any of us, to come out of this unscathed. "Kanino... at magkano niyo ibinenta iyon?" tanong ko, pinipilit panatilihing matatag ang boses. "Two hundred million, Ate," Rafael answered stiffly. Napamura ako sa sobrang gulat nang marinig iyon. Saan naman ako kukuha ng ganoon kalaking halaga? Kahit ubusin ko pa ang buong trust fund ko, kahit isama ko pa ang pamana nina Lolo at Lola, hindi pa rin iyon sasapat. "Noong una, nasa mga Montelibano pa iyon pero ngayon—" "I will try to talk to Eugene," I cut him off firmly. Rafael shook his head, bakas ang tensiyon sa mukha. "Mahihirapan ka roon, Ate. Hindi na nila hawak iyon ngayon." Napakunot ang noo ko, confusion written all over my face. I turned to Rafael, then to Mommy. My mother avoided my gaze, her expression tight with fear and guilt. "W-wala na sa mga Montelibano," she finally admitted, her voice cracking. "Binili na iyon ng panganay na anak ng mga Ruiz de Luzuriaga." If earlier I felt my knees weaken, now it was as if a bomb had detonated inside my head. Pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko sa lahat ng nalaman. Hindi ko maintindihan kung bakit at papaano. Sure, he will benefit from that land, pero kagaya ng sinabi ko, labas ang mga Del Frio sa kung anumang ginawa ng mga Montilla! "Ngayon alam mo na kung bakit hindi ka na sana bumalik dito. I'm sure that man is plotting something, kaya binili niya ng doble o triple ang Casa Grande," mariing sabi ni Mommy. "Pero baka may magagawa pa si ate roon, Mommy. Kahit papaano, may pinagsamahan naman sila—" Mommy cut him off sharply. "Nag-iisip ka ba? Sa galit niyon sa pamilya natin at sa ate mo, baka ipadampot pa niya ito sa pulis o baka balakin pang patayin!" nanginginig ang boses niya sa takot. Malaking pagkakamali talaga na umalis ako. Kung nanatili ako, hindi siguro hahantong sa ganito. I made a mistake, and I really regret it. Paulit-ulit akong hihingi ng tawad sa kaniya kahit malabo nang tanggapin niya iyon. Natakot lang ako noon at nadala sa sulsol ni Mommy. I should've faced his wrath and never left this place. Iniwan ko sa ere ang isang taong alam kong walang kasalanan at hindi kayang gawin ang ibinibintang sa kaniya. "Susubukan kong kausapin siya," matigas kong saad, buo ang loob. "If he wants me to kneel or bleed in front of him, so be it. Babawiin ko ang Casa Grande. I don't care what it costs me. Iyon na lang ang natitira sa atin. To hell with what they want to do with the Montillas. They deserve that. Pero huwag lang niyang galawin ang Casa Grande." "Pero what if he wants something from you, Ate? Hindi biro ang halaga niyon, at tiyak mahihirapan ka!" wika ni Rafael, halatang nag-aalinlangan. "Gagawa ako ng paraan," giit ko. "Well, in that case, why don't you lure him again? Malay mo, he still has feelings for you—" "Rafael! Anong pinagsasasabi mo? Balak mo pa talagang ipagkanulo ang ate mo?" gigil na turan ni Mommy. Nagkibit-balikat lang ang kapatid ko, tila balewala ang sinabi nito. "I'm just suggesting. Iyon kasi ang mga nababasa ko sa libro." Napakagat ako ng labi, pilit pinipigilan ang bugso ng damdamin. We're not in the books, and this isn't some kind of fairytale we're living. Kahit anong pigil ni Mommy, hindi ako nagpatinag. Buo na ang loob ko. Haharapin ko siya, pati na ang galit niya sa akin. Hindi na ako nahirapan pa dahil lahat ng impormasyong kailangan ko ay mabilis kong nakuha mula sa kapatid ko. Kahit nagtataka sa lahat ng nalalaman niya tungkol sa taong iyon ay ipinagsawalang-bahala ko na lamang. Hindi na rin ako nagulat nang malamang siya na ang nagpapatakbo ng kompanya nila. Kahit walang konkretong plano, kahit hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, at kahit hindi pa ako handa para sa muli naming paghaharap, pinili kong tibayan ang loob ko. Pumasok ako sa loob ng building, ramdam ang kaba sa dibdib ko. Ilang tao ang napatitig, may mga nagulat, at may mga nagbulungan na hindi ko na pinansin. Dumiretso ako sa front desk. "I want to talk to your boss," diretso kong sabi. Napatitig sa akin ang babae, halatang nataranta, nanlaki ang mga mata. I bet she knew who I was. Sino bang hindi? Siguro, hindi lang sila makapaniwala na nagawa kong tumuntong sa lugar na ito. Sa isip nila'y bakit ang kapal ng mukha kong magpakita pa rito. "Uhm... m-may appointment po ba kayo? Sir Manu is currently busy and he doesn't—" "I need to talk to him. Sabihin mong narito ako at gusto ko siyang makausap," mariin kong putol. May isa pang staff na bumulong sa kaniya. Pagkaraan ay tumango siya rito at muling humarap sa akin. "Nasa 6th floor po ang opisina niya. Susunduin daw po kayo ng sekretarya niya." Hindi na ako nagdalawang-isip pa, kahit saglit pang nagtaka sa huling sinabi nito. Tinungo ko ang elevator at lalo pang lumalakas ang bulung-bulungan sa paligid. Pinindot ko ang naturang palapag nang makapasok, pilit pinapakalma ang sarili. Pagkarating ko roon, isang babae ang naghihintay. Malamang siya ang sekretaryang tinutukoy. Tahimik niya akong iginiya papasok sa opisina, ni hindi nagbitaw ng salita nang buksan ang pinto. I held my breath as I stepped inside. Dumiretso agad ang tingin ko sa lalaking prenteng nakaupo sa swivel chair. Nagtama ang mga mata namin. I didn't bother to look at how much he changed. I didn't want to give him the satisfaction of knowing he could still affect me. Kahit na malinaw na ibang-iba na siya ngayon; mas matikas ang tindig mas malamig ang awra, mas mabigat ang presensya, at mas mapanganib. "Hindi ako naparito para makipagbalitaktakan sa iyo," mariin at deretso kong wika. "Name your price. How much do you need?" Ngunit taliwas sa inaasahan ko, wala man lang bakas ng pagkabigla sa mukha niya. Para bang matagal na niyang inantabayanan ang pagdating ko, na tila ba ang mismong presensya ko ay bahagi lamang ng plano niya. Matalim ang tinging iginawad niya sa akin, animo'y hinahalukay nito ang buong pagkatao ko. Hanggang sa unti-unting umangat ang gilid ng kaniyang labi. He. f*****g. Smiled. Like some holy angel descending from the heavens, except I knew better. That smile wasn't divine. It was dangerous. Unti-unti siyang tumayo. Gumawa pa iyon ng ingay nang sumadsad ang upuan sa sahig. His eyes never left mine, burning with an intensity that made my chest tighten. "Wala man lang bang 'I miss you'? Ilang taon din tayong hindi nagkita," he drawled, arrogance dripping from every word. Binalot ng kaba ang dibdib ko nang unti-unti siyang lumapit sa akin. Humakbang ako paatras habang umaabante siya. His smirk only deepened, smug and knowing. Nang ilang dangkal na lang ang lapit niya sa akin ay huminto siya. A fleeting emotion flickered in his eyes, something painfully familiar. I refused to look deeper. I lifted my chin and steadied my voice. "I don't like wasting my time on nonsense. Uulitin ko, name your price." His laugh filled the entire room, low and mocking, reverberating against the walls. His shoulders shook with amusement, and I could feel my blood boiling. "We both know I don't need your money," he said, voice turning dark. "But if you're offering something else…" He took another step closer, his breath ghosting against my skin. "…then maybe we can talk." My throat went dry. Halos manghina ang tuhod ko. Alam kong tuso siya. He always gets everything he wants. Alam ko rin ang mga bagay na kaya niyang gawin. "I won't play your game if that's what you're thinking," I said firmly, forcing the tremor in my voice to fade. Ilang saglit pa ay namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Then I felt the weight of desperation in my chest, the kind that ached too much to contain. "Please, Manu..." pagsusumamo ko gamit ang basag na boses. "You know how much Casa Grande means to me. Ito lang ang ipakikiusap ko sa iyo." A single tear slipped down my cheek before I could stop it. He finally closed the space between us. His hand reached out, brushing away my tear. His touch was almost gentle. His thumb lingered against my skin, tracing the outline of my cheek as if he still had the right to. "Crying won't convince me, love," he whispered. " Maybe you should try something else, hmm?" Napakagat-labi ako. Alam ko kung anong iniisip niya at kung padadaig ako ay ako rin ang matatalo. He wanted me to play with fire again. Bagay na ayoko nang ulitin dahil ako lang din ang unang matutupok. "If this is your kind of revenge, then congratulations, you win!" I snapped, my voice shaking. "Wala nang natira sa amin. You destroyed everything. Ano pa ba ang gusto mo? You want me to kneel? Fine! I’ll do that!" Akmang luluhod ako nang pigilan niya ako. His expression shifted into a serious one. "I'd appreciate you kneeling for another reason," he said quietly. "And no, this isn't the revenge I want." His gaze locked on mine, dark and unreadable. "Alam mo kung ano?" My breath caught. He leaned closer, so close I could feel the warmth of his words when he spoke. "Wear my surname." -- hirayia ♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD